CHRISTINE
"Pumasok ka na sa office." sabi ni Quinn at na-una na siyang pumasok sa loob.
"Andito na ang CEO at paumanhin sa inyo dahil may inasikaso lang ito saglit." rinig kong sabi ni Quinn at pumasok na ako rin.
Pagkapasok ko, nakita ko ang babaeng nakasalubong ko si Elevator Girl.
Nagbow ang mga girls sa akin maliban sa isang babaeng gulat na gulat ang kanyang itsura at nakaturo pa ito sa akin habang tinatapik niya ang kanyang katabi sa likod.
Binalewala ko na lang siya at nagsimula na lang ako magpakilala sa Queen of Hearts.
"I am Christine Juxred. CEO ng EyeRed Entertainment Company. Nice to meet you." bati kong seryoso sa kanila.
"Oh my Ghad!"
Bigla kaming napatingin sa kanya.
Napataas ako ng kilay sa kanya.
Hindi pa rin siya makapaniwala na CEO binangga niya. Well, makonsensya siya ngayon sa kanyang ginawa kanina sa elevator.
Siniko siya ng kanyang katabi, "Shaira, ang ingay mo." saway nito kay Elevator Girl.
Inayos niya na lang ang kanyang sarili niya at dinedma ko siya.
"You may sit down." utos ko sa kanila at umupo sila agad ngunit maliban kay Quinn na nakatayo ito sa aking gilid.
Ngayon, magkaharapan kami ng miyembro ng Queen of Hearts. Napatingin ulit ako kay Elevator Girl.
Napansin kong hindi siya mapakali dahil panay ayos niya ng buhok at kanina niya pa pinaglalaruan ang hihinturo niya magkabilang daliri.
Hindi ka mapakali, ghOrL?
"Christine, here is the list." narinig kong sabi ni Quinn sa aking tabi at napalingon ako. Kinuha ko agad ang list na nilahad niya sa akin at tiningnan ko ito.
"Who is Thea?" tanong ko sa kanila habang hinahanap ko sa kanila kung sino ang leader.
Biglang nagtaas ang katabi ni Elevator Girl.
So siya pala si Thea.
Gusto ko yung aura na medyo wild but sexy dahil naka-leopard dress ito. Medyo matapang ang kanyang mukha dahil sa kanyang mga matang singkit.
Okay siya para sa akin.
Tumingin ulit ako sa aking list at nilipat ko sa next page.
"Camille?" tanong ko ulit sa kanila at may biglang nagtaas ng kamay sa Queen of Hearts na katabi ni Thea.
"Ako po." sabi niya sabay ngiti sa akin.
She has a cheerful smile. Mukhang may charm itong babaeng 'to.
I like it.
Mabait tingnan siya lalo na't kapag nakangiti.
Ngumiti ako sa kanya dahil gusto ko siya sa grupo nila. Bumalik ako sa pagtingin sa list at nilipat ko ito sa susunod na page.
"Naomi?" tawag ko sa kanila habang hinanap ko ito ngunit tinuro agad ni Elevator Girl na katabi ni Camille sa kanan.
Base sa kanyang itsura, mayroon siyang bangs na mahaba ang kanyang buhok. Mayroon din siyang round eyeglasses.
"Makikita ko later yung debut performance ninyo sa Practice Room." seryosong sabi ko sa kanila at tumango si Naomi.
Lalo na't napansin kong napalunok si Naomi na pakiramdam kong kinakabahan ito.
"I'm giving you a high expectation sa performance niyo. Ayokong makitang simple lang gawa niyo." seryoso akong nakatingin kay Naomi.
Gusto ko lang bigyan sila ng pressure para mapaghandaan nila ito nang maayos.
Nagpatuloy ako sa aking pagbabasa ng list.
"Zoe?" tawag ko habang hinahanap ko kung sino 'yon.
Tumaas ito ng kamay at tiningnan ko siya.
Napansin ko agad ang kanyang damit na puro itim ito. Okay naman siya para sa akin. Maganda naman ang kanyang itsura. At saka mamaya ko pa titingnan yung angas niya magrap. Aabangan ko 'yon.
