Story #09- Tagu-taguan

1128 Words

“OH, Rance, ikaw na muna ang bahala sa kapatid mong si Rico. Bantayan mo ng maayos, `yan. Huwag na huwag mong pagpapalaruin sa labas at baka makalingat ka at mabundol iyan ng tricycle. Pakainin mo rin ng ayos at painumin ng vitamins niya,” walang patid na sabi sa akin ng aking Mama habang pinapanood ko siya sa paglalagay niya ng mga damit niya sa kanyang travelling bag. “`Ma, ilang beses niyo nang sinabi iyan sa akin,” kakamot-kamot sa ulo na sabi ko. “Huwag po kayong mag-alala sa amin ni Rico dahil kaya na naman ang mga sarili namin.” Ang tinutukoy na Rico ni Mama ay ang bunso kong kapatid na pitong taong gulang. Pauwi kasi ng Manila sina Mama at Papa ngayong araw na ito dahil may namatay ang nanay ni Mama. Bale, lola namin. Hindi kami maaaring sumama dahil sa parehas kaming may pasok n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD