Kelseay
Hanggang ngayon, nangingilabot pa rin ako sa sinabi ni ‘Insan. At ang mas nakakainis, kung ano-anong eksenang hindi dapat iniisip ang biglang pumapasok sa utak ko. Para akong tatakbong marathon sa kaba.
Agh! Bakit ba kasi may gano’n? Kailangan ba talagang gawin ‘yun?
Pwede namang hindi, ‘di ba?! Hindi naman kami totoong mag-asawa—
“Shunga mo, Kelseay! Mag-asawa na kayo! Limot mo na?” sigaw ng utak ko.
“Eh? Pero hindi naman ako pumayag, no!” Napapadyak pa ako sa inis.
“Hindi ka nga pumayag, pero kasal pa rin kayo.”
“Ah basta! Hinding-hindi ako papayag! Ni wala nga akong experience sa ganyan! Wala akong alam sa—!”
“Malamang! No touch, no kiss ka since birth! Ang dami mong arte.”
“Aba! Hoy! Bakit ka ba sabat nang sabat? Aist! Bakit ko ba kinakausap ang sarili ko?”
Humawak pa ako sa ulo ko. Diyos ko, nababaliw na yata ako. Pero sino ba naman ang hindi mababaliw sa sitwasyon kong ‘to?
Bigla akong nakarinig ng magkakasunod na katok.
“Sino’ng kausap mo riyan, anak? Parang sumisigaw ka?” boses ni Itay.
Halos malaglag ang kaluluwa ko.
“W-wala po, Tay! Nag...ah... nag-aayos lang ako! Wag niyo na pong intindihin!” sigaw ko pabalik.
Dumating ang hapunan. Nasa mesa kaming tatlo. Ako, si Tatay, at ang sanggano. Kunot-noo itong nakatitig sa mga ulam: nilagang baka at tulingan.
“Oh, ano pang hinihintay niyo?” tanong ni Tatay.
Tumalima na sana si Leandro para sumandok ng kanin nang mabilis ko siyang tinapik.
“Ouch! What’s your problem? Aren’t we going to eat?” inosente pa ang mukha.
“Kakain nga! Pero magdadasal muna tayo!” singhal ko.
“Whatever.” Umirap.
Napapailing na lang ako habang nagdasal.
Bastos talaga. Pero gwapo. Pero bastos. Ugh!
Pagkatapos mag-amen, nagsimula kaming kumain. Dalawang subo pa lang niya nang bigla siyang pumalatak.
“Woah! This tastes so good, Dad! Did you cook this?”
“Naman!” proud na proud si Tatay. “Ako ang pinakamasarap magluto sa barangay na ‘to! Kaya sinagot ako ng Nanay nitong anak ko!”
“Hmmm. I see… Just wow! You cook like a professional chef. Ang lambot ng karne. Perfect.”
Para talagang kumislap ang mga mata ni Tatay sa papuri. Well, hindi naman sinungaling si Leandro. Magaling talaga magluto si Tatay.
Habang abala ang dalawa sa kuwentuhan, sinakop ng pag-aalala ang utak ko. Hindi ako mapakali. Baka pati sa Mars napapadpad na ang isip ko.
Kasi naman… mamaya… makakatabi ko ang sanggano sa pagtulog.
At ang worst part—
Agh, no. Ayoko nang isipin. Ang mahalaga, hindi siya pwedeng makatabi ng perlas ko. Never!
Pagkatapos kumain, mabilis kong niligpit ang lahat, pumasok sa kwarto, at sinimulan ang matagal ko nang planong nasa utak ko.
Napapalakpak pa ako habang tinitingnan ang sarili ko sa salamin.
“Ang talino mo talaga, Kelseay Jade. Hallelujah,” bulong ko, halos lumuluhod sa tuwa.
Ayos na ayos. Mission: Protect the Precious Pearl activated.
Nang marinig ko ang pagbukas ng pinto, agad akong tumayo nang diretso.
Pumasok si Leandro, may dalang unan at kumot. Nagtama ang tingin namin, pagkatapos ay biglang lumalim ang kunot noo niya.
“What the hell—” napasigaw siya. “What are you wearing? You look—”
“Pretty?” ngisi ko.
“You look like a mummy.”
Kinagat ko labi ko para hindi humagalpak sa tawa.
Naka-long sleeves na damit, pajama, medyas, gloves, at ang mukha ko? Balot hanggang batok. Tanging mata ko lang ang kita. Para akong kriminal na nilalamig.
“Do you seriously think na tatalab ‘yang style mo?” unti-unti siyang lumapit. “You think we can skip our honeymoon?”
Dinidiin niya pa talaga ang salitang honeymoon.
“Well, sweetheart… it’s easy to undress you. I can take all of that off just to make you mine.”
Sunod-sunod akong napalunok. Parang mauubusan ako ng laway.
“Subukan mo lang! Marunong ako ng karate! Dadaan ka muna sa dahas bago mo ako mahawakan!” sigaw ko.
Pero imbes na matakot, lalo pa siyang lumapit. Agh! Bakit ba matigas ang ulo ng lalaking ‘to?!
“Come on, sweetheart. Harmless ako,” nakakalokong ngisi.
At ewan ko ba kung bakit biglang nag-slow motion ang mukha niya sa paningin ko.
Brown eyes. Matangos na ilong. Makapal na kilay. Mapula ang labi.
Holy.
Gwapo siya.
Sobrang gwapo.
Shet.
“Hold your breath,” sabi niya, “wala pa akong ginagawa. Masyado mo yatang iniisa-isa ang mukha ko.”
‘Susko po! Kelseay, wag kang padala! Wag mong ibigay ang perlas!’
Huminga ako nang malalim bago ko siya tinulak.
“Wag mo akong akitin, sanggano! Hindi ako madadala sa ganyan!”
Tumawa siya. “Baka nakakalimutan mo… you are now Mrs. Buenaventura. Kasal na tayo. At alam mo kung ano ang ginagawa ng bagong kasal, ‘di ba?”
“Kasal mo mukha mo! Sinasabi ko sa’yo, oras na kumilos ka—”
“Don’t scare me, sweetheart.”
Muli siyang lumapit.
Mabilis.
At bago pa ako makatakbo—
Binuhat niya ako.
“At—ANO BA! Bitawan mo ko! Leandro! Wag mong gawin ‘yan—”
Bigla niya akong ibinagsak sa kama.
“Just shut up,” bulong niya habang nakayuko sa akin,
“and make love with me.”