Nilipat ko ulit sa sa susunod na pahina at nakita ko yung information ni Frances.
Nasubaybayan ko ang paghihirap ni Frances sa isang survival show ng ibang entertainment company. Ako ang rason kung bakit siya napunta dito sa EyeRed. Hindi naman sa kadahilanan na marami siyang pinagdaanan kung bakit ko siya kinuha.
Hindi ko na rin kailangan siyang tawagin at kilalanin. Ngumiti na lang ako sa kanya at sinuklian naman niya ako ng ngiti.
Tumingin na ako sa susunod na list.
Napapansin kong mukhang hindi pa natatawag si Elevator Girl.
Nagpatuloy na ako sa aking pagbabasa.
"Mia?" tanong ko at hinanap ko kung sino si Mia. Biglang nagtaas ng kamay ang pinakadulo sa kaliwa nila.
"Mamaya huhusgahan ko yung gawa mong kanta for debut performance niyo."
Tumingin na ko sa list at nilipit ko sa susunod na pahina.
Nakita ko ang pagmumukha ni Elevator Girl sa list.
Tiningnan ko siya ng maigi.
Napansin kong naka ripped jeans ito. Nakatuck-in lang ang kanyang t-shirt na plain black sa jeans niya. Naka-ash ang kanyang color dye niyang buhok at nakalugay ito na pakulot.
Hindi ko naman itatanggi na maganda naman siya dahil lalo na bumagay sa kanya ang suot niya.
Hindi ko rin inaasahang siya ang lead vocalist ng grupo. Wala sa kanyang itsura talaga pero subukan natin mamaya. Baka may maibubuga naman ito. Mukhang magtutuos kami sa pagpapakita ng performance nila mamaya sa akin.
Tiniklop ko na ang aking list. At saka hindi ko na siya kailangan kausapin dahil wala ako sa mood kausapin siya. Pero nakita ko siyang sumimangot.
"Bakit hindi ka niya kinausap?"
Narinig kong may nagtanong sa kanya.
Ngunit binalewala ko na lang ito. Binigay ko na lang ang list kay Quinn.
Gusto ko lang na maramdaman niya na tama lang na dedmahin siya dahil sa pagtrato niya sa akin sa elevator.
Tumayo na ako at kinakailangan ko ng tapusin itong meeting ng Queen of Hearts. Para matapos na ang aking gagawin at makapagpahinga na ako.
"Nice to meet you all. See you later, ladies." sabi ko at nauna na akong umalis sa sala ng office ko.
Dumiretso na ako sa aking desk. Umupo na agad ako at kumuha ako ng paper sa desk ko na nagkukunwaring may gagawin ako.
Gusto ko lang masilayan kung ano ang reaksyon ni Shaira dahil hindi ko siya kinausap.
Nasilayan kong palihim si Shaira na nakasimangot ito habang lumalabas sa office ko at bigla siyang tumingin sa lugar kung saan ako nakapwesto.
Kaya dali-dali akong nagpanggap na nagpipirma ng papeles.
Kinabahan tuloy ako.
Kahit trinato niya ako ng hindi maganda, pisikal lang anyo ang kagandahan niya. Mas okay kung pati ugali niya, maganda rin.
Paglipas ng isang oras, natapos ko na rin ang aking gawain. Naalala ko pala na kailangan kong pumunta sa practice room ng QoH. Nagpalit na rin ako ng damit.
Lumabas na ako sa office ko. Pagkalabas ko, napansin ako ni Quinn at binigyan ako ng ngiti mula sa kanya.
"Pupunta na ako sa third floor, Quinn. Kung tapos ka na sa gagawin mo, pwede ka na rin umuwi." sabi ko sa kanya.
"Pagkatapos mo ba sa kanila, uuwi ka na rin?" tanong niya sa akin.
"Yes. Hindi ko alam kung anong oras ako matatapos. Matatagalan ako nito sa palagay ko." sabi ko at tumango ito.
"Sige, Tin. Maya-maya aalis na rin ako. May lakad din ako eh." paalam niya sa akin at nginitian ko siya.
Dumeretso na ko sa elevator at pumasok ako. Pinindot ko agad ang 3rd floor.
