Chapter 9
Magkasama kaming dalawa ni Jace kumain, sa breakfast, lunch at maging dinner hindi pinalampas. Hindi ako lumalabas sa kwarto dahil hindi maganda ang pakiramdam ko kaya siya na ang nagdadala ng pagkain dito.
Parang alalay ko siya tuloy. Minsan nga tinatawag niya akong kamahalan. Kaya napapasimangot nalang ako. Lagi niya ding pinipisil ang pisngi ko.
"Masyado ba talaga akong cute?"
Habang malalim ang iniisip ko kasing lalim ng karagatan Charr, may bigla nalang humalik sa noo ko.
''Tulala ka d'yan? Gutom kana ba? May masakit pa ba sayo?" Sunod sunod niyang tanong habang namumungay ang maganda niyang mata.
"Wala naman. Hmmmmp! Masyado mo naman akong binibaby." Pagmamaktol ko. Parang Yaya ko talaga siya.
"Baby naman talaga kita." Uminit bigla ang mga pisngi ko dahil sa sinabi niya.
Niyakap niya ako ng mahigpit. Ramdam ko yung pagmamahal niya. Pilit kong tinatago ang kilig at ngiti sa mga labi ko.
"Wala ka bang trabaho? Palagi kana lang nandito sakin. Binabantayan ako,Magaling na po ako."
"Tapos ko na lahat." Ngumiti siya saka niyakap ako ng mas mahigpit. Sobrang clingy. "So it's Baby time." Masigla niyang dagdag. Pinatong niya ang baba niya sa balikat ko.
"Baby time huh?"
"Saan mo gustong pumunta?Mag ikot-ikot tayo." Nilalaro niya ang mga daliri ko sa kamay, alangan naman talaga daliri sa paa.
"Sige magbibihis lang ako. Teka lang ah? Kumuha ako ng isang short shorts at black spaghetti strap at isinuot. Pagkatapos ay kinuha ko ang paborito kong shades . Aha!
.
"Nasaan na iyong summer hat ko?Hindi ko makita."
"Jace! Nand'yan ba ang summer hat ko sa labas?" Sigaw ko mula sa kwarto.
"Teka! hahanapin ko." Aniya. Ilang segundo palang ang nakalipas ng bigla siyang sumigaw. "Nakita ko na."
"Dalhin mo 'yong camera ko. Tapos na ako dito. Aalis na tayo."
"Andi--t-oo n-aaa." Pautal niyang sabi ng makita ako.
Tiningnan ko ang damit ko. Hindi naman sexy ah?Nagkakabilbil na nga ako kakakain dito. Umitim din ako ng konti. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.
''Bakit ang Ganda mo?'' Tanong niya na nakapag patawa sa akin.
"Ano kaba? Alam mo naman maganda na ako since birth kaya tayo na."
Nilock niya muna ang pinto bago kami umalis. Palabas na kami ng hotel ng may tumawag sakin.
"Ash! Asha!" Kumaway-kaway si Paulo sa'kin.
"Ngayon lang kita nakita uli ah?Sabi mo dito kalang nag lilibot libot. Bakit nong nakaraang araw ni anino wala? Sana nagpadala ka man lang kahit picture." Napakamot ako ng ulo dahil sa sunod-sunod niyang tanong.
"So lunch mamaya?Sige na, Ash. Minsan lang naman eh. Please." Nag puppy eyes siyang tumingin sa'kin. Napatingin ako sa kulay brown niyang mata. Ang cute.
"Psshhh akala mo naman talaga bagay sa kanya." Pabulong na baling ni Jace kay Paulo.
"Ahhh kasi Paulo.. may kasama ako eh. Kaibigan ko. Pau ito si Jace, Jace si Pau nga pala nakilala ko ng nakaraang araw." Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.
"Hi, Kuya." Sabay abot ng kamay kay Jace.
"Hindi kita kapatid." Sabay abot din ng kamay ni Pau kahit parang labag sa loob niya.
" Mukhang masaya to ah!"
"Mamamasyal kami Pau. Lilibotin namin lahat ng tindahan dito." Paliwanag ko.
"Puwedi ba akong sumabay?" Ngisi niyang tanong. Nakita kong kuminang ang mata niya dahil sa excitement.
"Hindi." Si jace.
"Oo." Ako.
Nagka tinginan kaming dalawa na parang masusukatan ng titig.
"Yey! sasama ako. Tara na, Ash." Kumapit siya sa kamay ko na parang bata.
"Dun tayo sa mga damitan." Habang hila-hila ako. Wala na akong magawa sa inasal niya. Ang bibo!. Nahiya tuloy ako kay Jace.
"Ash! Ito oh. Tingnan mo bagay sa'yo 'to. Pinakita niya sa'kin ang isang t-shirt na I Boracay ang naka lagay.
