"Sino po ba kasi ang tinataguan niyo?" Tanong ko dito kay Sir Raze. "That annoying woman." Tinuro niya ang isang maganda at matangkad na babae. Sobrang kinis ng balat niya para siyang artista o di kaya'y model sa ibang bansa. Bagay din sakaniya ang tangkad niya. Hindi naman siya ganon katangkad pero kung ikukumpara ang height ko sakaniya eh malamang mas matangkad siya saakin. "Yan ba yun Sir? Maganda siya ahh pero syempre mas maganda ako. Pahuhuli ko ba sarili ko? Bakit niyo po ba siya tinataguan? Gusto niyo po ba siya? Ngayon ko lang nalaman na torpe pala ang mga Montereal. Kaya hindi na po ako magtataka kung bakit hindi ko man nakita ang Nanay niyo." Sinamaan naman ako ng tingin ni Sir Raze. "Tch. Stop talking about my mother. Let's go!" Mabilis niya akong hinila palanas ng hotel. "

