MALALIM NA ANG GABI ngunit hindi pa rin magawang makatulog ni Kira. Lumabas siya sa balkonahe, dala ang bigat ng kanyang mga iniisip. The night was quiet, but her mind was not.
She thought about her parents and how they ended up forcing her into an arranged marriage. They had made her life miserable.
Magulo pa rin ang lahat sa isip niya. Parang walang malinaw na sagot, walang direksyon. Sa labis na galit na nararamdaman niya para sa mga magulang at kay David ay ayaw niya nang makita ang mga ito kahit na kailan. Tinanggap niya na sa sarili niyang ganito ang kinahinatnan ng buhay niya. Ang makapag-asawa ng salbaheng lalaki na mayroong kakaibang pamilya.
Miserable ang tawag niya sa buhay na meron siya ngayon. She wasn't happy with her marriage, she was filled with grievance.
She's crying every night.
Nakaramdam siya ng gutom kaya naisip niyang bumaba sa kusina. Kumuha siya ng makakain at balak sana itong dalhin pabalik sa kaniyang silid.
She was on her way back nang habang naglalakad sa hallway, narinig niya si Lissandro na may kausap sa telepono. Huminto siya saglit.
"David, I need the throne. I need power. 'Yun lang naman ang rason bakit ako nagpakasal. I don't care about her—"
Nang marinig niya iyon ay hindi na siya nagsayang pa ng oras at umalis. She heard Lissandro talking about David. Tama nga ang mga nasa isip niya, pinagtulungan siya ng mga taong malalapit sa kaniya at mga pinagkatiwalaan niya. They played her.
Masama ang loob niya at hindi masiyadong nakatulog. Hindi siya lumabas ng kaniyang silid buong araw.
"Lady Kiana, hinatiran kita ng makakain," sambit ng kasambahay nang pagbuksan niya ng pinto.
Pinapasok niya ito sa loob upang mailapag ang tray na hawak sa lamesa.
"Puwede bang mahiram ang phone mo?" tanong niya sa babae.
Tumango ang babae. "Wala ka po bang cellphone?"
Tumango naman din siya. "I lost my phone when I got kidnapped, hindi na 'ko binilhan ng lalaking 'yon. I need to contact my assistant."
Iniabot nito sa kaniya ang cellphone.
Tinanggap niya iyon at kaagad tinawagan ang numero ni Yolly na natatandaan niya, kaya nga lamang ay hindi na ito makontak. Out of coverage na ito. Ibinalik niya ang cellphone at nanghihinang naupo sa sofa na nasa kaniyang silid.
"Talagang iniwan nila 'kong lahat." Namasa ng luha ang mga mata niya. Labis siyang nalungkot.
Naupo ang kasambahay sa kaniyang tabi. "Would you mind if I ask kung bakit ka umiiyak?"
"Dahil lahat ng tao sa paligid ko, pinaglaruan at iniwan ako. Lahat ng taong pinagkatiwalaan ko iniwan ako at hinayaang maikasal sa taong 'di ko gusto. Anong ginawa ko? Bakit nila 'ko pinaparusahan nang ganito?"
Pinunasan niya ang mga luha at tumayo. Ayaw na ayaw niyang kinaawaan siya. Matagal niya nang tinanggap ang nangyari. She will stay with Lissandro forever.
"Can I ask your name?" tanong niya sa babae.
Tumango ito. "Alora."
"Great. Nice name." She tried her best to smile. Naisip na lamang niyang makisama sa lahat ng taong kasama niya para hindi siya mainip.
Nakipag-usap at nakipagtawanan siya kay Alora. Medyo creepy ito kung minsan, pero masarap din pala itong kausap.
She decided to go along with the life she already had.
***
Hindi niya pinansin si Lissandro nang magsabay silang kumain ng hapunan. Walang kumikibo sa kanilang dalawa habang kumakain.
Maya-maya ay nagsalita si Lissandro, "Get ready tomorrow. Sasama ka sa 'kin at sa Papa sa White Night party sa isang Royal Caribbean. Alora will help you with your clothes and makeup."