"Anong size mo?" Tanong niya habang tumingin sa ibang disenyo.
"Wag na, Pau. Ako na ang bibili." Nakakahiya. Hindi ko na tuloy makausap si Jace.
"Sige na. Minsan lang naman eh." Nagmamaktol niyang sabi.
"Okay na 'yan. Kasiya sakin 'yan." Sabi ko sa hawak hawak niya na damit. Ayaw ko ng patagalin 'to. Naka busangot na siguro ang itsura ni Jace.
"Salamat, Pau."
"Walang ano man. Pareho tayo oh?" Pinakita niya sakin ang kaparehong damit. Ano 'to? Couple shirt?
Natigilan ako ng marinig ang pekeng ubo ni Jace. Paktay ako neto. Lumingon ako sa kaniya ng konti at ngumiti ng tipid.
"Tara na." Hawak ni Jace ang kamay ko. "Wag ka ngang lumapit sa kanya. Sobra siya ha?Makakatikim talaga sakin 'yan." Napakagat-labi ako. Napikon ko yata siya.
"Kalma nga lang kaibigan 'yan." Hila-hila niya ako. Hindi alam ni Paulo na umalis na kami. Marami kasing tao kaya hindi niya napansin. Natatanaw ko siyang naghahanap samin.
"Hindi kaibigan tingin nun sayo. Parang gusto ka nga niya. Kita mo lapit siya ng lapit sayo." Giit niya pa. Hirap na hirap akong maglakad dahil sa mga buhangin tapos hila-hila niya pa ako.
"Tulad ng paglapit mo sa'kin noong una tayong mag kita?Ganon?" Biro ko. Nabangga ko ang isang babae sa balikat. Nag sorry ako sa nangyari, hindi yata napansin ni Jace.
Ngumuso siya. "Oo, natatakot ako baka magustuhan mo siya kaysa sa'kin." Pigil ang ngiti ko sa sinabi niya. Hindi niya alam na gusto ko na talaga siya noong una ko siyang makilala.
"Hindi ah. Ano ka ba? Seloso mo naman." Kinurot ko ang pisngi niya para maibsan ang sama ng loob niya.
"Syempre Mahal kita eh." Deretsa niyang sabi. Napahawak ako sa puso ko. Bakit ganito? Pati puso ko kinikilig.
"Asha! Asha! hintayin n'yo ako." Kinuha ni Jace ang kamay ko at sabay kaming tumakbo. Palusot-lusot kaming dala sa mga naglalakad na tao. Hingal na hingal kaming napahawak sa sa tuhod namin ng huminto kami.
Kahit hinihingal ay tawa kami ng tawa sa pagtatago kay Pau. Hindi ko manlang nakuha ang shirt na binili niya para sakin. Si Jace kasi. Napakafriendly niya naman.
"Excuse me." Sabi ni Jace sa babaeng dumaan mukhang foreigner ata.
"Can you take us a Picture?" Malumanay na may galang na sabi ni Jace.
"Oh sure. Is that your girlfriend?" Turo sa'kin ng maganda at maputing babae.
"Soon. She will be my girlfriend and soonest my Wife." Proud niyang sabi. Napangiti naman ako sa narinig ko. Lumapit na si Jace sa'kin at bumulong na mag picture daw kami.
"1 , 2, 3 smile." Sabi ng tagakuha ng litrato. Nakangiting umakbay si Jace sa'kin habang ako ay nakasandal sa dibdib niya na ngumingiti.
Sa pangalawang litrato ay Humahalik siya sa noo ko habang ako ay nakatingala sa kanya. Parang pictorial ng kasal ah. Natawa pa ako ng konti dahil sa pinagagawa namin.
Hanggang limang shot ang ginawa niya. Nagpasalamat kami pagkatapos.
"You look good together." Komento niya.
"Thank you." Ngumiti ako.
''Bagay talaga tayong Dalawa'' sabi niya pa.
"Parang masyado ka yatang pangit para sa'kin." Tila nag iisip pero biro lang 'yon. Sobrang gwapo niya at ang laki pa ng katawan. Yummy!
Napasimangot naman siya sa sinabi ko.
"Joke lang!" Tumawa muna ako bago nagsalita ulit. "Baka mag tampo ka eh. Matampuhin kapa naman."
Nabigla ako ng bigla niya akong niyakap, akala ko iiyak siya." 'Wag kang mawawala ah?"
Hindi ko masagot ang sinabi niya. Hindi ko kasi maipapangako 'yon. Aalis at aalis din ako. Kailangan kong harapin ang problema at pamilya ko. Pero babalikan kita pangako.
A/N: Pasensiya na 'pag may nakita kayong Typos or maling grammar hihi:> Okay ba tayo diyan?