CHAPTER XVIII Sa bawat araw na lumilipas sa buhay ko parang nitong mga nakaraang buwan ang pinakamahirap. Ayoko man pero talagang natututonan ko na syang mahalin. Simple lang ang ginagawa nya sa akin, pero doon palang hulog na hulog na ako. Hindi ko sya pwedeng sisihin dahil ako din mismo ang may problema. It’s been a week since I left that place. I don’t know what happen to him. Ang alam ko lang hinahanap nya daw ako. Bago ako umalis iniwan ko na din ang resignation letter ko. Ayoko ng pagulohin pa ang buhay ko kapag tumagal pa ako, lalo na wala naman akong karapatang mag-inarte. "Baka naman gusto mo pang ibenta ‘yang bulaklak na yan," untag ng isang boses. Nang lingonin ko ang bandang pinto ng opisina ko. Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Sancho. Sya rin ang sum

