Chapter 15

1189 Words
Chapter 15 "Goodmorning, Babe." Ang aga-aga narinig ko nanaman ang malambing na boses ni Jace. "Hmmmm." Tanging sagot ko habang pikit ang mga mata ko dahil gusto ko pang matulog. Napuyat ako slight eh. At napakasarap ng tulog ko. "Babe." Naramdaman kong hinahalik-halikan niya ang mukha ko. Kinginag 'to ang aga-aga! Puwede ba na pass muna sa landian? "Gising na. Breakfast is ready." Pilit niya akong ginigising. Niyugyog niya ako. "Hmmmm." Dumapa ako para matulog uli. Madaling araw na kasi kami natulog dahil sa pinagagawa niya kung alam n'yo lang. "Mag aalas 11 na, Kisz. Bumangon kana." Napasarap ba masyado ang tulog ko? Sa sobrang gulat ko ay napabalikwas ako. "Ano?!" Hindi ko makapaniwalang sagot. Nakita ko ang pagpigil niya ng tawa. Sinamaan ko siya ng tingin. "Joke lang! Tara na kain na tayo." Nag peace sign siya at hinila ako mula sa kama. Ganon lang 'yon? "Wth! Jace naman. Kita mong gusto kopang matulog. Pinuyat muko kagabi." Napapapikit ako sa antok. I love Sleeping eh. At isa pa ang lambot ng higaan ko kaya inenjoy ko ng sobra. "I love you." Sabay halik sa ilong ko. Inabot niya sa'kin ang pagkain. Bacon, hotdog at sinangag. Mukhang siya ang nagluto nito. "Kain na, Babe." Mukhang wala na akong magagawa, nasa harapan ko na ang pagkain. Nag umpisa na siya sa pagkain at ako? Nakatingin lang sa kaniya, pinagmamasdan ang galaw niya. Bakit ang gwapo niya? Kahit magulo ang buhok at naka sando lang. Bagay pa din sakaniya. How to be you po? Hindi ko namalayan na natagalan na pala ang tingin ko sa kaniya. Naudlot ito ng pinitik niya ako sa noo. "Aray!" Napahawak ako sa noo ko habang masamang naka tingin sa kaniya. "Bakit ba kasi nakatingin ka lang d'yan? Ayaw mo ba ng niluto ko?" Singhal niya sa'kin. Mas lalong sumama ang tingin ko sa kaniya ng kinuha niya ang pinggan ko. "May sinabi ba ako? Wala naman diba?" Kinuha ko pabalik ang pinggan. Nag simula na akong kumain. At napansin kong siya naman ang tumingin. "Ano?! Tutunganga kalang d'yan? Kain!" Nakita kong tumawa siya ng patago. Akala niya siguro hindi ko nakita. Ano sa tingin niya, bulag ako? "Bakit tumatawa ka?!" Tanong ko habang ngumunguya ng hotdog. "Kasi Babe may panis na laway ka dito." Tumawa siya habang tinuturo ang gilid ng labi sa kanang parte. "May nakakatawa? Eh hinila mo agad ako kanina. Yan tuloy hindi man lang ako naka hilamos." Sumimangot ako dahil sa pagtawa niya at mabigat na kumain ng agahan. Panis na laway lang naman eh. Normal lang naman 'to! Never ba siyang nagkaroon nito? "Babe, dahan-dahan lang. Baka mabasag 'yang pinggan mo." Hindi ko namalayang ang lakas pala ng pagkakain ko halos bumuo ako ng malakas na tunog galing sa pinggan at kubtertos. Nahiya tuloy ako bigla kaya humingi ako ng tawad at tipid na ngumisi. "Sorry." Makalipas ng ilang minuto ay nagsalita uli siya. "So, ano ang gagawin natin ngayon Babe?" Tanong niya habang ngumunguya. Naisipan kong hindi pa pala kami nakakapag scuba kaya 'yon nalang siguro. Ngumiti akong tumingin sa kaniya. "Mag scuba tayo, Babe." Halos kumislap ang mga mata ko dahil sa excitement. "Oo nga pala. Nalimutan ko na. Tatawagan ko lang Si Mang Pepe na ihanda na ang yati. Iloveyou ." Binigyan niya ako ng mabilis na halik at lumabas para tumawag. "Iloveyou din, Babe." Sigaw ko ko habang ngumingiting kumakain. Mahal na mahal. Matapos kong kumain ay niligpit ko na ang pinagkainan naming dalawa. Excited na ako. Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko habang papunta sa kusina. Gusto kong makakita ng nagkukumpulang isda. Maghahanda na ako ng two piece. Pumasok ako sa kwarto para maghanap ng susuotin. Nakasuot padin pala ako ng pajama. Kinalkal ko ang kabinet na pinaglalagyan ng mga damit ko. "Babe, papasok ako." "Pasok." Naramdaman kong niyakap niya ako mula sa likod at hinalikan ang balikat ko. "Mag-aalas dose tayo aalis. Ginagamit pa kasi nila ang yati sa pangigisda." Aha! Nakita ko na. Ngumiti ako habang tinitingnan ang dalawang two piece. "Doon ba tayo maglulunch?" Humarap ako sa kaniya. Tumango siya at ngumiti. Itinaas ko para ipakita sa kaniya ang dalawang two piece. "Saan dito ang mas maganda isuot?" "Bakit magaganyan kapa? puwedi ka din naman mag short ah? Masyadong sexy 'yan. Wag na!" Inagaw niya sa'kin pagkatapos niyang sabihin ito. "Alangan naman magpajama ako, Babe. Come on." Pinaikot ko ang mga mata ko para magtaray. "Kung puwedi lang naman, why not?" Boring akong tumingin sa kaniya. "Mas komportableng isuot 'yan kapag magsiswimming, Babe." Giit ko. "Komportable 'to? Seriously? Parang kita na ang kaluluwa mo dito eh. Mag short ka nalang." Itinapon niya sa mukha ko ang dalawang klase ng two piece. "Ito nalang kaya yung yellow?" Biro ko. "Babe, wag na." Sumimangot siya at bumulong. "Baka hindi ko mapigilan sarili ko." Ngumiti ako ng patago dahil sa binulong niya. Biniro ko ulit siya. Ang saya tingnan ng reaksiyion niya. "Ah ito siguro. Mas sexy 'to. Ito nalang susuotin ko, Babe." Pinakita ko sa kaniya ang kulay beige. "Babe! Wag na nga." Inilapit niya ang mukha niya sa'kin. At tinitigan ako sa mata. "Baka hindi ko mapigilan sarili ko at mapunta tayong langit." Napaiwas naman ako bigla. Namula ako sa hiya habang umiiwas ng tingin. Foul 'yon! "Oo na magsoshort na ako." Tinulak ko siya at hinanap ang short na susuotin ko. Wala akong magawa. Narinig ko ang bahagya niyang pagtawa. Nakakainis! Pagsapit ng alas dose ay magkasama kaming lumabas ng hotel ni Jace. Umakyat kami ng yati. Si mang Pepe ang magdadrive nito. So Chillax lng kaming dalawa. Nandito kami ngayon sa labas habang umaandar. "Babe picturan muko dito." Napa pose ako ng kaunti. "Isa pa, Babe!" Sigaw ko.Ang hangin. Kunwari stolen daw. "Ikaw na. Kukunan din kita." Sabi ko. Binigay niya sa'kin ang camera at naglakad ako sa medyo malayo. Kinunan ko ng madami. "Babe, magpakuha tayo ng picture na magkasama." Sabi niya habang ngumingiti sa'kin. "Sige tawagin mo si Kuya don." Turo ko sa kasama ni Mang Pepe. Tinawag ni Jace si Kuya habang ako ay kumukuha ng litrato sa dagat. Pati tubig ay kinunan ko. ''Kita sa ilalim." Mangha kong sabi sa sarili. "Andito na siya, babe." Niyakap niya ako sa likod. ''Kuya, kuhanan mo nga kami ng litrato. Ganito lang gagawin mo. Pindotin mo lang to ah." Narinig kong turo ni Jace kay Kuya na medyo maitim dahil siguro sa init ng araw. "Sige po, sir. Ganito po ba?" Tumango si Jace at nagsimula na siyang kunan kaming dalawa ng litrato. Napapose naman kaming dalawa ni Jace. Parang model ang peg. Mga sampung litrato yata ang kuha niya sa'min. "Salamat po kuya." "Ang ganda ng kuha natin dito, Babe." Sabi ko. Idedevelop ko 'to. Gagawin kong scrapbook. "Mukhang malapit na tayo, Babe." Habang tinatanaw ang mga magagandang tanawin. Namamangha talaga ako sa linis ng tubig. Napatitig ako ng matagal sa kaniya. Sinasaulo ang bawat parti ng mukha ng gwapo niyang mukha. Mamimiss ko 'to, Mamimiss ko ang lahat sa'yo, Jace. Pasensiya na kong iiwan kita. Babalik din ako. Aayusin ko ang lahat para sa'tin. A/N: Sad naman dis:(
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD