Chapter 6
"JACEEEE!" Kumaway-kaway akong pumunta sa kaniya. Ang gwapo niya lalo sa suot niyang kulay itim boarder short. Naka bukas naman ang tatlong butones ng polo niya at kitang kita ang malaki niyang dibdib.
"Yummy."
"Kisz." sabay halik sa noo ko. Mukhang nalimutan niyang ninakawan niya ako ng halik sa pisngi. Naka sanayan ko na kasing sa noo niya ako hinahalikan. Hinayaan ko nalang sweet din naman yun eh.
''Aalis na tayo within 10 mins, umakyat kana, dala mo ba yung camera mo?" Tanong niya. Shet nalimu ko.
"Jace, nalimutan ko. Babalikan ko nalang." Akmang aalis na ako ng pinigilan niya ako.
" 'Wag na, ako na ang babalik. Akin na ang susi." Hiningi niya sa'kin at inabot ko agad sakaniya. Dali-dali siyang naglakad sa pinong buhangin.
Naglibot-libot ako sa yacht na pagmamay ari nila. Pa sandal-sandal sa railings at dinadama ang hangin. Napakasaya ko, ito yata ang pinaka magandang bakasyon sa tanang buhay ko. Mula ng makilala ko si Jace naging masigla ang araw ko,Nalilimutan ko ang lungkot at napapalitan ng saya. Sana ganito lagi.
"Kisz,Aalis na tayo. Tara dito sa loob." Yaya niya sakin kaya pumasok ako habang nililipad ng hangin ang buhok at laylayan ng damit ko.
"Ikaw ang magdadrive nito?Marunong ka?" Namangha ako habang tinitingnan ang pagalaw ng mg ugat niya sa kamay.
"Oo. Tinuruan kasi ako noon ni Daddy ng High School palang ako."
"Aandar na tayo binibining marikit." Napatitig ako sa kanya habang nag-iikot manebila ng yating ito. Nginitian nya lang ako saka tumingin uli sa dagat. Iba talaga kapag Chinito,nawawala ang mata eh.
"Pahiram muna ng Camera ko, Jace." Gusto ko siyang kunan ng picture ang gwapo niya tingnan.
"Kunin mo sa leeg ko, Kisz." Habang kinukuha ko ay napatitig ako sa mukha niya. Ang kinis.
" Ano ba ang gamit mo?Ha? Kojic ba? O 'di kaya. Luxx white ba ang gamit mo kaya ang gwapo-gwapo mo." Tumawa ako sa pinag iisip ko.
"Tingin ka dito, Jace." Habang kinukunan ng magandang anggulo. "Isa pa. Mag pose ka ng maayos." Ayan na, ang ganda ng kuha.
"Andami ko nang picture d'yan ah?Aanhin mo 'yan?Remembrance?"
"Oo , syempre. Memories 'to eh. Tayo naman limang pose yan ah?"
Nilagay ko sa gilid yung camera at tumabi kay Jace. One, two, three, smile. Ngumiti kaming dalawa at ginawa ang ibat ibang pose.
"Andami na nating picture." Masayang sabi ko habang tinitingnan ito isa-isa.
Napatitig lang siya sa'kin sabay ngiti.
"Engot. Ang ganda ko naman dito. Bakit may pangit akong kasama?" Pagbibiro ko.
"Uyyy sinong pangit ah? Kung ibangga ko kaya 'tong yati? Papangit tayong pareho."
"Sige nga ibangga mo." Alam ko namang hindi niya gagawin. Seryoso niya akong tiningnan. Tinaas ko ang isa kong kilay sa kaniya.
"Charrot." Tawa kami ng tawa na parang mga engot.
"Dito na tayo. Si Kuya Pepe na bahala dito." Dumating ang isang katandaang lalaki na matagal na siguro nilang trabahante.
"Siya talaga dapat ang magdadrive ng yating 'to,Kaso gusto kitang ipag drive kaya ako nalang." Ngisi niya. Gusto lang yata magpakitang gilas eh.
Marami palang tao dito. Bakit ngayon ko lang napansin? Kita 'yong mga nagkukumpulang lalaking naka suot na kulay orange na life vest. Teka? Parang sila yata ang kinawayan ko?
"Sila yung mag aangat satin pataas, Kisz. First time mo?" Nagsusuot na kami ng life vest dalawa, sinunod yung harness na pang kabit sa para sa safety naming dalawa.
"Oo first time ko. Medyo kinakabahan ako. Pero sigurado akong mag eenjoy tayo." Sabi ko ng naka approve sign.
