Chapter 13
Nagdinner kaming dalawa ni Jace sa gilid ng dalampasigan sa ilalim ng sinag ng puting buwan. Hindi makuha ang ngiti sa mga labi ko sa mga pangyayari kanina, parang hindi ako makapaniwala, parang panaginip lang ang lahat na sa kahit anong oras ay maaari akong magising.
Hindi niya mabitawan kahit isang segundo ang kamay ko. Parang kulang nalang ay gawin nalang kaming kambal, Literal na magkadikit. Pa iling-iling nalang akong ngumiti. Nililipad ng malamig na hangin ang buhok ko habang naka upo. Pinatungan ni Jace ng jacket niya ang damit ko. Maginaw kasi.
Hinalikan niya kamay ko at niyaya akong maglakad-lakad. Kakatapos lang namin kumain. Ang dami ba namang pagkain na nakahain sabi niya pa. "Alam ko kasing matakaw ka kaya dinamihan ko na." Nainis ako ng konti kanina. Konti lang kasi totoo namang matakaw ako.
Habang naglalakad kami ay naalala kong madami pala akong tinatago sakaniya, dapat siguro sabihin ko na ang tungkol sa mga magulang ko. Ang unfair naman 'pag hindi niya alam tapos kilala ko na ang parents niya.
Magkahawak kamay kaming naglalakad. Humugot ako ng lakas ng loob para sabihin ang nais kong sabihin sa kaniya.
''Jace, may sasabihin ako. No'ng nakaraang hindi ko masabi. Tungkol sa parents ko." Pumiyok bigla ang boses ko. Kaya mo 'yan Ash.
Huminto siya at pinaharap ako sakaniya. Tiningnan niya ako ng mabuti at tinanong.
"Kaya mo na ba?"
Narealize ko na napakaswerte ko sa kaniya. Maintindihan talaga siyang tao. Mas iniisip niya pa ang kapakanan ko kaysa sa bagay na dapat ay alam niya.
"Oo." Tumango ako. Pero maliban sa Fiancè ko. Hinawakan niya uli ang kamay ko para alalayan akong umupo sa buhanginan.
Nasa likuran ko siya at nasa harapan niya ako. Niyakap niya ako mula sa likod. Sumandal ako sa kanang bahagi ng katawan niya.
"Ang totoo nyan, Jace.."
"Call me Babe, Kisz." Agap niyang sabi sa'kin. Uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Babe huh? My babe.
"Ang totoo niyan kasi, hindi talaga nila alam,ng pamilya ko na nandito ako sa Pilipinas. Ang alam nila nasa states padin ako." Unang kuwento ko sa kaniya. Naka patong ang baba niya sa kaliwang balikat ko.
"Hindi kami close ng Daddy ko at si Mommy lang ang meron ako. Hindi kami nakakapag usap ng maayos dahil pinagbabawalan siya." Nalungkot ako bigla. Naalala ko naman na kahit anong miss ko kay Mom ay hindi kami malayang nakakapag usap ng maayos.
"Alam mo, hindi ko alam kong ba't ganyan ang daddy ko." Pagpapatuloy ko ng aking pag kukwento. Tahimik lang siya na nakilinig sa'akin.
"Parang hindi siya masaya ng ipininganak ako. Lagi niya nalang ako nilalagpasan 'pag andiyan ako. Minsan pinapagawa niya ang mga bagay na hindi ko gusto. Pero 'pag may bagay siya na ipagagawa ay nagiging mabait siya."
Humigpit ang yakap niya sa akin. Naawa siguro siya. Bakit ba kasi ganyan ang pamilya ko. Bakit ba kasi ganito? Tanging si Jace ang nagsisilbing kasiyahan ko.
"I'm sorry. Intindihin mo nalang baka may rason siya kong bakit niya ginagawa ang mga bagay na 'yon. Andito naman ako. Okay lang 'yan, magiging Daddy mo din naman ang daddy ko eh." Sa huli ay tumawa siya. Mabait naman sina Tito eh.
Ngumiti ako at hinampas ang kamay niyang nakapulupot sa beywang ko.
"Alam mo puro ka talaga biro."
"Totoo naman ah? Bakit ayaw mo sa Daddy ko? Isusumbong kita." Biro niyang may halong pagbabanta. Tumawa ako sa mga pinagsasabi niya.
