Chapter 44 Nagising ako na wala si Mom sa kama. Nasaan na 'yon? Nagtoothbrush at nag hilamos ako bago lumabas ng kwarto na nakasuot padin ng pantulog kong kulay puti at itim. Napahikab pa ako habang nag lalakad, napansin kong nagmamadaling dumaan si Joy sa harapan ko. "Joy!" Tawag ko, napalingon siya sakin habang nakahawak ng cp sa kabilang kamay at tela sa kabila. "Goodmorning, Buntis. Bakit?" Ngumiti siya sakin at panay tingin sa relo niyang nasa kaliwang kamay. Nagtaka ako sa kinikilos niya. "Saan ka pupunta? At nasaan sina Mommy, Joy?" "Sina Mom at Dad ay may pinuntahan, Ash. At ang Mommy mo----." Nag isip pa siya ng palusot bago ako sinagot. "May pinuntahan din yata, Ash. Babye!" Ngumiti siyang tipid sakin bago umalis. Napailing ako sa kinikilos niya. Kumain nalang ako ng agah