Hindi siya sumagot. Nagpatuloy lamang sa pagkain, pilit iniiwas ang tingin sa kanya.
"Are you listening?" tanong ni Lissandro, halata ang bahagyang inis sa boses.
"Hindi ako bingi," maiksing tugon niya, malamig at diretso, sabay abot ng tinidor sa kanyang plato.
"At bakit hindi ka sumasagot?"
"May choice ba 'kong tumanggi?" Kira rolled her eyes. "Sumagot man ako or hindi parehas lang naman."
Pinilit ni Lissandro pakalmahin ang sarili. "You're impossible," he murmured.
Naramdaman ni Lissandro na iniiwasan siya ni Kira pero binalewala lamang ng lalaki.
Hanggang sa pagsapit ng umaga ay hindi kinakausap ni Kira si Lissandro, o kahit na man lang tignan ito.
Nagpadala si Lissandro ng mga taong mag-aayos sa kaniya at mga damit na pagpipilian niya. Lahat ay designer evening gown at tamang-tama sa tema na White Night Party. Nahirapan tuloy siyang mamili, but knowing Kira, she was a natural when it came to fashion. Even the simplest dress could be transformed into something elegant and stunning just by the way she wore it.
Kira knew how to mix colors, textures, and accessories to highlight her personality, even in a formal setting. She didn't just follow trends, she made them work for her, giving every outfit a sophisticated, timeless feel.
Hindi din nahirapan ang HMUA niya sa pag-aayos sa kaniya. She was born pretty and naturally elegant, light makeup was enough to highlight her timeless beauty.
"Ang ganda-ganda mo talaga, Lady Kiana," wika ni Alora na manghang-mangha sa kaniya. Ganoon din ang ibang taong kasama nila sa silid. Gandang-ganda sa kaniya.
"Ay, hindi mo na 'ko pinahirapan, Madam! Super prettyy!" papuri ng baklang nag-makeup sa kaniya.
"Thank you," nakangiting tugon niya habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin.
"Lady Kiana—"
"Just call me Kira," putol niya sa pagtawag ni Alora sa kaniya.
Tumango ito ngunit nagdadalawang isip kung bakit ganoon ang gustong ipatawag niya sa kaniya.
"Halika na po at naghihintay na si Mr. Moretti sa ibaba."
Tumango siya at tumayo.
Mula sa itaas ay nakita niyang naghihintay si Lissandro sa dulo ng staircase.
Guwapong-guwapo ito sa suot na tuxedo, clean, sharp, and perfectly fitted to his body. His hair was perfectly groomed, and even with just a glance, Kira could feel the intensity in his eyes eyes that seemed to watch, observe, and hold a quiet kind of power.
Hindi mapigilan ni Kira ang sarili na titigan ang lalaki mula sa kinatatayuan niya.
Nagtama ang kanilang mga mata, at parehong namangha sa isa't isa.
Lissandro's eyes were admiring her beauty. He was stunned and amazed by her.
Marahang bumaba si Kira habang hindi naalis ang mga mata nila sa isa't isa.
Kira's heart beat faster, half in nervousness, half in... something else she couldn't quite name. She straightened her shoulders, held her chin high, and focused on every detail. Her dress swaying elegantly, her hair catching the soft lights, and her presence filling the space between them.
Tila ba napakabagal ng bawat segundo habang humahakbang si Kira paibaba hanggang sa tuluyan siyang makalapit at huminto sa harap ni Lissandro.
Hindi nakapagsalit ang lalaki. Titig na titig lamang sa kaniya.
Pakiramdam ni Kira ay natutunaw siya sa titig nito. Kaya naman pinilit niyang magsalita. "S-shall we?"
Lissandro gulped and went back to his senses. Tumango at nagpatiunang maglakad paalis. Hindi man lamang siya nito inalalayang makasakay sa sasakyan.
Na-badtrip tuloy si Kira.