Chapter 22

966 Words
Chapter 22 Umalis ako sa kwarto ng bruha na 'yon na naiinis. Hahanapin ko sana ang kwarto ko ng makita ko ang Yaya ko. "Ya, Rocel!" Tawag ko sa Yaya ko sa kabilang parte ng ikalawang palapag. Hindi niya ako nakita kaya tumakbo ako ng tahimik at niyakap ko siya agad ng mahigpit. Siya ay nasa 63 taong gulang na. Mula bata palang ako katulong na siya dito sa bahay. Kulubot na din ang mga balat niya. "Asha, Anak. Ikaw na ba 'yan?" Hinawakan niya ang mukha ko at tiningnan ng mabuti na parang hindi makapaniwala. "Ya! ako nga 'to, nasaan ang mommy ko Ya?" Taranta kong tanong sakanya habang nagsimulang maluha. "Anak, hindi ko alam. Kaya tinext kita ng napakadami dahil laging nag aaway ang mommy't daddy mo. Tinawagan kita pero hindi kita macontact, pasensiya na Anak." Hinawakan ng mahigpit ni Yaya ang kamay ko habang nakayuko. Naramdaman kong umiyak siya sa harapan ko. "Minsan na niyang sinaktan ang Mommy mo kaya nag aalala na ako noon pero ngayon Anak, hindi ko na alam kung nasaan siya." Humagulgol na siya kaya umiyak nadin ako. Nagyakapan kaming dalawa ni Yaya habang umiiyak. Ang sakit sa loob kong marinig na ginaganyan siya ni Dad. "Kawawa naman ang mommy ko,hindi ko man lng siya na protektahan." "Yaya," Sambit ko sa gitna ng iyak ko. "'wag mukong pababayaan ah? Ikaw nalang ang meron ako." Mabuti nalang na may tao pang nagmamalasakit sa'kin. "Oo, Anak. Sabihin mo lang 'pag nagkaproblema, ipinangako ko sa Mommy mo na poprotektahan kita hanggat makakaya ko." Kumalas kaming dalawa sa yakap. Napayuko naman si Yaya at nagpupunas ng mga luha. "At gusto ko lang sabihin sa'yo na, ang huling nangyari bago nawala ang Mommy mo ay kinakaladkad siya. Hindi ko lang alam kong saan pero madami siyang pasa non, pinapasok kasi kami sa kwarto lahat kaya hindi ko nakita ang kasunod na nangyari." Posible kayang buhay pa ang mommy ko? Sana nga. Hahanapin kita pangako 'yan mommy. Nabuhay ako ng loob at nagpunas ng mga luha. Sumihinghot-singhot pa ako dahil sa sipon. Kailangan ko nga palang maging malakas. "Ya, mag-iingat ka ah? tayo nalang ang magkakampi ngayon." Nikyakap ko siya ulit nga mahigpit. "Oo, Anak. Siya nga pala may babaeng kasing edad mo na nakatira dito, kapatid mo daw!tsaka maldita 'yon kaya mag ingat ka sa kanya." Tumango ako. Hindi ako papatalo sa kaniya. Kung mataray siya mas mataray ako. "Kinuha niya din ang kwarto mo. Ang gagamitin mong kwarto ngayon ay sa Mommy mo." Iginiya ako ni Yaya sa kwarto ni Mommy. "So? Hindi na sila magkasamang natutulog? Nakarating kami sa isang mapakalaking kwarto. King bed size ang kama, kulay grey at white ang kwarto pati mga kagamitan ko andito pala. Nilibot ko ang tingin ko saka umupo sa kama, as usual malambot ito. "Ya, nandito ba lahat ng gamit ko?" Tanong ko habang tinitingnan lahat na nakalagay. Nakita ko ang iba, andito na pala ang maleta ko. "Oo, ako mismo ang nag ayos nito. Baba na ako,maghahanda pa ako ng dinner n'yo. Tatawagin nalang kita, magpahinga ka mo na." Tumango ako at ngumiti sakanya. Lumabas na siya at napa higa naman ako sa malambot at kulay abong kama. "Mommy." Malungkot akong tumingin sa litrato naming dalawa na nasa side table na kahoy. "Yung cp ko!" Bigla kong naalala na madami pala siyang messages don. Bumangon ako at kinalkal ang kulay ube kong maleta para hanapin ang cp ko. Ng makita ko ito wala na palang baterya. Chinarge ko muna ng 10 minuto bago ito binuksan. Tiningnan ko agad ang mga mensahe niyang pinadala sa akin. Mommy: Ash! Wag kang pupunta dito. Lumayo ka. Mahal na mahal ka ni Mommy. Napahawak naman ako sa bibig ko sa nabasa ko. Hindi puwedi! Mommy: Ash pakiusap,buksan mo ang cp mo. Mag iingat ka sa Daddy mo. Nag iba na siya. Mommy: Anak, hanggat maaari tumutol ka sa kasal na napagplanuhan. Maiipit kalang. Mag ingat ka mahal na mahal kita. Mommy: Kapag sinaktan ka ng Daddy mo,umalis ka ng bahay. Lumayo ka!Isama mo si Yaya. Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko, dapat hindi kona inoff ang cp ko. Nakausap ko pa sana ang mommy ko. Umiyak ako sa kwarto sa sobrang pagsisisi hanggang sa nakatulog akong basa ang mukha kakaiyak. "Ash..Ash.. gumising ka! Tumakbo na tayo. Sasaktan tayo ng Daddy mo." Pilit kong minumulat ang mga mata ko pero hindi ko mabuksan. "Mommy? Mommy?ikaw ba 'yan. Mommy nasaan ka?sorry po Mommy." "Anak, bilisan natin. Maabutan tayo ng Daddy mo." "Mom, hindi ko maigalaw ang paa ko. Mom, umalis kana." "Anak, andito na ang Daddy mo. Kailangan na nating umalis." "WALANG AALIS!" Sigaw ni Dad. "PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT!" "Ash! Anak gising." Nagising ako na pawis na pawis ang mukha. May kaba akong nararamdaman. Niyuyogyog pala ako ni Yaya. Panaginip lang pala. Kaya pala hindi ako makagalaw. Tulala akong nakatitig sa kisame. "Okay ka lang ba?" Tanong niya. Tumango ako at bumangon na. "Ready na ang dinner. Bumaba kana andun na ang Daddy at kapatid mo." Wala akong kapatid na bruha. Kingina niya! Ang sama ng ugali. Kulang yata sa aruga ng magulang. "Susunod na ako ya, maliligo lang ako." Deretso akong pumasok ng banyo at naligo. Habang bumubuhos ang tubig ay ninanamnam ko ito. Baka sakali gumaan ang loob ko. Bahagyang namaga ang mata ko. Biglang pumasok sa isip ko kong saan ko hahanapin ang mommy ko. Kamusta kaya siya? Sana buhay pa siya. Matapos kong maligo ay nagbihis na ako kulay peach na nighties. Balak ko kasing matulog agad. Im so exhausted. Nag blower ako ng buhok at bumaba. Makikita ko nanaman ang bruha. A/N: Be aware of what your doing now. It might affect your future.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD