Hindi ako mapalagay dahil sa nakikita ko sa labas. Parang kinakailangan yata nila ang taglay kong kagandahan sa labas. Mukhang nangangailangan sila ng tulong ngunit hindi ako isinilang ng may kapangyarihan.
Tangging ganda lang ang panlaban ko. Keri ko kaya yun? Tignan natin.
"Psst. Tara sa labas. Maki-chika tayo."
Kinalabit ko si Luke. Umilung naman ito na siyang kinadismaya ko.
"Ayoko. Hindi ako chismoso."
"Wehh?"
"Joke lang! Mana kaya ako sayo."
Ang arte arte pa eh sasama din pala saakin. Akala ko magisa lang talaga akong makikichismis eh.
"Luh! Hindi kita anak para manahin mo ang talent ko."
Eh diba nga yung mana-mana na yan para lamang sa magpapamikya o magkakamag-anak. Hindi naman kami magkamukha. Hindi din kami magkadugo. At higit sa lahat maganda ako.
"Ngayon ko lang nalaman na talent pala ang pagiging chismoso o chismosa."
Ang dami niya pang sinabi. Masyado siyang nagsasayang ng oras. Ang daming knows! Hinila ko na siya palabas ng kwarto. Baka mamaya hindi na namin maabutan ang mga pangyayaru sa labas sa kaka-daldal niya.
May nakita kaming isang lalaki na nasa bintana ng isang kwarto. Sa sobrang laki ng bintana niya doon pwedeng-pwede na siyang magpakamatay at dahil nga malaki yung binatana niya at sliding window pa, nagtatangka nga siyang mag-suicide. Lahat ng tao pinipigilan siyang tumalon.
Naku! Di niya yata alam ang katagang 'SUICIDE IS NOT THE BEST ANSWER!' Totoo yun no! Hindi pwedeng magpakamatay ka dahil lang depress ka o stress ka. Hindi mo pwedeng gawin niya. That's a big NO! Lahat ng problema may solusyon no. Hindi yan madadaan sa suicide.
Pag nagsuicide ka ba, magiging payapa buhay mo? Hindi kaya. Hindi pa din. Syempre mumultuhin at mumultuhin ka ng problema mo. Hanggang sa hukay dadalhin mo yang problema mo since nagpakamatay ka. Kaya ano, magsui-suicide ka pa?
Taray! Parang pang commercial yun no?
"HOY! Kung nagbabalak kang magpakamatay, wag na lang! Sa sobrang baba niyan, galos at sugat lang ang makukuha mo! Your just wasting your time dude!"
Napansin kong napakababa lang naman ng tinatalon niya. Nakakainis lang makakita ng ganiyan. Kung gusto mong magpakamatay edi wag ka ng magpadalos-dalos pa. Patayin mo na kaagad sarili mo. Gagastos lang siya kapag tumalon siya diyan. Syempre, kapag nasugatan at nagalusan siya sa kakatalon niya diyan edi dadalhin siya sa ospital. Kailangan niyang magpagamot. Edi gastos!
Pero syempre kahit saang anggulo mo tignan. Mali pa din naman ang magpakamatay. Kaya mga bata tandaan, 'SUICIDE IS NIT THE BEST ANSWER!' Understand?
"Ano ka ba Liana! Delikado pa din yan!"
Masyado namang natatakot itong bestfriend ko kay kuya na nagtatangkang magpakamatay.
"Anong delikado diyan? Nasa second floor lang siya dahil hanggang dalawang palapag lang ang bahay nila. Hindi naman ganon kataas ang bahay nila. Nagpapatawa ba siya?"
Para lang kaming nanunuod ng pleikula na comedy ang genre. Naisip niya pa talagang magpakamatay diyan.
"Baka wala na siyang choice." Nagkibit balikat naman itong si Luke.
Siguro nga. Pero dapat nagisip pa siya ng ibang paraan.
"Kuya! Kung gusto mong mamatay, go na! Hindi kita pipigilan kung anong nagpapasaya sayo, support kita!"
Nakakuha naman ako ng isang batok mula sa bestfriend kong si Luke.
"Hoy! Wag mong kumbinsihin."
Eh sinasayang niya lang oras namin. Kaya kung magpapakamatay na siya, edi go!
"Kung matapang ka, kaya mo yan talunin!"
Para matapos na din ang eksena na ito. Nagiging center of attraction na si Kuya ngayon. Dapat ako lang ang center of attraction eh.
"Hey, this is not a joke. Kapag nakinig siya sayo baka mamatay pa yan."
"Yun naman ang gusto niya. Pabayaan na natin siya."
"Hala! Tumalon na!" Sigaw ng chismosang kapitbahay.
Lahat sila ay nagulat, ako naman ay tamang tingin lang dahil nga gusto kong magstay lang ang kagandahan ko. Baka pag nagpanic ako at sumigaw eh mawala itong ganda ko.
"OA ah! Gumagalaw pa din siya. See? Sabi sayo kuya eh! Hindi ka mamatay sa baba niyan!"
Katapos ng nakakatawang eksena, niyaya ko si Luke na ilibre ako. Para naman may silbi din siya ngayong gabi.
"Ano namang gusto mong kainin?" Inis niyang tanong.
Luh! Init ng ulo, besh ah.
"Nagutom ako sa eksena, kanina eh. Kahit ano kakainin ko."
Hindi naman kase ako maarte pag dating sa mga pagkain. Blessing kaya yung mga pagkain no. Kaya dapat hindi tayo namimili kung anong kakainin natin. Dapat kung anong hinanda yun lang ang kakainin. Matutong makuntento sa kung anong meron tayo. LIANA KYRIE BUENAVENTURA PARA SA SENADO!
Taray! Bagay pala saakin ang maging sendor. Kaso nakakatamad, tsaka na lang. Baka sa ibang araw try ko.
"May pasok ka pa bukas."
Ayaw niya lang talagang maglabas ng pera.
"Parang libre lang eh. Madalang na lang nga tayong magkita."
Totoo yun! Masyado niyang pinagbubutihan ang trabaho niya. Kaya ayan, hindi niya na masyado nasisilayan ang beauty ko.
"Syempre busy ako sa trabaho."
Oh diba! Sabi sainyo eh!
"Oh kaya nga ilibre mo na ako." Pangungulit ko.
"Oo na! Mababawasan na naman ang pera ko!"
Eh ililibre din pala ako, ang dami pang sinabi.
"Mayaman ka naman. Konti lang naman papabili ko."
Anak mayaman yang si Luke, hindi lang halata sa itsura niya. Joke lang! Gwapo yang si Luke. Matangkad, maputi, palaging nakangiti, mabait, maganda ang mata lalo na yung labi. Sobrang pula ng labi niyan. Para siyang naka-lipstick. Pero natural lang yun sakaniya.
Kaya kinaibigan ko yan bukod sa mayaman siya eh gwapo pa. Syempre kailangan kung maganda ako dapat gwapo o maganda din ang mga kaibigan ko. Kaya lang, isa lang talaga ang kaibigan ko sa mundong ating ginagalawan. At yun ay si Luke. Nagiisa. Wala ng iba.
"Pasalamat ka at bestfriend kita."
"Salamat!"
Sabi niya pasalamat daw ako, edi nagpasalamat ako. Madali naman akong kausap eh.
Pumunta kami sa isang convinience store. Sayang akala ko paman din sa mga fast food chain niya ako dadalhin. Sana pala kanina habang pinanonood namin si kuya na nagpapakamatay, bumili kami ng pagkain. Para kunwari nasa sinehan kami.
Dahil nga nilibre ako ni Luke, lulubusin ko na. Minsan lang naman ito. Kaya dadamihan ko na para hindi na ako magaalmusal bukas. Pero kung gugutumin man ako bukas edi kakain uli.
"Konti pala ah. Scam ka!"
Tinignan niya pa yung mga binili ko.
"Madami kaseng masarap."
Syempre gutom ako ngayon. Kailangan ko ng midnight snacks.
"Bakit di mo ako binili?" Tanong ni Luke.
Pinangsingkitan ko siya ng mata dahil sa sinabi niya.
"Masarap ka ba? Pagkain ka ba?"
Buti sana kung pagkain siya eh, kaso hindi.
"Ubusin mo na yan at iuuwi na kita."
"Parang sinabi mo na ayaw mo akong kasama."
