Story #11- Visitor

916 Words

AKO si Timothy, mahiyain at mapag-isa na tao. Madalas nasa kwarto lang ako lalo na`t meron kaming bisita. Hindi rin ako mahilig makipagsalamuha sa aking mga pinsan hindi katulad ng kapatid kong si Terrence. Matanda ako ng dalawang taon sa kanya. Kabaligtaran ko si Terrence dahil kung ako ay mahiyain siya naman ay hindi. Madalas siyang magdala ng kaibigan niya sa bahay at minsan ay dito pa sa bahay natutulog. Tulad ng araw na iyon, nakaupo ako sa salas nang dumating si Terrence kasama ang pinsan namin na si Louie. Sabi nila ay bukas daw ang third eye nito. Iyong tao na nakakakita daw ng mga multo at kung anu-ano pang elemento. Nang makita ko pa lang sila sa pintuan ay tumayo na agad ako at pumunta sa aking kwarto. Hindi talaga ako kumportable na may ibang tao sa bahay namin maliban sa akin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD