CHAPTER 2

824 Words
Nakatulala lamang ako at inaantay ko ang sagot ni papa. Pero hindi ito nag sasalita at akmang aalis na din si mama. Gusto ko siyang pigilan pero hindi ko magawa. Nanghihina ako! Hanggang sa nakalabas na ng gate si mama pero nag usap muna sila ni tita dun. Pumasok na kami ni papa sa loob. "Bakit sheena, Anong nangyari"? 'Diba sinabi na ni mama. Totoo ba? 'Ano nga nak.? 'Bakit papa? Gusto mo ba sa'akin mo pa marinig. Gusto mo din ba makarinig ka ng masasakit na salita at sabunutan ko yang babae mo ha? GUSTO MO BA? Nabigla si papa sa pabalang kong sagot at natahimik ito. At mahinahong nag salita. "Alam mo kasi nak sobra ng malungkot si papa hindi ko na kayang tiisin mga nangyayari samin ng mama mo kaya gusto naman ni papa lumigaya, pagod na si papa sa kalungkutan e, syempre hindi ko kayo kasama ng mga kapatid mo si kuya cole mo, si angelo tapos si mama mo diba"? -papa "So, totoo nga! Alam mo kung mahal mo kami imbes na mag hanap ka ng kaligayahan sa iba dapat gumawa ka ng paraan kung paano ulit rayo mag sasama-sama. Eh ang kaso hindi ang ginawa mo gumanti ka din, kaya wala kang pinag kaiba kay mama." Ang dating ako na ubod ng lambing sa magulang, naging malamig na!.... Ako na malaanghel sa galang NOON tinutubuan na ngayon ng sungay.... Ang dating mga kilay ko na sumasabay sa mga ngiti ng mata ko, Ngayon lagi ng nakataray.... Ang mga pananalita ko ang mga inaasta ko unti-unti ng nag babago... Nag babago na ang mundo ko... Dahil pakiramdam ko Nawawalan na ito ng magagandang kulay at unti-unti ng nag didilim... Ang sakit pala talaga kapag nag hiwalay ang mga magulang mo... Anak ang pinaka maapektuhan sa mangyayaring pag hihiwalay nila... May tinawag si papa sa may kusina. Siya, siya yung babae kanina sa likod ni papa nung sumilip si papa sa bintana SIYA PALA. Ang kutob ko kanina totoo nga. Bigla akong nanlumo, Biglang naalala ko ang kahapong nangyari samin ng nanay ko. Kung paano ko siya inaway kung paano ko siya sinaktan ng physical at emotional dahil sa pag tatanggol ko kay papa. Napaka walanghiya ko nga talaga! At kayo ang naging dahilan ng kawalanghiyaan na namumuo sakin ngayon. Biglang sa puso ko naramdaman ko ang matinding awa para sa mama ko ng maisip ko din ang mga masasakit na sinabi ko sakanya. At tila para bang narinig ko ulit ang mga paliwanag ni mama sakin. Sa puso ko nag karoon ng puwang na pagsisisi at awa para kay mama sa nagawa kong p*******t sakanya. Para bang Nag karoon ng konting puwang ngayon sa puso ko na maintindihan ang mga nangyari samin oh sakanila. At ang mga dahilan ni mama. Tumayo ako para puntahan si mama baka abutan ko pa siya. At nag kasalubong kami ng tita ko na papasok na ngayon sa pinto. "Nasaan na si mama tita.?" "Ay, umalis na sheena." Tumakbo ako para sundan si mama baka abutan ko pa siya. Tinakbo ko ang kalye palabas ng subdivision pero nanlumo ako ng wala na si mama. Hindi ko na siya naabutan. Siguro Hindi ako isinama ni mama dito para lang makita ang totoo. Dahil Iniwan niya ako, iniwan niya ako sa lugar na to' kung saan nandito ang pinagtanggol ko na akala ko hindi magagawa ang bagay na siya ang unang gumawa. Wala na si mama gusto kong umuwi kasama siya. Ayoko na din kay papa ayoko sakanya galit na galit din ako sakanya. Sobra! Sobra kayo. Huhuhu paulit ulit na iyak ko! Nag lakad ako pabalik sa bahay ng tita ko. Lahat sila naka abang sakin sa labas ng gate si papa, kabit niya at ang tita ko. "Saan ka nag punta.?"  Tanong ni papa "Hinabol ko si mama dahil gusto ko ng umuwi." "Dito ka muna, dito ka na lang sakin." "Ayoko! Ayoko sa'yo, ayoko sainyo lahaaat!!. Pare pareha lang kayo! Pare pareho lang kayong mga malalandi. Lalo ka na!" Turo ko sa kabit ni papa "sheena!!!" "Oh bakit pagagalitan mo din ba ako ha tulad ni mama. Pagagalitan mo din ba ako papa dahil inaano ko ang babae mo?" -sigaw ko. "Tama na yan sheena!" -tita "Isa ka pa? pinabayaan mo si papa. Pinabayaan mo siyang mag asawa ng iba. Dapat hindi ka pumapayag sa ginawang yan ni papa tita". "Sheena bakit pati ang tita mo binabastos mo na din. Wag ganyan alam kong galit ka pero wag kang mag sasalita ng hindi magaganda sa mga nakakatanda sayo!" Nag dabog ako at umalis sa harapan nila. Nag punta ako sa may puno dalawang bahay ang pagitan sa kanila. At umupo ako doon habang sinandal ko ang mukha ko sa mga hita ko. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa may luha akong ilalabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD