YUMAKAP muli si Kira kay Lissandro. Sa tuwing nasa bisig niya ito, mas payapa ang kaniyang isip at unti-unting nawawala ang bigat ng mga problema sa paligid niya. "Alam kong hindi mo naman ako pababayaan. I know it." "I will... never," sagot ni Lissandro, mababa ngunit buo ang boses. "And I'll make sure it won't happen again." Dinampian ng halik ang buhok ni Kira. Mabilis ngunit puno ng pangako, tila doon isinasara ang lahat ng takot na hindi masabi nang buo. "That's why I won't be scared again," bulong ni Kira, mas kumapit pa sa lalaki. Ngunit hindi agad nakasagot si Lissandro. "But, Kiana..." mahina nitong sabi, parang may bumabara sa lalamunan. "Let's go home please..." putol niya, halos pakiusap na. "Just the real home... just you and me."u Napasinghap si Lissandro, mariing nap

