Chapter 22:Uwi Na Bahala na siya. Iyon lang ang tanging gusto kong gawin ngayon, ang hayaan muna si Trystan sa gusto niyang mangyari sa aming dalawa. Hindi pride ko ang pinaiiral ko ngayon, naramdaman ko lang na mukhang hindi pa siya handang makipag-ayos sa akin kaya ako na muna ang kusang iiwas. Sa totoo nga lang ay gusto kong ako na lang ang makipag-bati sa kaniya, sinubukan ko na nga, 'di ba? Kaso wala pa rin, ayaw pa rin. Mukhang hindi pa rin lumalamig ang ulo niya kaya bibigyan ko siya ng sapat na panahon para makapag-isip-isip. Bukod doon, naiinis ako sa inasta niya kanina, lalo na at nadatnan ko pa siyang kasama si Rowena, nagt-tawanan sila. Ako nga, hindi ko magawang makatawa dahil sa problema naming dalawa, tapos siya ay makikita kong nakikipagtawanan sa ibang babae? Nagseselos

