SHAIRA
Napaupo ako sa gilid at kinuha ko ang aking phone para i-update ang aking boyfriend. Nagtataka lang ako, hindi pa rin niya ako kinakausap ngayon.
Mahigit tatlong taon na kami ni Francis. Isa siya sa mga lalaking loyal na nakarelasyon ko.
Alam kong bawal sa EyeRed magkaroon ng relasyon pero nilihim ko na lang na wala ako. Saka panatag naman ako na hindi ako mahuhuli.
Minsan kapag gusto namin magkita sa bahay lang. Mahirap na kung sa labas baka makuhan pa ako ng litrato.
Baka rin isumbong nila ako lalo na't hindi alam ng buong QoH na may jowa ako.
"Thea!"
"Bakit mo ako binibigyan nito?"
"Peace offering po kanina sa elevator. Nadala lang po ako sa emosyon kanina. Gusto ko lang po magsorry sa inyo dahil hindi ko po sinasadya 'yon at hindi po ako ganoon katulad ng iyong iniisip."
"Tikman niyo po. Alam kong magugustuhan niyo po."
"Ako? Ako kakain nito?"
Napatingin ako kay Zoe at Thea.
Natawa na lang ako sa sinasadula nila ang pangyayari kanina namin ni Ms. Christine.
Patunay na talaga silang tsismosa. Ako pa pinagtritripan nila.
Natawa ako lalo dahil ginawa pa nilang props yung bag ni Zoe at nakapatong ang cupcake sa bag nito.
"Ay! Hindi! Baka paa mo." sabi ni Zoe at natawa ako lalo.
Natawa naman ang iba sa pagiging pilosopo ni Zoe.
"Totoo naman eh. Nagtanong pa si Thea kung siya ang kakain. Malamang siya lang naman." sabi ni Zoe at patuloy pa rin kami sa kakatawa.
"Panira ka, Zoe. Hindi ganyan. Nakakainis ka talaga." sabi ni Thea at naging seryoso ang kanilang mukha.
Hay nako! Napasapo na lang ako sa ulo dahil trip nila ako, "Sige, balik tayo doon. Saan ulit 'yon?"
"Doon sa line ko na tinanong kita na ako kakain niyan?" sabi ni Thea kay Zoe.
Bumalik ulit sila sa pag-acting nilang dalawa.
"Opo." sagot nito kay Thea habang nagbeautiful eyes pa siya kay Thea.
Pinipilit niyang hindi matawa sa ginagawa ni Zoe.
"May lason ba 'to?" habang tinitingnan ni Thea yung cupcake.
"Oo naman." malakas ang confidence ni Zoe sa kanyang sinabi.
Hindi ko na alam gagawin kay Zoe sobrang natatawa ako.
"Nilagyan ko 'yan ng mighty bond dahil alam kong favorite mo 'yan." dagdag na sabi ni Zoe at nagacting pa si Thea na natuwa siya sa kadahilanan na may mighty bond ang cupcake.
Juicecolored! Sumakit ang ulo ko sa kanila. Ang lakas ng trip nila.
Hindi ko na keri.
"Talaga?" nagacting ito na hindi makapaniwala at niyakap niya si Zoe. Yinakap nila ang isa't isa.
Gusto ko silang pagumpugin ng ulo. Kung kakayanin ko lang.
Alam ko naman na mabait ako kahit noong isinilang pa ko sa sinapupunan ni mama. Hindi ko kayang gawin sa kanila 'yon.
Biglang lumapit si Zoe sa akin, "Alam mo, Shai. Nahiya ka pang ibigay sa amin yung brownies mong dala kaya binigay mo na lang kay Ms. Christine," sabi niya at tumabi sa akin.
Lumapit din si Thea at tumabi rin sa akin.
Masinsin nilang sinusuri ang aking reaksyon dahil patuloy nilang nilalapit ang kanilang mukha sa akin.
Biglang nagbukas ang pinto at tumayo kami agad.
Dumating agad ang aming manager na si Ms. Lea pero Leon kapag galit. Nakabakas sa kanyang mukha na masama ang kanyang tingin sa amin. Mayayari kami nito.
"Nabalitaan kong palpak ang performance niyo na ipinakita kay Ms. Christine! Alam kong maayos na lahat ha?! Anong nangyari?!" galit na sabi ni Ms. Lea at napansin kong kinalabit ni Zoe si Thea para sumagot ito.
"Nagpabago po ako ng step kay Naomi kanina lang before performance namin. Maganda naman po yung nabago namin step kaso hindi po kami nagkasabay-sabay." paliwanag ni Thea kay Ms. Lea at napatingin ito ng masama sa kanya.
