NAPA-YES ako pagkagising ko ng umagang iyon. May kasama pa iyong pagtalon-talon sa aking malambot na kama. Yes! Sobrang saya ko ngayong araw na ito. Ngayong araw kasi ang alis ng aking daddy para sa business trip niya sa Australia. Ilang araw na rin kasi akong inaaya ng friends ko para mag-bar hopping pero hindi ako makasama dahil sa `andito ang aking super strict na daddy na kung ituring ako ay parang fourteen years old! I am old enough na naman para higpitan pa niya. Tapos sakto pa na nasa vacation ang mommy ko kaya wala na talagang makakapigil sa akin para maging free! “Ate Sarah, anong ginagawa mo? Para kang palaka diyan!” Tumigil ako sa ginagawa ko nang biglang pumasok sa aking room ang super kulit kong little sister na si Charm. Seven years old pa lang siya pero kung magtaray `yan a