Pagkadating ko sa 3rd floor biglang nagbukas ito.
Nagpatuloy na akong naglakad papunta sa practice room nila at pagkarating ko, kumatok ako.
Sumilip ako sa bintana nila na nakikita ko ngayon nagpapractice silang lahat.
Mukhang pinaghandaan nila ang performance nila dahil pawis na pawis sila. Binuksan ko ang pinto at pumasok ako.
Napatigil silang sa kanilang ginagawa at yumuko sila sa akin. Napaupo sila sa lapag habang ako nakatayo lang sa harapan na nakasandal lang sa lapag. Gusto ko rin pagsabihan si Shaira sa ginawa niya sa akin kanina.
"Magsisimula na po ba kami?" napalingon ako at sinara ni Thea ang music.
"Yes. I need to see your performance." sabi ko at nagform na sila ng position nila.
Nagstart na rin ang music at mukhang maganda naman vibes ng kanta nila.
Medyo nagustuhan ko rin ang beat sa umpisa. Na-unang kumanta si Mia, okay naman boses niya dahil nasa tono naman 'to. Mukhang sabay-sabay naman sila sumayaw sa pre-chorus na kinakanta ngayon ni Chloe.
May napansin akong mukhang hindi kabisadong part sa kanila na si Zoe dahil may nakikita akong napapatingin siya sa kanyang kaharap.
Ayoko sa lahat merong kumokopya ng galaw. Kasi kitang-kita talaga kapag nasa harap ka.
Patapos na ang chorus na kinakanta ngayon ni Shaira pero nagulat akong iniipit niya boses sa bandang high note sa dulo.
Napailing ako dahil mali ang kanyang ginawa.
Pero sa kanyang pagsasayaw, bigla siyang kumindat sa akin. Nagulat ako sa ginawa dahil hindi ko inasahan na kinindatan niya ako o sadyang ilusyunada lang ako.
Sa pangalawang verse na sila, ito yung part ni Camille. Mukhang maganda ang expression ni Camille at may charm itong dalang-dala.
Gusto ko rin ang kanyang boses.
Magaling din sumayaw. Nasa pre chorus na kami, sa part ni Thea.
Mukhang naririnig ko na lang ang kanyang hinga kaysa sa kanya niya dahil sobrang bigay na bigay ito sa pagsayaw. Napasapo na lang ako sa ulo.
Maganda naman ang choreo at kanta pero yung pagpapakita ng performance lang nila doon sila palpak.
Ganoon din ginawa ulit ni Shaira iniipit niya talaga sa high note.
Nawalan na ako ng gana kaya kailangan nang ihinto itong kalat nila. Kailangan nila ito linisin.
"Stop." sabi ko at bigla silang napatigil sa pagsasayaw at naririnig kong hingal na hingal si Thea.
"Si Camille lang nakakagawa ng maayos sa inyo. Pero yung iba, kumokopya na lang sa harapan kung ano next na step at position. Also, Shaira how did you become lead vocalist kung hindi ka marunong maghigh notes? Bakit mo pinipilit boses mo? Ibuga mo dapat." naiinis kong sabi habang nakayuko silang lahat.
Napatingin ako kay Thea. "Thea, huwag mong ibigay lahat ng power mo sa sayaw kaya hindi ka na makakanta ng maayos kanina na binibigay mo ng todo sa pagsayaw mo." dagdag kong sabi sa kanya at tumango siya.
Sobrang badtrip ako dahil ito makikita kong performance na sobrang kalat. Hays!
"I'll give you another chance. Bibigyan ko kayong dalawang araw para ayusin lahat. Kapag hindi pa maayos performance niyo, disband agad." sabi ko sa kanila at tinalikuran ko na sila. Ipinakita ko kung gaano ako kabadtrip kanina.
Lumabas na agad ako ng kanilang practice room nila. Narinig kong kumalabog pagsara ng pinto.
Naglakad na ko papuntang elevator at may narinig akong tumatakbo mula sa akin likod pero binalewala ko 'yon.
"Ms. Christine!"
Tumigil ako at napalingon ako kung sino tumatawag sa akin. Inilahad niya sa akin ang box ng brownies na hawak niya.
Si Shaira.