WALANG kibo si NICOLE sa loob ng sasakyan habang pauwi na sila. Naiisip niya pa rin kasi ang hindi pagtanggap sa kanya ng pamilya ng nobyo. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun na lamang ang pagkadisgusto sa kanya at kahit na kausapin siya ay hindi ginawa ng ina ng nobyo. Pakiramdam niya tuloy ay napakababang uri niyang babae at hindi niya iyon masabi kay Alfonso. Ayaw niya naman na magalit ito sa pamilya pero ganun pa man ay lihim siyang nasasaktan. Pinipilit na lamang niya na maging masaya upang ikubli ang sakit na nararamdaman. Ganito pala ang pakiramdam kapag hindi ka tanggap ng pamilya ng nobyo mo... Naiintindihan niya si Eunice. Ang lahat ng mga pinagdaanan nito nang hindi ito matanggap ng ina ni Jonathan. "Are you all right?" tanong sa kanya ni Alfonso. Paano niya ba naman sagu

