RED's POV Naputol ang tuksuhan namin ng may biglang kumatok sa aming pintuan. "Ma'am? Sir? Si Mayla po ito." Nagkatinginan kami ni Kalix sandali bago ko pinilit ang sariling tumayo. "Ako na ang magbubukas—" "Ay hindi! Nakaganiyan ka pa oh! Magbihis kana lang." Asik ko at itinulak siya papunta sa walk in closet. Nakangiti niya namang sinunod ang sinabi ko. Inayos ko muna ang suot kong pantulog bago pinagbuksan ng pinto si Mayla. "Ah. Good morning, ma'am, may mga pulis po sa sala. Statement lang daw po. Kausap sila ni senyora ngayon, maaga kasi siyang nagising eh. Sorry po sa ano... sa istorbo." Pahayag ni Mayla. Parang may sumuntok sa sikmura ko. Mabilis na nag flashback sa isipan ko ang nangyari kagabi. Ang malamig na bakal ng baril sa aking sentido, yung halakhak ng lalaking

