Leandro
Pareho kaming nakaupo ngayon ng babaeng ito sa loob ng bahay ni Tanda. Kaharap namin siya habang sinusuri niya ang asawa ko kuno.
Damn. What’s with this old man?
“What? Hindi ka pa rin ba naniniwala? Nasa harap mo na ang pruweba and now it’s time for your promise. Akin na ang mana ko,” inis kong sabi sa kanya.
Hindi pa rin maalis ang tingin niya dito kay… what’s her name again?
Krystal? Kyla? Kristine?
Err…
“What’s your name, hija?” tanong nito sa katabi ko. Tulala pa rin kasi siya matapos ang pilit na kasal namin kanina. Pagkatapos ng seremonyas at matapos namin pirmahan ang marriage certificate ay dito ko na siya agad ibin dragged kay Tanda.
She kept saying bakit daw nangyayari ito sa kanya. Ano raw ang sasabihin niya sa Tatay niya. Tsk.
Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya saka ko siya bahagyang siniko.
“P-po?” gulat niyang tanong.
“What’s your name?” ulit ni Tanda.
Sabay kaming sumagot.
“Keisha.”
“Kelseay po.”
“Ah. Yeah. She’s Kelseay,” pagwawasto ko.
“Tell me, Leandro. Bakit ang bilis mo namang magpakasal?” tanong ni Tanda, ngayon ay nakatingin na sa akin.
“What? Diba ikaw ang nagsabi na iharap ko sa’yo ang mapapangasawa ko para makuha ko ang mana ko? And now ’yan ang itatanong mo? Nagiging ulyanin ka na, Tanda,” inis kong sabi.
“Ganyan ka na ba talaga kadesperado para makuha ang mana mo? I’m still your grandfather, so please show some respect. Sinabi ko nga iyon, pero hindi ko inaasahan na ganito kabilis,” sabi niya saka tumayo.
“Ano pa ba ang gusto mo ha, Tanda? Ginawa ko naman na ang gusto mo,” sigaw ko. Bigla ko namang naramdaman ang pagbatok sa ulo ko.
“Hindi ganyan ang tamang pagsagot sa matatanda,” sabi ng katabi ko sabay irap sa akin.
“Bakit ka ba namamatok riyan ha?” inis kong tanong.
“Pasalamat ka at iyan lang ang ginawa ko. Hindi ka ba tinuruan ng GMRC sa eskwelahan niyo?” gigil niyang sagot.
“Tsk. Like I care,” singhal ko.
“Ah so wala kang pake kung may nababastos ka sa ugali mo?” dagdag niya.
“Ano bang problema mo?” inis kong tanong.
“Problema ko? Tinatang mo pa talaga? Gusto mo isa-isahin ko? Una, sapilitan mo akong ipinakasal sa’yo. Gago ka. Ginamitan mo ako ng dahas. Anong palag ko? Wala. Ang paalam ko lang sa Tatay ko may kasal akong pupuntahan pero ako ang ikinasal?” gigil niyang sabi saka kumuha ng buwelo.
“Pangalawa, hindi iyon ang dream wedding na pinangarap ko. Noong bata ako iniisip ko na makakalakad ako sa aisle papunta sa altar at pakakasalan ko ang taong mahal ko. Ang ending? Naisakal ako sa hindi ko kilalang lalaki na napakaantipatiko at walang modo,” sigaw niya, halos kapusin na sa hininga.
Nagpatuloy pa siya. “Pangatlo, alam mo bang first kiss ko iyon? Siyempre hindi mo alam. Iba ang iniimagine kong first kiss ko. Romantic dapat. Sweet. At dahan-dahan, hindi iyong paspasan. Kulang na lang mapudpod labi ko sa ginawa mo. Kinagat mo pa akong sanggano ka. Ano sa tingin mo mararamdaman ko do'n?” inis niyang sigaw.
Biglang napahawak si Tanda sa dibdib niya na parang inaatake.
“Jusmiyo por favor, Leandro. Hindi ako makapaniwalang ginawa mo iyon. Nandamay ka pa ng inosenteng babae dahil gusto mo lang makuha ang mana mo?” hindi makapaniwalang sabi ni Tanda.
“Tama ka Lolo,” segunda nitong babae. Napaikot na lang ako ng mata at napahilamos sa mukha ko.
“Agh. Ewan ko sa inyo. Pareho kayong magulo,” sigaw ko.
“Salbaheng ’to. Kami pa ngayon ang magulo? Saan ba pinaglihi itong lalaki, Lolo? Saksakan ng pagkaantipatiko,” gigil niyang sabi.
“Tss. You’re both nonsense,” sagot ko.
“Okay lang po ba kayo, Lolo? Maupo muna kayo. Baka tumaas ang presyon niyo,” nag-aalalang sabi nito kay Tanda, dahilan para tumaas ang kilay ko.
“You know, hija, I like you,” nakangising sabi ni Tanda.
“Luh? Para po kayong tanga, Lolo. Hindi po tayo talo,” sagot niya habang umiiling. Napatawa ako doon.
“No. I mean I like you para sa apo ko. Kahit papaano he has good taste. Kaya lang mukhang hindi mo deserve ang tulad niya,” sabi ni Tanda, na lalo kong ikinainis.
“What are you saying? Wag mo siyang i-brainwash,” inis kong sabi saka ko hinila si Kelseay palapit. Pabagsak siyang napaupo.
“I’m telling the truth. Saka isa pa, guguluhin lang niya buhay mo. Sasabihin ko sa ninong mo na mag-file ka ng annul…”
“Fvck. Naglolokohan ba tayo dito, Tanda? Wala kang isang salita. Don’t you ever tell me what to do,” gigil kong sabi saka ko siya hinawakan sa kwelyo.
“Hoy. Tigilan mo ’yan. Lolo mo pa rin ’yan,” awat niya. Kaagad ko namang binitawan si Tanda at napasabunot sa buhok ko.
“Ibibigay ko lang ang mana mo kapag nabigyan mo na ako ng apo,” biglang sabi ni Tanda. Napaangat kami ng tingin pareho.
“Nababaliw ka na ba?” sigaw ko.
“Isipin mo na gusto mong isipin. Gusto kong bigyan niyo ako ng apo. After that, you can have and do what you want,” seryoso niyang sabi.
Napatulala ako. Ganoon din si Kelseay na sunod-sunod na napakurap. Humugot ako ng malalim na buntong-hininga bago tumayo.
“Fine. Expect what you want in just two months,” sabi ko saka hinila si Kelseay.
“T-teka lang naman,” reklamo niya.
“In just one month. Sa birthday ko dapat maibigay niyo ang hiling ko. That would be the best gift,” pagtatapos ni Tanda.
Pagkalabas namin ay agad ko siyang isinakay sa kotse ko.
“Sisimulan na natin ang honeymoon natin,” seryoso kong sabi, dahilan para lumaki ang mata niya.
“H-honeymoon?” halos mapigtal ang eyeballs niya.
“Yeah. Honeymoon,” diin ko. Sunod-sunod siyang napalunok bago tinakpan ang sarili niya.
“V-virgin pa ako,” bulong niyang tulala.