“Yaya Marta, do it yourself po ba itong Halo-halo?” Umoo at tumango si Yaya Marta. “Gusto ko po mag-crush ng yelo.” Dagdag pa ni Ezra habang nakasilip sa kulay silver na aparatong de-ikot. May bloke rin ng yelo na isinalang at iniipit si Yaya Marta sa loob nito. Naglagay ng isang tray sa ilalim na sasalo naman ng nagadgad na yelo. Nakakunot ang noo ng tatlong magkakaibigan habang pinapanood ang proseso. “Maka-crush ka, kala mo naman marunong. Ako na lang! Yaya Marta, marunong po ako. Nagtitinda po kami ng halo-halo tuwing Summer.” Pagbibida naman ni Malik. “Saan ka nagtitinda? Bawal magtinda sa labas ng subdivision nyo!” Natawa sina Cayden at Jackie sa pagbara ni Ezra sa kaibigan. “Sa probinsya kapag nagbabakasyon ako. Ganitong ganito ang ginagamit naming ice-crusher,”

