“TITO ROEL!!!” Malakas kong sigaw pagkapasok ko sa kwartong iyon. Halos bumaligtad ang aking sikmura nang makita ko ang lagay ng aking Tito Roel. Halos maligo na siya sa sarili niyang dugo habang padapa siyang nakahiga sa sahig. Kitang-kita ko pa ang dugong bumubukal sa kanyang ulo. Sa tabi niya ay naroon ang isang TV na ginamit ng lalaking iyon na pangpukpok sa ulo nito. Lalapitan ko pa sana ang aking tito ngunit may mga kamay na pumigil sa akin para gawin iyon. Kamay ng isang pulis na ngayon lang dumating kung kailan nakatakas na ang lalaking iyon! Wala na... Huli na ang lahat. Kung hindi ko sana nakalimutan na gawin ang bagay na iyon ay hindi sana ito mangyayari... BAGO mangyari ang kaganapan na iyon ay masayang-masaya pa kaming nagkukwentuhan ng aking tito at tita sa salas tungkol s

