Kinaumagahan binalitaan ko sina Yaya na posibleng buhay pa si Mommy. Laking tuwa naman nila at pasasalamat sa nalaman. "Kailan namin siya makikita Ma'am?" Kumikislap ang kanilang mata habang nag natatanong. "Hindi ko pa alam at sana nga si Mommy talaga 'yon." Kinakabahan na excited akong makita din siya. "Wag niyong sabihin kahit kanino 'to ah? Sekreto natin lahat 'to. Walang lalabas ng kuwento kungdi ay patay tayong lahat." Tumango silang lahat. Mahirap na 'pag nalaman ng Dad ko tiyak tutuluyan niya si Mom. Kagat labi ko silang pinaaalahanan. "Opo Ma'am!" Sabi nilang lahat. Lumabas na akong ng kwarto nila. Napahawak naman ako ng dibdib sa sobrang gulat ng bigla nalang sumulpot si Kimmy ang dakilang bruha. "Ano ba?!" "Anong pinag uusapan n'yo?! Ba't lagi kang pumapasok sa kwarto ng

