Balita ko... diyan daw sa golf-golf na 'yan maraming nagkalat na afam at mga mayayamang tao. Madalas na naglalaro diyan ng mga mayayaman. Gaya ni Stevon. Pero dito sa Pinas pag mayayaman usapan, usually mga butete tapos matatanda. Iba kasi si Stevon. Hulog ng langit kasi 'yon kasi gwapo at mayaman.
Iyong iba naman hinulog na lang ng langit kasi pangit.
Bakit si Birth Control agad ang naisip ko? Luh! Bad!
Napanguso ako habang pinagmamasdan sina Dyokno na sinusundot-sundot iyong golf ball sa damuhan. Sa kabilang side naman ay si Stevon at mukhang seryoso na titira sa bola niya.
"Ba't no'ng ako tinira niya nakangisi pa siya? Tapos ngayon sa bola seryoso siya?"bulong ko.
Buti pa iyong bola seneryoso niya, pero iyong virginity ko noon... wala na talagang seryosong lalaki ngayon! Tsar! Para namang nagkaboyfriend ako.
Ilang saglit ay nagtawanan na sila Dyokno at Toper. Si Peryong pala ang tumira.
"Wow! Ang layo ng narating ng bola ko. Di ko na siya makita. Geb me dat!" Tapos hiningi pa ni Peryong ang binocular para kuno tanawin ang bola niya.
Nahampas siya ni Dyokno stick tapos tinuro ang bola na nandoon pa rin pala sa damo. Hindi man lang pala tinamaan tapos kung makatanaw sa bola niya sa malayo parang tinamaan niya talaga.
"Tinamaan ko iyon, naramdaman ko kanina,"pagdadahilan ni Peryong ayaw paawat hinahanap pa rin ang sinabing tinamaan niyang bola sa malayo. "Siguro na-shoot yun."
"Hindi nga tinamaan, paanong may masho-shoot? Monggol ka ba?" Nakapoker face pa si Dyokno.
"Ano yong Monggol, Dyokie? Iyong lapis ba yon? Monggol two, ganun?" Sumingit si Toper.
"Mongoloid."
Mukhang napaisip na naman si Toper at akmang magsasalita na naman.
"Alam kong itatanong mo na naman kung ano 'yong mongoloid. Wag na. Tapos sa mongoloid iba na naman itatanong mo. Hahaba na naman usapan. Ibang klase ka pa man din magtanong, walang katapusan. Magresearch ka kasi para di ka tanong nang tanong, di yong puro ka cocomelon sa YouTube."
Napanganga si Toper. Ilang saglit pa bago nakapagsalita.
"Grabe, Dyokie! Hanep ka! Akalain mo 'yon? Ang haba ng sinabi mo pero puros walang kwenta? Tsaka Peppa pig na pinapanood ko ngayon, di mo pa alam?"
"Geb me dat!" Bulalas ulit ni Peryong at inagaw na naman ang binocular ni Dyokno.
Nahampas na naman ito ng stick ng huli dahil naiwan na naman ang bola.
"Ano ba hinahanap mo diyan? Monggol ka talaga hindi nga tinamaan!"
"Ay kan pel et! Tinamaan ko!"
"Oh eh ano toh? Kaluluwa ng bola mo?"
Tumawa si Peryong at mayabang na namaywang. "Sa lakas ba naman ng hampas ko, aba!"
Napabuntong hininga ako. Mukhang iyong tatlo pa yata mas naenjoy ang golf. Samantalang ako naka-50 shots na ako at naka 49 delete na rin ako ng picture ko sa cellphone. Hindi ako marunong ng golf pero okay na rin mag pose doon at kunyari naglalaro ako ng larong pangmayaman. Tingnan ko lang kapag pinakita ko to sa mga inggrata sa school di pa sila mainggit sa'kin.
Napalingon-lingon ako sa paligid. Napansin ko, nawala si Stevon, ah? Baka may kinausap. Napahawak ako sa puson. Naiihi ako. Ang malas talaga. Di ko pa man din alam saan ang CR dito.
May nakita akong lalaking may bitbit na dustpan sa unahan. Staff yata dito. Buti na lang may napagtanungan ako ng CR.
Matapos ako sa CR ay di ko na alam saan ako dumaan kanina kaya kung saan saan na lang din ako sumuot. Pero natigilan ako nang may marinig na putok. Napayuko ako at agad napa-cover sa ulo ko na parang kaya akong proteksyunan ng kamay ko sa bala. Tagos nga iyon sa semento, sa ulo ko pa kaya?
Nagtago agad ako sa may halamanan.
May hinoldap ba dito? Dito talaga sa loob? Ang higpit-higpit ng security sa labas, paanong nakapasok?
Naalala kong nandito rin ako sa loob. Paano kung totoong holdaper nga? Tapos napagkamalan akong mayaman? Napangiti ako sa ideyang yun. Mukhang yayamanin pa man din ako. Baka isipin nila anak ako ng Prisendente isang hamak na maganda lang naman ako.
"Maliit na bagay." Hindi ko mapigilang mapahagikhik.
"Please! Maawa ka! Maawa ka!"
Natigilan ako nang may marinig.
Nanlaki ang mata ko. Baka iyan na iyong holdaper. Baka kapag nakita niya ako, bago siya mainlove sa'kin nabaril niya na ako. Kaya kailangan ko nang tumakbo ako.
Agad akong tumakbo, tumakbo palapit sa nagsasalita at nagmamakaawa. Syempre tsismis muna.
Nagtago ako sa halaman ulit. At saktong natanaw ko ang sampung lalaki na nakatayo sa unahan at may isang lalaking nakaluhod. May nakabulagta na dalawa. At hindi na gumagalaw ang mga iyon.
At may hawak na baril si...
Biglang sumikdo ang dibdib ko sa nalaman. Lalo na at nakikita ko ngayon na nakatututok sa naiwang isa na buhay ang baril niya.
"S-Stevon..."mahinang naibulong ko.
Nakakagulat. Hindi ko inakalang ang pilyo at nakakasama kong Stevon sa bahay ay may ganitong side. Naalala ko dati na may sinisinghot sila noon bago nila ako ginalaw sa motel room.
Ang lalaking nakaluhod ay mukhang nasa edad sengkwenta. Hindi sila nalalayo sa edad ng tiyahin ko. Nakasuot ito ng simpleng business attire at nakakaawa ang itsura habang nakaluhod.
"May anak po ako, at hinihintay rin ako ng asawa ko sa amin. Utang na loob huwag niyo itong gawin sa—"
Isang malakas na putok ng baril ang nagpatigil sa kaniya. Muntik na akong mapasigaw sa gulat kung hindi ko lang natakpan agad ang bibig.
Bumagsak ang katawan ng lalaki. Sa ulo ito tinamaan kaya't agad-agad itong namatay. Namilog ang mata ko habang pinagmasdan ang tatlong nakabulagta na lalaki.
Pasimple niyang ibinigay sa likuran ang baril na gamit na parang wala siyang ginawa.
"Clean this mess,"utos ni Stevon.
Ganun-ganun niya lang tinapos ang lahat? Sino ba siya? Dios ba siya para gawin iyon sa tatlong kawawang mga biktima na yun?
Naalala ko ang narinig sa biktima bago siya binaril. Parang ang sikip-sikip lang sa dibdib na marinig na may pamilya ang mga namatay na iyon.
Akala ko pa man din may puso siya. Pero wala rin pala siyang puso. Super halang ng kaluluwa niya. Sana gawin siyang meat barbecue ni Satanas sa empyerno.
Akmang aalis na ako nang matumba ang flower pat na pinagtataguan ko.
Narinig ko kaagad ang awtomatikong pagkasa ng kanilang mga baril. Mariin akong napapikit. Kunting kaluskos kasa agad. Di talaga allowed ang viewer.
May humawak sa kamay ko.
Nang lingunin ko. Ay mas namilog ang mata ko.
"Stevon number two?"
Bakit dalawa ang Stevon? Nilingon ko ulit ang unang Stevon na nakita ko dito. Bakit magkamukha sila?