"Liana?" "Reid?" Dumating ang isang lalaking katamtaman lang ang taas pero mas matangkad itong si Sir Raze. Sobrang amo ng mukha nito. Alam na alam mo kaagad na mabait itong tao dahil nga sa ngiti niya at sa maamo niyang mukha. Palangiti din ito at napakafriendly niyang tao. Siya lang naman si Reid. Siya ang naging kaibigan ko sa isang event na pinuntahan ko dati. Kasama ko noon si Papa doon sa event dahil siya ang kinuhang magluto. Sakto namang nandoon din si Reid na siyang nagaasikaso sa event. Nagkasundo kami kaagad dahil nga friendly siya. "Wait, did you two already met?" Tanong ni Tito. "Yes po Tito. "Yes po Dad." Bakit niya namang tatawaging dad si Tito? "Daddy mo?" Tinuro ko pa nga itong si Tito. "Yup! I am a Montereal." "Owws? Bakit di ko alam?" Magkatabi si Reid at ang

