Kabanata 6

1163 Words
"Ma'am, lagpas na po twenty minutes,"paalala na naman ng nagbabantay sa'kin. Hindi ko siya pinakinggan. Once for two months nga lang ako makalabas may limit pa. Akala ko nga whole day, e. Pero ayos na rin 'to. "Kuya,"kinalabit ko iyong nagbabantay sa'kin na kanina pa nagpapaalala sa'kin sa oras na dapat kong uwi sa malaking bahay. Nilingon niya ako nakakunot ang noo. "Gwapo, 'no?"tinuro ko si Birth Control. Nagsalubong agad ang kilay niya. "Nagpapatawa ka ba, ma'am?"medyo seryoso ang boses niya. Nagtawanan iyong lima pang nasa likod na gaya niya ay nagbabantay rin sa'kin. "Ay grabe kayo,"nagtatampo kong ismid sa kanila. "Siya pala pinapanood mo ma'am akala ko e, iyong maputing iyon na kasama nila."tinuro niya iyong malaking lalaki na may itsura rin. "Iyong maputi ang ngipin iyong type ni ma'am, ano ka ba?"natatawang dugtong no'ng kasama niya. Hindi na lang pinansin ang mga sinasabi nila nag-concentrate na lang ako sa panonood. Parang nag slow-mo ang paghawi ni Birthy baby ko sa buhok niya. "Nagayuma iyan." "Sabi ng lola ko, nagtatawas kasi iyon dati. Kuha ka raw itlog ng kalabaw tapos ilagay mo sa bote." "Hindi lulutuin?" "Ano, pulutan lang?" "Oo na! Sige, o tapos? "Tapos ayun, lulutuin mo bago mo ilagay sa b–" "Akala ko ba hindi lulutuin?" "Sinabi ko bang hindi?" "Iwan ko sa'yo!" "Tapos ayun, ipainom mo raw iyong katas sa nagayuma. Babalik daw sa katinuan." "Paano na iyong kalabaw na wala nang itlog?" "Ayun! Tuli na siya." Ang ingay nilang anim sa likuran ko hindi ko na sila masiyadong pinansin dahil nakasentro lang ang atensyon ko sa baby loves ko. "Ma'am, para sa'yo." Ilang saglit ay may nag-abot na sa'kin ng phone. Nagtaka ako habang tinatanggap ang phone at itinapat sa tainga saka narinig ang... "Your salary will be deducted if you don't get home within 10 minutes." Nanlaki ang mata ko dahil kilala ko ang boses na iyon. At ang milyon ko! Babawasan niya ang milyon ko! Agad akong tumayo at wala pang isang minuto nakalabas na ako ng gym. Tumatakbo nang nakasunod sa'kin ang malalaking tiyan kong mga guard. "Ma'am!" "Hintay, ma'am!" "Jusko! Ang bilbil ko umaalog, Toper, ang susi!" Agad kong binuksan ang sasakyan at agad binalingan ang mga body guard na nakasakay na sa front seat. Nagsiksikan pa sila doon na apat may isa pa namang kotse sa likod. "Makakarating po ba tayo sa mansion bago mag ten minutes?"tanong ko sa driver na agad naka pwesto sa front seat. "Ma'am, kung lilipad tayo posible siguro. Pero imposible tayong lumipad." Mabilis naman na napatingin ang tatlo sa aming dalawa ng driver. "Lilipad tayo?" "Paano?" Agad naman nagpaulan ng mga tanong ang tatlo. Ako lang mag-isa sa likuran wala yata sa isip nilang samahan ako dito. Kunot noo tuloy akong namomroblema nang balingan ang labas ng sasakyan. Sobrang saklap talaga ng buhay. Pero mabuti na lang at binilisan ni kuyang Body guard ang takbo ng sasakyan. Kung maari nga sana na mas mabilis pa sa pinakamabilis niyang pagpapatakbo, e. Kaya lang naawa na ako sa tatlo. "Aray! Kapain mo nga ilong ko, Dyokno. Hindi ko na sila maramdaman,"natatarantang kalabit ni Peryong sa kasama. Nakailang mudmod din kasi siya sa windshield ng sasakyan tuwing liliko at magbe-break si manong Ruel na siyang mas matanda sa kanila. "Buo pa, buo pa. 