Nakita kong napalunok si Thea.
"Ayusin niyo 'yan. Ayokong madismaya si Ma'm Christine sa akin!" galit na sabi ni Ms. Lea at nagwalk-out ito.
Nagulat kami sa malakas na pagkalabog ng pinto.
Napalingon kami sa pagpunta ni Thea sa harapan.
Lumapit kaming lahat sa kanya. Alam kong seryoso siya sa kanyang sasabihin ngayon.
"Queen of Hearts, ayusin natin lahat ng kalat natin bukas. Dapat andito na tayong lahat ng 9am." utos niya sa akin at sumang-ayon naman kami.
"Uwi na tayo." anunsyo ni Thea at agad-agad naming kinuha ang bag at tuluyan na kaming umalis ng practice room.
Habang nasa labas na kami ng EyeRed, naghiwa-hiwalay na kami ng ruta pauwi.
Wala pa kasi kaming sariling dorm na nahanap.
Dapat si Ms. Lea pero wala pa rin kaming natatanggap na update mula sa kanya.
Tatanungin ko sana siya kanina ngunit nagiging Leon siya kapag tinanong ko siya ngayon.
Baka bungangaan pa ako lalo.
Dumeretso ako sa Taxi Bay kung saan doon nakapila ang mga taong nagtataxi. Dito kasi ako naghihintay ng taxi papunta sa aking bahay.
Ngunit napakahaba na naman ang pilahan dito. Sa aking palagay, alas singko na nga ngayon kaya rush hour at madalang ang mga taxi na dumadaan 'pag ganitong oras.
Kahit magbus ako, punuan din lalo na't kung magjeep ako baka sumabit na lang ako. Pero wala rin naman akong choice kundi pumili na lang dito at maghintay ng himala.
Ilang oras na ako nakaabang ngunit pangalawa pa lang nakakasakay ng taxi. Tumingin ulit ako sa aking orasan at 8:30 na.
Kelan kaya ako makakasakay?
Bigla akong nakarinig na busina. Mga ilang beses na ito bumisina kaya hinanap ko ito.
Tumingin ako sa isang kotse na mamahaling itim. Hindi ko alam kung anong tawag dito dahil wala naman akong alam sa kotse.
Ang alam kong mamahalin ito.
Napansin kong binaba niya ang bintana at sumilip ako kung sino.
Nagulat ako na si Ms. Christine ang bumubusina kanina.
"Hop in!" sigaw niya at napalingon ako sa mga nakapila rin na nakapansin sa amin. Hindi ko na rin alam gagawin ko kaya dali-dali akong sumakay sa harapan at sinarado ko ito.
Ngayon, nakaupo ako sa sasakyan ng iniidolo ako. Medyo nararamdaman kong nagtatalunan ang puso dahil sobrang swerte ko.
Sinakay ako ng iniidolo ko diba? Dream come true talaga.
Nagulat akong lumapit sa akin si Ms. Christine. Hindi na ako makahinga dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin.
Baka maamoy niya yung hininga ko kaya hindi na ko huminga. Narinig kong may kinalikot lang si Ms. Christine sa aking gilid.
Ah! Pinag-seatbelt niya lang pala ako.
Kinuha lang namanniya ang seatbelt. Nagsimula na siyang magpaandar ng sasakyan.
"Anong address mo?" nagulat ako sa kanyang sinabi.
Wait lang nagproprocess pa ang nangyari kanina.
"Kahit sa a-ano na lang po... Sa..." nauutal kong sabi.
Shocks! Na-mental block ako kung saan ako natira.
Kailangan ko mag-relax pero kanina pa gusto kong tumili dahil katabi ko ang iniidolo.
Ang saya mag-i********: ngayon kasama si Ms. Christine pero baka magkaroon ng World War III kapag napost ko.
Saka hanggang pangarap lang talaga.
Tahimik pa rin si Ms. Christine habang hinihintay niya ang sagot ko.
Naalala ko na rin ang address namin kaya sinabi ko agad sa kanya.
Mukhang si waze pa ang magsisilbing magbibigay ng direksyon para ihatid niya ako sa bahay.
Pwede naman siguro tagalan diba?
Baka naman, waze. Ipasikot mo na lahat ng lugar basta matagal kong makakasama si idol.
"I like your brownies. Nagustuhan ko."
Nabasag ang katahimikan sa aming dalawa ni Ms. Christine noong narinig ko ang kanyang sinabi.
Napangiti ako at tumingin ako sa kanya habang nakatuon siya sa pagmamaneho niya.
"Salamat." sabi ko sa kanya at tumingin siya sa akin.
