"Liana? Raze? Anong pinagaawayan niyo? Bakit nasa labas ang kotse ni Dra. Jimenez? May nangyari ba kay Rhys?" Syempre bigla namang umepal itong si Dra. "Dra. Jimenez, what brings you here?" "Yung apo mo, inatake ng asthma dahil sa kagagahan at kalokohan ni Liana." Ako talaga sinisisi ni Sir Raze eh. Tumingin naman saakin si Chairman. Nakakatakot yung tingin niya ah. Anong gagawin ko? Katapusan ko na yata eh. "Where is he?" Tanong ni Chairman. Agad naman akong lumapit sakaniya at lumuhod sa harapan niya. Jusko! Natatakot ako na baka tanggalin niya ako. "S-sorr po. Kasalanan ko po ito. Hindi ko naman po alam na may asthma siya. Patawarin niyo po ako. Hindi ko po talaga sinasadya." Maluha-luha akong nanghihingi ng patawad kay Chairman. Mapapatawad niya kaya ako? "Alam mo Liana?! Sob

