Chapter 28 Natulala ako matapos ng nangyari kanina. Nagpapanggap lang kaya siya? Bakit gano'n siya tumitig sa'min? Nagselos kaya siya? Totoo kayang girlfriend niya si Kimmy. Psh Sana nga ako pa din Jace. Kasi ikaw pa din hanggang ngayon. Hindi na namin naubos ni Pau ang quantom coins, binigay namin ang natira sa naglalarong bata, nag aya na akong umuwi agad. Tahimik kaming pareho ng makasakay sa kotse nila. Sumandal ako sa balikat niya. "Pau, Thank You." Sinsero kong sabi sa kaniya. "Wala 'yon, mabuti nga 'yong nakapagbonding tayong dalawa." Hindi na kami umimik sa isa't-isa hanggang sa makarating kami ng mansiyon. Hindi na ako nagpahatid sa loob. Alam kong pagod na siya. Masaya akong naglakad pataas dala ang paper bag na may lamang travel bag. __________________________________

