KULANG ang bugbog sa kanya ng ama para magising siya sa katotohanan na siya ang may kasalanan sa lahat. Manhid na ang kanyang mukha pero ang puso niya ay labis ang sakit na nadarama. Gusto niyang sumabog. Maliban sa kanyang Nanay Salud at anak na si Liam ay walang gustong kumausap sa kanya. Galit ang mga ito sa kanya. Tumabi sa kanyang upuan si Liam. Napangiti siya ng makita ito. Sampung taon siyang wala sa tabi nito. Hindi niya man lang nakasama ang anak sa paglaki nito. Hindi maikakaila na anak niya nga ito. Noong bata pa siya ay kasing payat siya ni Liam. Tsinito at malalim ang dimple sa magkabilaang pisngi. "Bakit po kayo nandito? Bakit ayaw ninyong pumasok sa loob?" "May iniisip lang ang Papa," sagot niyang ginulo ang buhok nito. "Hindi mo naman siguro iniisip na iwan kami ulit Pa