'Wag kang mag-alala,"tinapik-tapik ni Dyokno ang balikat nito. "Makasampa kayo, mga gago kayo!"reklamo ng isa pa na si Toper. Naka-upo sa kandungan niya kasi ang dalawa. Siya pa man din ang pinakamaliit. Iyong dalawa nakasunod lang sa amin naka-convoy. Nag-break na naman si manong Ruel kayo sumemplang na naman sa unahan si Peryong. Naiiyak na siya kalaunan. "Kuya Ruel, pababain mo na ako maawa ka. Lilipat na ako sa kabilang kotse,"pagmamakaawa ni Peryong. Gusto ko nga sanang pahintuin na si Manong Ruel sa pagda-drive kaya lang determinado siyang umabot bago ang ten minutes. Bumaling sa'kin ng may pagsisisi sa mga mata sina Peryong, Dyokno at Toper. Halatang sinisisi nila ako kung makatingin. Hilaw akong napangisi sa kawawang tatlo. Sorry talaga! "Kung ano man ang mangyayari sa'kin ngayon, Ma'am. Pasabi na lang sa pamilya ko na mahal ko sila,"tila namamaalam ang boses ni Manong Ruel. Nanlaki mga mata nina Dyokno. "Kuya Ruel naman! Anong ikaw lang? Lima tayo sa sasakyan? Tang*na hindi pa ako handang maaksidente. Wala pa akong Philhealth, si Toper 'di pa aprobado sa St. Peter 'yan!"ngawa ni Dyokno. "May form na ako,"pagtatama ni Toper. "At kumuha rin akong form para sa'yo. Sweet ko, 'no?"ngumisi si Toper. Napatingin ako sa relos ko at nalamang 8 minutes na. Ang milyon ko! Pero sinalakay ako ng kunsensya... at takot. Syempre kasama ako sa sasakyan. Pikit-mata ako nang mag nine na. One minutes to go, deducted ang salary ko. Pero ilang saglit lang ay biglaang huminto ang sasakyan. Nang magmulat ako ng mata ay nalaman kong nasa harapan na kami ng sasakyan. Halos hindi pa ako makapaniwala na nakarating nga kami bago mag ten minutes. Napaka-imposible! Tinulak agad nina Dyokno ang pintuan at sabay silang dumuwal sa labas. "S-Salamat po, M-Manong Ruel." Tulala pa rin ako habang pinagmamasdan ang bahay sa labas. ... "Uhhh!" Tinakpan ko ng kumot ang buo kong katawan. Tapos kinuha ko ang unan para takpan na rin ang tainga. Kaya lang walang use ang mga 'yon dahil tumagos pa rin sa tainga ko ang mga ungol ng babae ng malib*g na lalaking 'yon. "Uh, yes! Oh there, there! Yes, uhhh!" Binato ko ng unan ang ding-ding naka-ilang rounds na ba ang mga putakte na 'to? 'Di pa ba natutuyuan ng likido ang lalaking 'yon? Anong batuta ba mayroon siya, maynilad? Non-stop ang likido? "Uhhh!" Kinuha ko na lang ang kumot at unan. Naalala kong may bath tub ako sa silid na 'yon. Siguro doon na lang ako matutulog ngayon. Kumuha na rin ako ng iilang damit pangpasak sa butas ng pintuan ng banyo para hundred percent sure akong walang tatagos na ungol. At sa wakas nakatulog naman ako ng mapayapa. Isang tahimik na gabi. Sabay kilig na kilig pa kasi sa panaginip ko ay pareho kaming nakahiga ni Birthy baby ko sa bath tub na 'yon. "Babe, ang sikip dito,"reklamo ni Birthy baby. Nag-aalala tuloy ako sa kaniya pero kilig na kilig pa rin dahil mas magkadikit kami dito dahil masikip. "Parang ako, masikip,"banat ko at saka kumindat. Biglang bumusangot si Birthy baby ko. "Laspag ka na. Nakalimutan mo na?" Tapos paulit-ulit na nag-echo sa utak ko ang word na laspag. Dahil mas loading pa ang utak ko sa wifi ng aming kapit-bahay kaya matagal bago rumehistro ang sa utak ko ang sinabi niya. At dahil doon biglang tila gumuho ang mundo ko sa narinig. Oo nga pala. Ang pudayday ko, hindi na inosente ang pudayday ko. Nagising akong umiiyak at dahil hanggang sa umagang iyon ay naalala ko pa rin ang panaginip kong iyon. Winasak nilang dalawa ang aking puri! Winasak ng dalawang malalaking hotdog nila. At dahil diyan, dudumihan ko rin ang kanilang... Swimming pool sa baba. Maliligo ako! ... Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD