Chaptter 17 Nang makauwi si Kalix bago magtanghali ay inabot ko agad sa kanya ang sobre. Nakita ko kung paano nanigas ang panga niya habang binabasa iyon. Namutla siya, halatang kilala niya ang may gawa nito. “Damn it,” bulong niya. “Kalix, sino sila? At anong dokumento ang sinasabi nila?” Mariin niyang pinunit ang papel at itinapon sa mesa. “They’re enemies. Mga taong gustong sirain ako sa negosyo. At alam nilang ikaw ang kahinaan ko.” Napalunok ako. “So… ako ang target nila?” Hinila niya ako at mahigpit na niyakap. “Over my dead body, sweetheart. Walang sinumang pwedeng magbanta sa’yo, Natasha. I will make them pay.” Naramdaman ko ang t***k ng puso niya.....galit, takot, at pag-aalala. Hindi ko alam kung assumera lang talaga ako pero pumasok sa isip ko na baka totoo nga..

