Minsan sa dami ng taong dumadaan sa buhay mo meron tayong tao na tumatatak sa atin kumbaga kahit ilang taong man ang lumipas maaalala mo pa rin ang parte kung saan kayo nagkakilala at kung anong mga pangarap ang nabuo niyo. Sa parte ko ang lalaking nasa harapan ko ‘yon. Ang lalaking matagal ko ng pinipilit ibaon sa limot pero parang bangungot na bigla nalang lumalabas. Kung saan tahimik ka na at akala mo ay nakalimotan mo na siya.
"Vio… K-kumusta?" Nag-aalangang tanong nya sakin.
Mukhang nagulat rin syang makita ako dito. Hindi nya ba alam na pag-aari ko ang kikainan nilang restaurant? Ipalason ko kaya sila ng makabawi naman ako sa lahat ng kahihiyang inabot ko? Napangiti ako ng mabaling ang atensyon ko sa babaeng katabi nya na biglang lumingkis sa boyfriend niya na akala mo ay sawa.
"Ikaw pala Ethan. Long time no see," nakangiti kung tugon sa kanya.
Habang sya ay hindi malaman kung ngi-ngiti sa akin o lalayo sa babaeng higad na katabi nya. Hindi ba siya komportableng makita ako? Akala ko ba masaya na siya? After all he choose those sexy girl than me. So, why he look like a f*****g guilty man?
"Ahem... I’m the girlfriend."
Presitadang nya pakilala sa sarili ng napansing natahimik na ang kasintahan nya. Napailing nalang ako at tiningnan ang kamay nyang binaba nya rin agad ng mapagtantong hindi ko rin naman iyon tatanggapin.
"Excuse me, lang pero hindi ako namumulot ng basura. Kaya huwag kang masyadong ma threaten dahil sa akin," irap ko kaya lalo syang napabusangot sa sinabi ko.
“How could you?”
Anong akala nya sakin kagaya nya na akala mo sawa lahat nililingkisan? Naku may taste pa naman ako kumbaga sa baboy feeds ang pinapakain sakin hindi yung mga tira-tira lang.
"Kita mo naman malusog parin. Ikaw? Mukhang nag-ienjoy ka naman ngayon hindi nga lang halata. Sabagay nakakasakal din kapag laging may nakabuntot at nakalingkis sayo,” nakangisi kung litanya. Dahilan para lalong sumimangot ang babaeng katabi niya.
"So you're the ex pala," taas kilay nyang sabi at muli akong tiningnan mula ulo hanggang paa. "Yeah, I’m the ex. But unfortunately mas maganda sayo," taas kilay ko ding sagot sabay maarte kung hinawi ang buhok ko. Papatalo ba ako mataba lang ako pero di ako pangit noh!
"Aba't mataba na nga ambisyosa pa. Babe, is she really your ex? I pity you but at least tumataas na ang standard mo ngayon. Unlike before…” She’s pointing out something.
Naikuyom ko ang mga kamao ko sa sinabi ng babaeng nasa harap ko. Ang tokmol naman na kasama nya nalulon na ata ang dila di man lang nagsasalita. Hanggang ngayon isa pa rin siyang duwag at walang sariling disposisyon sa buhay. Ano nakakagulat ba talaga ako? Pesting ‘to mataba lang ako pero di panghorror ang beauty ko noh!
"Hey, Baba. What took you so long?”
Halos mapatalon ako sa gulat nang may umakbay sakin na isang braso mula sa likod. Hindi ko napansin na nakalapit na pala sya sa amin. Pakiramdam ko ay kakainin na ako ng lupa sa sobrang kahihiyan ko.
"Babba? Ano ako si Ai-ai?"
Inis kung bulong sa kanya at kinurot siya sa tagiliran nang lingonin ko si Blake. Sinubokan kung tanggalin ang braso nya sa balikat ko pero daig pa may epoxy ang kapit bes.
"Baba is for baby in short. Makiride ka na nga lang. Ikaw na nga ginagawan ng pabor ikaw pa galit?" bulong nya sakin habang pinipigilan ang mga kamay kung nangungurot sa kanya kanina.
Natahimik ako sa sinabi niya. Gusto kung magprotesta at sabihing hindi ko kailangan ng tulong. Pero ayoko din namang mapahiya sa harap ng mga tauhan ko. At ayoko din na magmukhang tanga sa harap ng ex kung sinalo lahat ng hangin at kayabangan sa katawan.
Iniharap ulit ako ni Blake sa dalawang kausap ko kanina at isang ngiti ang sumilay sa mga labi ko nang makita ang mga itsura nila. Lalong-lalo na ang maarteng higad na ito. Siguro naman kilala na nila itong katabi ko sikat daw sya ei pwera nalang sa mundo ko. Parang hindi naman siya nagiexist at hindi ko naman siya kilala.
