"Raze Adler Montereal." Binanggit ni Papa ang buong pangalan ni Sir Raze. Ano naman kayang sasabihin ni Papa dito sa boss ko? Galit siguro si Papa. Ganiyan na ganiyan kasi itsura niya kapag galit siya. Blanko ang mukha pero diretso ka niyang titignan sa mukha. Gawain niya din ang mag-cross arms kapag pinapagalitan kami ni Leo. "Yes Tito?" Sagot naman ni Sir. Humakbang papalapit si Papa kay Sir Raze. "Ikaw ang boyfriend ng anak ko. Tama ba?" Saglit kaming nagkatinginan ni Sir Raze. Ano kayang isasagot ng boss ko? "Yes Tito." Medyo matagal bago sinagot ni Sir Raze. "Ikaw din ang boss niya?" Muli na namang nagtanong si Papa. "Yes Tito." Tinanggal na ni Papa ang pagkakakrus ng mga braso niya. Ngayon ay nilagay niya naman ang kamay niya sa baba niya na parang kinakabisado ang buong pag

