LISSANDRO DIDN'T even wait for the car to fully stop. The moment it slowed near the villa gates, bumaba na agad siya at kumaripas ng takbo papasok. "Mr—" tawag ng isa sa mga tauhan niya. Pero hindi na siya lumingon. He was already running inside. The villa was still tense. Basag ang katahimikan. Nagmamadaling kilos ang mga tauhan. Magulong paligid. May mga dugo nang nililinis, pero halata pa rin ang nangyari. None of that mattered. Not to him. "Kiana, where is she?" he barked, voice sharp. "Second floor, she's—" Hindi na niya hinintay ang kasunod. Dire-diretso siyang tumakbo sa hallway. And then he saw her. Nakaupo ito sa sahig, sa harap ng sofa, yakap-yakap ang sarili. Her eyes were open but unfocused. Tulala. Maputla ang mukha niya, may mga tuyong bakas ng luha sa pisn