"Is there a problem here? I don’t know both of you but if you're done talking. Can i have her already? We’re to have dinner not to meet friends." Seryoso nyang tanong sa kaharap namin. Hindi ko alam kung nagtatanong nga siya o nang-iinsulto.
"Ah you’re Blake Almindrez right?" pahabol na tanong ng babaeng higad kay Blake.
"We’re done here. Pasensya na kung nakaistorbo kami hindi lang namin alam na marami palang tao ng ganitong araw." Hingi nang pasensya ni Ethan ng humarap na si Blake na seryosong nakatitig din sa kanya.
So ibig sabihin lagi nga silang nandito. Hindi man lang ako aware na may kaaway palang nakakapasok sa pag-aari ko. At ngayon pa talaga kami nagtagpo kung kalian hindi ko naman talaga inaasahan.
"And by the way if you're going to a public place try to bring your own bodyguard to protect you. Coz we’re only paying our employee for serving foods and their needs not to protect you from you’re fans."
Seryoso at tumatagos ang bawat salitang binibitawan ni Blake. Hindi ko alam na saglit akong natulala sa kanya namalayan ko nalang hinila niya na ako palayo doon. Nakita ko nalang na lumapit na sa kanila si Yanna katabi nito si Ella na abala din sa pagmando sa mga tao.
Unti-unti nang nagsisialisan ang mga taong nakapaligid doon kanina na para bang pelikulang kakatapos lang kunan ng eksena kaya magpapack-up na ang mga tauhan. Ngayon ko lang napansin na sobrang dami palang nakarinig ng mga pinagsasabi ng bruhang ‘yon. Sayang di man lang ako nakabawi sa pangungutya nya sakin. Wag lang siyang makakabalik dito dahil ako mismo ang magseserve ng lason na papatay sa kanya.
Lilingonin ko pa sana sila pero naramdaman ko nalang ang kamay nyang pumipisil sa akin kaya nilingon ko ito. Tahimik syang nakatitig sa akin habang inaantay akong kumilos ulit palapit sa kanya. Hindi ko alam pero parang may sariling buhay ang mga paa niya at kusa itong naglakad palapit kay Blake.
"Ano nasarapan ka na sa kamay ko? Abusada ka ah!" bigla nyang ngisi sakin. Inis kung winasiwas ang kamay nya kaya napabitaw sya sa pagkakahawak sa akin.
"Pesti ka talaga! Lakas mo mang-asar. Bakit sinabi ko bang makiepal ka doon huh? Umuwi kana nga bwesit ka!" Naiinis akong nagmartsa palayo sa kanya.
Dumiretso ako sa may counter pero ang mukong nakasunod pa rin pala. Hinayaan ko siyang maupo sa katabi kung stool. Hindi ako makapagsungit sa kanya dahil alam kung nakatingin sa akin ang mga tauhan ko. Alam kung marami pa silang gustong malaman sa nangyayari pero sana ay huwag silang makisabay.
"Woi, Anong problema mo?" kalabit sa akin ni Blake nang maupo ito sa tabi ko. Hindi ko siya pinansin na parang wala akong narinig dahil baka mag-init lalo ulo ko sa kanya ay ihampas ko sa ulo niya ang boteng nasa harap ko.
"Ayan tayo ei! After I save you’re ass in the middle of ackwardness with your ex. Ganyan ang iasta mo sakin? Magpasalamat ka kaya ng matuwa naman ako sayo.” Napataas ang kilay ko sa banat nya.
"Excuse me, Mr. Almindrez I’m not responsible for you’re happiness in life. And fyi lang ah! Hindi kita inutusan na puntahan ako at tulungan doon sa hinayupak kung ex. X nga diba? Meaning no value!” Naiinis kung singhal sa kanya.
Gusto ko mang taasan ang boses ko at magratatat sa harap niya ay hindi ko magawa. Nakakahiya naman kasi kung maririnig kaming nag-aaway ng mga customer ko. Baka sabihin yung may-ari balahura ang bibig pero diko naman tinatanggi ‘yon kaso wag na nating ipagkalat. Baka wala nang kumain dito sayang ang masarap naming pagkain.
"Ayan kaya walang nagtatagal sayong lalaki kasi ganyan yang bibig mo.” Natigilan ako sa sinabi niya at mahigpit na hinawakan ang basong nasa kamay ko. “Dapat nga magpasalamat ka nalang pero ang dami mo pang sinasabi. Babae ka hindi ka si Darna ang babae may kahinaan din at minsan kailangan ding ipagtanggol kaya wag kang masyadong nagmamatapang." Angil n’ya sa mga sinabi ko. Inisang lagok nya ang alak na sinerve ulit sa kanya at naglabas ng pera na iilang libo. "Isama mo ‘yong cheat ng VIP doon sa taas,” Utos niya nang nakakunot noo sa waiter na kaharap nya.
