PAGKAMULAT ni Kira ng mga mata, hindi agad siya gumalaw. Tahimik ang buong silid. Masyadong tahimik. Unti-unti siyang tumingin sa paligid, still adjusting sa liwanag ng umaga na bahagyang pumapasok mula sa bintana, ang kurtina ay bahagyang nakaayos upang hindi direktang tumatama sa kaniya ang init. Napakunot ang noo niya. She doesn't remember closing it like that. Dahan-dahan siyang bumangon, napansin ang baso ng tubig sa bedside table. Hindi iyon naroon kagabi. Katabi nito, isang maliit na tray na mayroon nakahain na almusal, simple breakfast. Tinapay. Prutas. At kape na bahagyang may usok pa. Mainit pa. Ibig sabihin... hindi pa gano'n katagal. Natigilan si Kira. Hindi niya kailangang magtanong kung sino ang gumawa noon. Napalunok siya. Her fingers unconsciously brushing the

