Chapter 40

1282 Words

Tahimik ang hallway ng ospital, tanging tunog lang ng bentilador at malalayong yabag ng mga nurse ang naririnig. Nakatayo ako, nakasandal sa malamig na pader, hawak hawak pa rin ang papel na hawak ko kanina. Nanginginig ang mga kamay ko, at pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas sa mga binti. “I’m all ears..” Narinig ko ang tinig niya, mababa, malalim, pero hindi matalim. Hindi siya sumisigaw, hindi siya galit na galit, pero ramdam ko ang bigat ng bawat letra na binigkas niya. Dahan dahan akong lumingon. Nakatayo si Kalix ilang metro lang ang layo, nakasuot pa rin ng itim na coat, parang hindi nababagay sa malamig na ilaw ng ospital. Ang mga mata niya, diretso sa akin. Walang bakas ng ngiti. Pero may kakaibang lambing sa boses niya na kahit sa ganoong sitwasyon, parang humahaplos sa puso

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD