Nangangatog ang tuhod na bumaba ako ng hagdan. Ang mamahalin at engrande nilang hagdan ay hindi talaga bagay sa presence ko. Gosh!
Simple lang ang suot ko, it's a dress that suitable for the night. Ako lang naman talaga ang hindi suitable sa gabing iyon, e. Kung hindi lang dahil sa isang milyon. Hay naku!
Maririnig na ang tawanan sa baba. May mga nag-uusap, ibig sabihin ay nandiyan na ang mga bisita niya. Ako na lang siguro ang nahuli. Kung bakit kasi ang hilig kong mag-over think.
Napanganga ako nang tuluyan nang nakababa. Nasa may sala sila, may mga hawak na champagne glass, at may mga jowa. Sana all.
Napabaling silang lahat sa'kin nang mapansin ako. Wala doon si Stevon. Agad akong namroblema. 'Di kaya tumakas na iyon at iniwan ako dito para pakiharapan ang mga bisita niya. Baka siya naman talaga ang naduduwag at ginagamit ako para makaiwas siya.
Putragis na 'yon!
Mula sa likod ko ay may braso na yumakap sa'kin.
"Oh, she's already here."
Babayagan ko sana kung hindi ko lang nakilala agad ang boses niya. Buti na lang, kundi baka... hay ewan. Tumabi siya sa'kin at dikit na dikit ako sa kaniya nang kabigin niya ako at hawak ang baywang ko.
Tatlong pares silang nandito ngayon, at sabay-sabay silang napangiti nang mapagtanto ang ibig sabihin ng mga galaw ni Stevon. Alam na this. Kaya lang masiyadong touching ang gago.
"Hello." Masigla na sabi ng mga babae at mabilis na kumilos upang bigyan ako ng genuine hug and kiss sa cheeks.
Naiilang naman ako sa pakikipag beso-beso lalo pa at aware ako sa status ko sa buhay ni Stevon. Maging ang mga lalaki na mga kasintahan nila ay nakipag beso rin. In fairness hawt, huh. Ambabango at mukhang... malalaki rin. Wala lang, awtomatiko lang na bumaba ang beautiful eyes ko sa may zipper nila.
"Hindi ko aakalaing dito lang sa Pinas makakahanap ng partner in life itong pinsan namin. Way back, he's just toying over numerous girls,"ani Blondie na akala ko bubudboran ako ng kaliwa't kanan na Engles. Hindi pala, marunong naman palang mag-Tagalog.
Ngumiti lang ako na akala mo ang swerte-swerte ko at ako ang napili ni Stevon. Well, ang swerte ko nga na ako ang napili niyang bigyan ng milyones niya. Iniisip ko na nga rin na magkulay ng buhok, siguro blonde rin pero baka magmukha akong naka-wig na bakla no'n.
Nagsasalin ng wine si Stevon sa may mini counter at napansin ko ang pag-angat ng kilay niya nang maulinigan ang pangalan niya. Sinulyapan niya ako at banatukan ng tingin na tila nagtatanong ng 'ano' samantalang wala akong balak na sagutin. Makichismis siya dito kung gusto niya.
Nangangawit pa man din ang panga ko dito kakangisi. Wala akong ma-contribute na topic lalo pa at puros sila throw back. Ni hindi ko nga alam kung kailan natuli iyang si Stevon, e. Malay ko ba?
Pinasa niya sa'kin ang wine glass nang matapos sa counter. Nakatabi siya sa'kin sa sofa at nakikinig na rin sa usapan.
"Yes we will get married next year. Kaya, yes, ako na naman ang sasalang sa married life." Umikot ang eyeball ng babaeng medyo wavy ang hair. Maganda siya at mukhang modelo. Mukhang lahat naman yata sila ay mga modelo. Ako lang itong five flat na nakisiksik dito, e.
"If we haven't got a child, will..." Anang lalaki na jowa niya.
Iyong dalawang girls ay namilog ang mga mata.
"You're preggy, Alora?"
She just smirk.
"Oh my gosh!" Napatakip sa bibig iyong Blondie habang namimilog lang ang mata noong straight black hair girl.
Nagpakilala sila kanina pero wala akong natandaan kasi nangati na naman pwet ko. Kinagat na naman ng langgam. Ang hilig talaga tumambay sa parteng iyon, e. Kung kailan pa talaga may importanteng okasyon.
"Kaya nga, before my tummy turn into round like melon, magpapakasal na kami. I won't wear a wedding gown with the big tummy, guys."
Tumango-tango ang dalawa. At biglang bumaling sa'kin iyong tinawag nilang Alora. Napainom tuloy ako ng inumin na nasa wine glass ko. Tapos muntik nang maubo nang malaman na sobrang pait niyon. Gusto kong patayin sa tingin si Stevon.
"How about you, Annessa? Don't tell me up until now you still hadn't plans of having a little one. Nagko-kontrol pa rin ba itong si Stevon?" At may kakaibang tingin na pinukol kay Stevon.
Para tuloy sinilaban ng apoy ang mukha ko sa init. Bakit napunta bigla sa'kin ang topic?
Mukhang napansin ni Stevon na wala akong masagot kaya siya ang sumalo.
"Soon. I will respect if she's not ready yet. Still, I can wait till the day that she would be able to carry my child."
Napalunok ako.
Napanganga...
Napatitig sa kaniya.
Parang kinikiliti ang tiyan ko.
Gosh!
Ang galing niyang mag-Engles!
Pero ano raw iyong sagot niya? Bakit siya nakangisi diyan at bakit mukhang kakaiba rin ang ngisi na pinupukol ng mga babae sa'kin?
Ngumisi na lang din ako.
"Of course she will loved that soon."ani blonde at nakatitig sa'kin.
Tumango lang ako ng wala sa sarili at ngumiti. Sana maging kasing galing nila akong mag-Engles para hindi ako nose bleed dito. Pero sabi ni Blonde I will love that, sureness!
"See?" Ani blonde ulit.
Nagtapikan sa balikat ang lalaki matapos ang tango ko.
"Well, well, well... mukhang ngayong gabi 'yan mangyayari. Soon might be now, bro!"
At nagtawanan sila. Nakikitawa na lang din ako dahil hindi ko gets. Sinulyapan ako ni Stevon. May nakakalokong ngisi na bumalatay sa labi niya at napakunot ang noo ko dahil doon.
Napainom na naman ako ng wine. Pero sa pagkakataong ito ay nagustuhan ko na. Kumakain na kami pero nawawalan ako ng gana mas gusto ko na wine. Inom ako nang inom dahil feeling ko kumakalma ako doon 'di tulad kanina na tensyunado ako.
Noong nakaalis na sila ay lango na ako sa ininom ko. Buti na lang 'di nila pansin dahil pa-fink fink lang naman ang pisngi ko pero 'di pa Catriona Gray ang lakad ko. Pero nararamdaman ko nang mamaya ay duduwal na ako, umiikot na rin paningin ko at nag-iinit na ang katawan ko. Gosh! Gusto kong sabihin na ang hot ko, pero leteral na init ang nararamdaman ko.
"What the... Ann?" Dahil nakasalampak na ako ngayon sa sahig malapit sa single sofa.
Kanina pa ako nagtitimpi, kanina ko pa gustong maglupasay dito. Grabe!
"Gushto ko pang wine..."
"No, for Pete's sake! I'll carry you upstairs."
....
"Pag natanggap ko iyong pera, alam mo, paliliitin ko butas ng pekpek ko. Kung nakikita mo kung gaano mo winasak ang p********e ko!"
Tapos naiyak ako. Sabi nila may surgery na 'balik berhin' daw isa rin iyon sa balak ko. Nakanganga siya sa'kin nang balingan ako.
"Bakit? Bawal? Pagkatapos niyong sirain pagmumukha ng pekpek ko tapos gusto ko ngayon ayusin, biglang bawal? Diyan kayo magaling, ang manira ng mga bagay na hindi sa inyo palibhasa..."
"What are you talking, Ann?"
"Akala mo naman 2 inches. E, dinaig niyo pa mga kabayo mga hinayupak kayo! Anong klaseng b*yag mayroon kayo?!"
"Stop it, Ann. What are you doing?" Nang magsimula na akong maghubad.
"Naiinitan ako. Maghuhubad ako, at ipapakita ko ang sinira niyo!"
Pati panty tinanggal ko. Narinig ko ang mura niya. Nasa banyo kami at nasa bath tub ako ngayon na walang tubig binabantayan niya ako. Pero imbes na linisin ang sarili ay kung anu-ano ang mga pinagsasabi ko.
"Uh, f*ck!"
"Iyan!" Nakapaghubad na ako lahat at bigla na naman umiyak.
Tapos niyakap ko siya. Wala lang, nahihilo na ako, e. Tapos mukhang madulas ang kapitan ng bath tub kaya sa kaniya ako kumapit.
"You'll pay for this, Ann."
At naramdaman kong binuhat niya ako.
Itutuloy...