Ngunit saglit lang ang pagtingin 'yon sa akin at patuloy na siya nagmaneho.
"Paano mo alam na allergic ako sa peanuts?" tanong niya sa akin habang tinitingnan ko siya.
"Sa interview niyo po dati sa youtube." sagot ko at tumingin na lang ako sa bintana.
"Ah 'yon. I don't really like peanuts pero hindi ako allergic." sabi niya.
Naguluhan ako sa kanyang sinabi dahil akala ko allergic talaga siya.
Ayon doon sa aking napanood, sinabi niya na allergic siya sa peanuts.
At this time, ngayon ko lang nalaman na hindi siya allergic. Now I know.
"Ngayon alam mo na hindi ako allergic." sabi niya sa akin.
"Ms. Christine, gusto ko lang po malaman niyo na isa rin po akong fan niyo. Nakakataba ng puso dahil sobrang bait niyo po at kusa po kayong hinahatid ngayon sa bahay ko." sabi ko sa kanya at napatingin siya sa akin.
"No. Hindi kita ihahatid sa bahay mo." nagulat ako sa sinabi niya at napatingin ako sa kanya bigla.
Nag-expect ako na ihahatid niya ako sa bahay namin.
Medyo naguguluhan ako kung bakit hindi niya ako ma-ihatid.
Akala ko talaga ihahatid niya ako para wala na akong problema pauwi at makasama siya ng matagal pero pinaasa niya lang talaga ako.
"May family dinner kami mamaya. Saka bakit kita ihahatid sa bahay? We are not close." sabi niya at nalungkot ako sa kanyang sinabi.
Pero naiintindihan ko naman ang kanyang dahilan. Family first talaga ang importante.
Oo nga pala. Hindi pala kami close. We are just strangers.
Isa lang akong sa mga fan niyang sumusuporta sa kanya at isa lang niya akong artists.
Aasa pa ba ako?
"Ibaba lang kita sa Mall tutal maraming taxi doon." sabi niya at tumingin na lang sa bintana.
Nakakahiya. Nakaka-tanga lang.
Matagal ding tahimik ang aming paligid at tuluyang sumandal ako dahil ramdam ko ang pagod ko kanina sa performance namin.
Gusto ko lang magpahinga at napasandal ako.
Pinikit ko ang aking mata.
***
"Mom, mauna na kayo magdinner. Hahabol na lang ako. Marami akong inasikaso sa office. I am sorry."
"Yeah. I'll go home na. Okay. I love you."
Bigla akong nagising sa malakas na narinig kong pag-uusap at napamulat agad ako ng aking mata.
Napagtanto ko na natulog pala ako sa sasakyan ni Ms. Christine at ibaba niya ako sa Mall.
Inayos ko ang aking sarili sa pagkaupo ko at napansin ko sa aking gilid na mata na tumingin siya sa akin saglit.
Tiningnan ko kung saan kami ngayon. Mukhang familiar ako sa mga dinadaanan namin.
"Malapit na tayo sa bahay mo."
Tama ba narinig ko? Inihatid niya ako sa bahay.
Akala ko ba sa mall lang niya ako ihahatid? Nalilito ako ngayon.
Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi dahil hindi ko alam kung ano mapapakita kong reaksyon sa kanya.
Gulung-g**o ako sa desisyon ni Ms. Christine. Nakakaloka.
Napansin ko rin na binaba niya na ako sa tapat ng bahay namin, "Thank you." 'yon na lang nasabi ko dahil bago lang akong gising.
Nagproprocess pa utak ko.
Lumabas na ako sa sasakyan niya at napatingin ulit sa kanya.
Kumaway ako sa kanya bilang paalam.
Pero hindi niya napansin ito at sinarado ko na lang ang pinto ng sasakyan niya. Biglang umaandar ito paalis.
Pinanood ko muna ang pag-alis ng sasakyan niya.
Pagkatapos, pumasok na ako sa loob.
Pagkabukas ko ng pinto, medyo madilim ang sala.
Mukhang wala si mama at papa dito.
Dumeretso na lang ako sa kwarto ko at binuksan ko ang pinto.
Binuksan ko rin ang ilaw at umupo muna sa aking table. Hinanap ko muna ang diary ko.
Isang munting diary na puro laman tungkol kay Christine.
Sinabi ko na sa inyo na matagal ko na iniidolo si Christine. Lahat ng pangyayari sa buhay ko kung paano ko siya sinuportahan, andito lahat ang buong kwento.
Andito lahat ng nararamdaman ko sa kanya....
Bilang isang fan niya.
Kumuha ako ng ballpen at nagsimulang magsulat.