"Ang over! Gabi na kase!"
Tignan mo. Inagaw niya pa ang line ko. Saakin niya lang natutunan ang word na 'ang over' yun yung famous line ko eh. Inaagaw niya na naman.
"Hoy line ko yun!" Binato ko pa siya ng plastic cup na walang laman.
"Bawal hiramin?" Tanong niya ng may ngiti sa labi.
"Bawal! Wala kang originality!"
Napaka-gaya-gaya ng lalaking yan!
"Wow! Spell originality?"
Isasabak niya na naman ako sa spelling. Parang gindi kami magkaibigan eh.
"Alam mo namang matalino ako diba? Kaya wag mo ng pa spell."
Papahirapan niya pa ang buhay ko eh.
"Gusto mo bang ihatif kita bukas sa trabaho?"
This time ay sumeryoso na din siya at hindi na siya ngumingiti o tumatawa na parang baliw.
"Akala ko bang busy ka? Wag na keri ko na!"
Ayoko sa lahat ay yung nakakaabala ako sa tao. Ngayon ko lang nalaman na ang plastik ko sa part na sinabi ko yung 'ayaw kong nakakabala sa tao'
"Choosy ka pa!"
"Totoong ihahatid mo ako? Legit? Libre ba?"
Once ko ng ginagawang driver yang si Luke. Naubos pa yung gas niya dahil saakin. Miss ko ng gawin yun. Tapos yung itsura niya, mukhang siyang pinagsakluban ng langit at lupa dahil lang wala na siyang gas. Eh mayaman naman siya. Pwede siyang bumili ng gas.
"May bayad."
"Damot mo ah!"
"Joke lang! Oo na. Hahatid na kase."
Hindi siya pwedeng humindi, dahil pag ginawa niya yun parang hindi niya na ako kaibigan. Ganon lagi ang sinasabi ko sakaniya kapag hindi niya ginagawa ang mga gusto ko. Kaya para mas effective dinadramahan ko pa lalo. Yung tipong pati Mama at Papa ko eh maiiyak sa sobrang galing kong umarte.
"Thank you Atty!"
Si Luke ay matagal ko ng kaibigan. High School palang magkasama na kami. Crush ako niyan. Gusto niya ako kaya kinaibigan niya ako pero syempre isa lang iyon na malaking biro. Oh diba! Naniwala naman kayo. Gindi niya ako gusto. Dakilang assuming itong bida niyo. Ako talaga unang lumapit sakaniya. Bukod sa chismosa at assumera, feeling closed din ako. Talent ko yun. Wala naman siyang choice kaya tinanggap niya ako bilang bestfriend niya.
"Hoy! Ayusin mo trabaho mo bukas ah."
Kung maka- 'hoy' parang wala akong pangalan eh no?
"Opo Atty! Mukha ba akong di matino?"
"Medyo." Tawa naman siya ng tawa.
"Aba! Nakakatawa yun?" Dinuro ko siya ng straw.
"Oo, bakit?" Tanong niya pa.
Gusto niya talagang magaway kami ngayon.
"Ang sarap mong awayin!"
Gustong gusto ko na siyang bulyawan kaso nagpipigil lang ako dahil baka maging tigre ako at mawala ang kagandahan kong taglay.
"Ba't di mo gawin?"
"No thanks. Baka sampahan mo ako ng kaso."
Mahirap na. Baka makulong pa ao ng wala sa oras.
"Buti naisip mo yun."
Bata palang eh pangarap niya ng mag Atty. Komplikadong buhay kase ang gusto niya. Sa lahat ngpwedeng kunin, Criminal Lawyer pa. Sabi ko nga sakaniya, dapat inutusan niya na lang akong patayin siya. Para hindi na siya maghirap. Tutal gusto niya din namang maging isang criminal lawyer. Papahirapan niya pa ang buhay niya.
Umuwi din kami kaagad katapos kong kumain.
Ngayong nasa kwarto ako hindi ako makatulog. Iniisip ko kase kung anong pwedeng mangyari saakin bukas. Ano kayang itsura ng boss ko? Ano kayang ulam ko bukas? Ano kayang itsura ng boss ko? Ano kayang posisyon ko sa kompanya? CEO kaya? Nakaka-excite naman.