PINAGMAMASDAN ni Kira si Lissandro mula sa malayo habang nakikipag-usap ito sa ilang kakilala. Nakatayo lamang siya sa gilid ng buffet. Iniwan siya nito at nagpaalam na may kakausapin. Mula sa kinatatayuan niya ay hindi niya mapigilan ang sarili na titigan si Lissandro. This man is bold and confusing, kung minsan mabait, kung minsan ay umaaktong concern sa kaniya, pero mas madalas ay malamig at hindi mabasa. She knew he was only using her. Nagtama ang mga mata nila nang tumingin si Lissandro sa gawi niya. Panaka-naka itong tumitingin sa gawi niya upang bantayan siya. After talking to Mr. Tan, naging maingat si Lissandro sa asawa, lalong-lalo na sa event na ito. He knew the danger surrounding them. Lumapit ang isang lalaki kay Kira. "Hi, care for a drink?" Tumingin siya sa lalaki at m

