Chapter Thirty-one -Jax- Buo na ang naging plano kong gamitan ng dahas si Marie, para makuha ko lang ito at muling bumalik sa piling ko. Hindi ako makakapayag na basta na lang ito mapupunta sa iba dahil akin lang siya, at walang ibang pwdeng makakuha dito kahit makipagpatayan pa ako. Inaamim ko sa aking sarili na labis akong nangungulila sa pagkawala nito, piling ko ay mababaliw ako kapag hindi ko pa ito nakasama. Papalabas na sana ako ng hotel room ko ng tumunog ang cellphone ko at si Migs ang caller. “Boss, I sent something to your email that I know will help with your plan to get the boss queen back.” Salita nito sa kabilang linya. Hindi na ako sumagot dito at mabilis kong binuksan ang laptop ko para makita ang email nito. Pero napapailing na lang ako sa natuklasan pero masay

