"She's here!" Raze's Dad exclaimed. Pare-pareho kaming napatingin kung nasaan ang pintuan at ganon na lang ang gulat ko ng makita kung sino ito. Agad kaming nagpalitan ng tingin ni Raze. Hindi namin lubos akalain na pupunta siya dito sa dinner. Kitang kita ko ang pagbabago ng timpla ng mukha ni Raze. "What the hell are you doing here?" Seryoso at may halong pagtitimpi ng galit ang tono ng boses ni Raze. "Is that how you greet your Mother?" Napataas pa ang kilay nito sa kaniyang anak. Ramdam na ramdam ko ang tensyon sa kinauupuan ko ngayon. Baka mamaya anong mangyari ngayon eh. "As if I have a Mom." Hindi na sila muling nagimikin dahil dumatin na nga ang pagkain. Tahimik lang kami. Walang gustong umimik. Maingat akong kumain. Isang maling galaw ko lang alam na alam kong mapapansin a

