Chapter 26:Worthless Kinabukasan, laking pasasalamat ko nang gumaling na iyong balakang ko. Nag-first aid sa akin si Trystan kagabi para gamutin iyong balakang kong namali nang bagsak kagabi dahil doon sa pagputok n’ong automatic dishwasher. Nalaman ko kay Trystan na roon daw ‘yon sa saksakan, basa daw ‘yong wires kaya pumutok. Hindi ko talaga alam kung paano nangyari ‘yon dahil sinigurado ko namang hindi basa ang wires kapag sinasaksak ko iyon, malamang dahil damay ako kapag sinaksak ko ‘yon. Tsaka, kung dahil ‘yon sa basang wire na naisaksak, e ‘di sana nakuryente na ako kagabi pero hindi, e. Iyong balakang ko lang ang sumakit sa akin kagabi dahil sa maling pagbagsak ko. Iyon lang kaya hindi ko mapigilang hindi magtaka. Mabuti na lang talaga at magaling na ang balakang ko at hindi na

