HINDI MAKAPANIWALA si Kira kung paano niya naharap si Lissandro pagkatapos nang nagyari kagabi. Masaya siyang malaman na parehong walang pagsisisi sa kanilang dalawa. They're both matured. "Breakfast?" tanong ni Lissandro nang lumabas siya sa bathroom pagkatapos magbihis. Maigi na lamang at may pinahanda ng mga gamit ang lalaki para sa kaniya. "May nakita akong restaurant dito sa ship, medyo private, less crowded." "Okay." Magkasunod silang lumabas ng silid. Habang naglalakad sila sa corridors ng ship, napansin niya na parang may mga tao sa paligid na maingat na nagmamasid. Luminga-linga siya sa paligid. Ngayon lamang siya nakaramdam ng ganito. Bakit parang may nakatingin? "What's that?" tanong ni Lissandro nang makita ang paglingon-lingon niya. Umiling siya. "You're looki

