Chapter 41 Alas 8 na ng umaga. Mainit ang sikat ng araw. Nagtataka ako kung bakit wala pa si Jace, hindi siya tumawag sa'kin kahit sandali maski si Pau at Joy hindi padin bumabalik. Lumabas ako sa kwarto namin ni Mommy para hanapin si Mom Jessa. Nakita ko siyang naka tayong kinakausap si Dad sa Garden na puno ng magagandang bulaklak. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Lumapit ako para tanongin silang dalawa ng namataan nilang paparating ako. "Goodmorning, Mom, Dad." Ngumiti ako at yumakap sa kanilang dalawa. Binati din nila ako pabalik. Halata sa itsura nila na may mga problema "Nasaan ang Mommy mo?" Tanong ni Mom na pilit ngumiti kahit halata namang hindi masaya. "Mom, Dad, may problema ba?" Imbis na sagotin ko ang tanong niya ay tinanong ko siya pabalik habang tinitingnan sila i