"Tara na." Hawak ni jace ang kamay ko upang alalayan ako. Sanaol. Ang mga lalaking trabahante ang nag kabit ng harness namin para siguradong secured.
"Okay na po, Sir, Ma'am. Bagay po kayong dalawa." Ngiting sambit niya.
"Talaga, Kuya? Syempre gwapo ako eh."
"Gwapo kana n'yan?" Biro ko.
Nagtawanan nalang kming lahat.
"Ready?" Tanong ni Jace. Tango lang yung sinagot ko. Sa pag angat ng namin napahawak ako ng kamay sa kanya. Pataas na kami ng pataas.
"Kapit lang sakin, Kisz. Hindi kita bibitawan." Sabay kindat.
"Hanggang dito ang harot mo parin." Medyo nawala na ang kaba ko kaya bumitaw na ako. "Sobrang taas na natin Jace. Wooooaaaaaahhhhhh." sigaw ko.
"Waaahhhhh" Ang lakas ng hangin dito. "Woaaaahhhhhhh" sigaw naming dalawa. Tumawa kami sa trip namin umandar ang yati pero andito padin kami sa taas. Itininaas naming pareho ang mga kamay nami para damhin ang hangin. Ng bigla nalang niya hawakan ang isa kong kamay ,tiningnan ko siya parang wala lang naman sa kanya kaya hinayaan ko nalang.
Nang makababa na kami. Tawa kami ng tawa sa pinangagawa namin sa itaas. Inilalayan nya ako matapos hubadin ang harness sakin.
"Kakain muna tayo ng lunch tska maliligo tayo sa dagat." Papasok na kami ng yati niya na hawak parin ang kamay ko.
"Magsastop muna tayo dito. Mag lulunch din sina Kuya . Dito nalang ba tayo mag suswimming oh?Dun sa pinaka gitna?" Tanong niya.
Tiningnan ko ang tubig. "Mukhang okay naman dito mag swimming. Dito nalang. Maganda din naman dito eh." Pagdadahilan ko.
"Sige. Kain na tayo. Madami dami din to. Ubusin mu ah?Magpataba ka. Ampayat mo." Parang tatay ko siya kung maka asta. Ah, mas parang tatay pa siya sa Daddy ko.
"Opo, Daddy." Biro ko.
"Sugar daddy?" Tumawa siyang tumingin sa'kin.
"Sugar daddy mo mukha mo! Hindi ko na kailangan n'yan madami akong pera."
"Madami ka naman palang pera. Ako lagi yung nanlilibre." Totoo naman lagi niya kasi akong nililibre.
"Sino ba may kasalanan nun"?Kainkain ko muna ang shrimp bago nag salita ulit. "Lagi mo naman ginagawa yan eh."
"Gusto ku kasing gawin sayo." Pabulong niyang sabi.
Akala niya siguro hindi ko nadidinig, nilagyan niya nalang ng malaking crab ang pinggan ko. Ehhhh..Hindi ako marunong mag bukas. Pano kaya 'to? Ganito lagi ginawa ng yaya ko eh. Ang hirap, ayaw talaga bumukas.
"Ako na nga!" Kuha niya sa malaking crab. Wow ba't ang dali lang sa kanya?. "Salamat pinaka gwapong Jace."
Napa'ubo naman siya sa sinabi ko. "Ang inosente mong tingnan, Kisz." Sabay kurot ng pisngi ko. Shettt ang lagkit.
"Tingnan mo nga mukha ko,ang lagkit na." Padabog kong sabi. Tiningnan niya ng malapitang ang mukha ko. Parang tanga 'to.
"Ang ganda mo padin naman ah." Bulong niya. Napangiti naman ako sa sinabi niya.
Halos hindi namin naubos ang mga hinanda sa lamesa kaya tinawag ni Jace ang mga trabahante nila. Alam mo talaga kapag masyadong mabait ang tao. Nakakaproud naman. Ang sarap niyang ipagmalaki.
Papalabas na ako ng yati. Gusto kong magpahangin kaya napa sandal ako sa railings nito habang tinitingnan ang mga lugar sa malayo. Kamusta na kaya ang mommy ko? Hindi pa siya nakaka pag open up kahit kanino kahit kay Jace tungkol sa pamilya niya. Aalis din naman ako. Hindi ako mananatili dito. May kailangan akong balikan. Ang mga problemang dapat ayosin.
A/N: Tumulo laway ko sa seafoods. Penge naman po. Beke nemen.