"Siguruhin mo munang magiging Daddy ko talaga siya, Babe." Pilit kong ginawang seryoso ang boses ko. Parang ngingit na ako. Alam ko namang OA talaga si Jace.
"Bakit ah?! Gusto mo anakan nalang kita? Para siguradong wala kanang kawala." Singhal niya sa'kin. Natahimik ako sa sinabi niyang aanakan niya ako? Wth.
"Yang bibig mong 'yan ah? Anak-anak na agad ang masa isip mo eh, wala pa nga tayong 1 day."
"Edi sa susunod na araw, Babe. Kaya ko naman kayong buhayin at gustong-gusto na nilang magka apo." Magiliw na sambit ni Jace. Napatampal nalang ako ng palad sa mukha.
Sa susunod na araw? Seriously?!
"Ewan ko nalang talaga sa'yo, Jace." Hindi na ako umangal pa. Wala din naman akong lusot.
"Mag-aanak tayo ng marami, Kisz. Ako ang magpapatulog sa kanila kapag puyat kana,ako magpapadede, ako maglalaro sa kanila. Pagtapos ng work uuwi agad ako para tulungan ka." Kumunot ang noo ko sa pinagsasabi niya.
Langhiya! kakasagot ko lang sa kaniya, anak na agad ang iniisip. Napaka advance mag isip. Mana talaga sa Mommy at Daddy. Pero sa kabilang banda ito'y nakakagaan ng loob. Ang iba kasi pinapasa ang responsibilidad sa katulong. Hindi hands on sa mga anak. Ibig sabihin lang nito ay gusto niyang kami mismo ang mag alaga sa mga anak namin. Ngumiti ako habang tinitingnan ang buwan.
"Babe, kong may tanging hiling ka sa buwan. Ano 'yon?" Tanong ko habang nakatingala. Tumingin siya sa puting buwan at nagsalita.
"Sana magkasama tayong tatanda, Babe. Ikaw at ako. Mag aalaga tayo ng mga apo natin. Maglalaro tayo kasama sila kahit ugod-ugod na tayo." Hinawakan ko ang nakapulupot niyang kamay.
Walang tabla, Pasok lahat. Bigyan nga ng jacket 'to. Ang galing sumagot eh. Sapol na sapok nakakakilig.
Napaka swerte ko nga. Mahihirapan akong umalis neto.
"Ikaw? Ano ang hiling mo Babe?" Tanong niya sa'kin. Nag iisip pa ako ng isasagot.
Puweding ippm ko nalang?
"Sana iintindihin mo parin ako at mamahalin hanggang sa huli." Mahina pero madamdamin kong sabi.
Pipiliin mo pa din kaya ako?
"Naman! Babe, asahan mo. Higit pa ang ipaparamdam ko sa'yo." Hindi niya talaga ako binibigo. Lagi niyang pinapangiti ang mga labi ko at pinasasaya ang puso ko.
Naunang tumayo si Jace sa'kin at inabot ang kamay ko para tulungan ako. Pumantay ang mukha naming dalawa. Tiningnan niya ako sa mata at nagtitigan kami.
"I love you ,Babe." Malambing niyang sambit at guess what?
Hinawakan ng dalawa niyang palad ang mukha ko. Pa unti-unting lumalapit ang mukha ni Jace sa'kin habang nakatitig sa mga mata ko. Napapikit ako bago lumapat ang mga labi niya sa mga labi ko.
Ang lambot ng bibig niya. Langya!
Gumalaw ang bibig niya sa taas, baba halos maubos ang hininga ko. Napamulat akong hinihingal. Limang minuto yata kami nag halikan. Siya lang yata ang humalik, siya lang naman ang gumalaw.
Ngumiti siya sa'kin habang nakataas ang kilay. "Mag Practice ka, Babe. Lagi kang hihingalin sakin." Sabay kindat.
Namula naman ako sa sinabi niya. First kiss ko 'yon, malamang hindi ako marunong.
"Hihingi na ba ako ng tulong sa Men's Corporation para magpaturo ng halik, Jace?" Inosente kong tanong sa kaniya habang magkahawak ang dalawa kong kamay.
"What?! No! Of course not." Agresibo niyang sagot sa'akin. Tumawa ako ng malakas.
"Edi turuan mo ko."