Akala ko magsasalita pa ulit siya para kausapin ako pero ang damuho dumiretso na palabas ng restaurant ko. Walang lingon likod itong naglakad na paranng wala siyang kasamang pumasok dito.
Ilang minuto ko pang tiningnan ang exit na nilabasan nya baka sakaling nagbibiro lang s’ya na iwan ako dito. Pero magkakalahating minuto na hindi na talaga sya pumasok ulit doon. Matatapos kuna yung chinicheck kung mga menu wala pa din sya. Napabuntong hininga nalang ako ng maupo at hinarap ang dapat kung gawin.
"Tsk..."
Pati ‘yong inis ko nabunton ko na sa mga menung hawak ko. Actually, wala naman talaga akong naiintindihan dito kung anong gagawin ko simula ng binigay ni Yanna sa akin ito. Aminado naman akong dapat talaga akong magpasalamat at mali ‘yong mga sinabi ko sa kanya. Pero syempre hindi naman ako laging pinagtatanggol ng mga taong nakakasalamuha ko. Kaya hindi ako sanay na may gumagawa noon para sa akin. Except if tauhan ko sila or their my friends ganon ata talaga hindi lahat kaya kang ipaglaban.
"Naku, Chef mauubos na namin lahat ng inorder niyo kanina hindi ka parin nakakaget-over," biglang banat ni Ella sakin habang ngina-ngata nila yung mga tirang order kanina ni Blake.
Actually hindi na sila tumatanggap ng customer simula ng umalis si Kumag pinasara ko na din ito agad. Dahil baka balikan kami ng mga fans noong Higad na babae kanina. Saka akala ko kasi makakapagconcentrate ako dito kapag ginawa ko ‘yon. Pero mukhang ginagawa ko lang tanga ang sarili ko ngayon.
"Hay naku, Violet. Ligpitin mo na ‘yan at kumain ka na dito. Tigilan mo na ang mga report na iyan. Naayos naman na ‘yan ni Amber kahapon kaya halika na dito. And if you're thinking about him, why don't you call him? I know he'll accept your apology and explain yourself to him, Iha." Nakangiting singit ni Chef Alex sakin habang bitbit ang cake na dessert daw nila. Siya ang Chef naming dito bukod sa akin at kay Yanna. Kaya tiwala din talaga ako sa mga tauhan ko.
"Oo nga minsan kasi ipakita mo din na mahina ka. Tao kalang nasasaktan hindi ka isang bato na kahit anong ibato tatanggapin mo lang kasi matigas ka. Babae ka mahina,nasasaktan at kailangan ng magmamahal hindi ka manhid Olet. Subukan mong iparamdam na dapat ka ring mahalin hindi lang ang saktan." Nakangiting dagdag din ni Yanna habang nilantakan ang chicken cordon.
Alam kung nag-aalala sila sa akin. Pero ayoko ng ganon. Ayoko nang kinakaawaan ako, pakiramdam ko ay sobrang hina ko na talagang nilalalang. Huminga ako ng malalim at pumangalumbaba sa harap nila. Buti pa itong si Yanna kahit anong kain hindi tumataba samantalang ako konti nalang lumba-lumba na.
"Oo nga Chef wag kang mag-alala kung di ka nila minamahal kami mahal ka namin. Ikaw kaya nagpapa sahod samin,” singit ni Allen isa sa mga waiter dito. Sabay-sabay nalang kaming natawa sa mga pinagsasabi ng mga ito.
"Grabi kayo sakin! Sinong hindi magagalit doon biro niyo sinigawan n’ya ako sa sarili kung restaurant at sa harap ng mga tauhan ko? Ako kaya may-ari dito tapos…tapos pati ‘yong pagiging sawi ko sa pag-ibig inungkat nya pa. Sino ba siya? Hindi niya pa nga ako kilala para magsalita sya ng ganon." Naiinis kung bunton sa kanila nang sama ng loob ko.
Napatigil sila sa pagkain dahil sa sintemyento ko umayos sila ng upo at tumingin sa akin. Bigla akong nahiya dahil lahat sila nakafocus na sa sasabihin ko. Na para bang mas importante ang paglalabas ko nang damdamin ko kesa sa pagkain nila.
"Totoo naman kasi ang sinabi nya. Masyado kang nagiging matapang takot kang ipakita ‘yong nararamdaman mo sa iba." Sabay-sabay silang tumango sa sinabi ni Yanna.
"Yong totoo? Ako nagpapasahod sa inyo di’ba? Ba’t sa kanya kayo kumakampi? Nakakainis kayo ah!” kunot noo kung tanong sa kanila pero tinawanan lang nila ako. Tanging tawanan at iling nalang ang ginawa nila hindi na nila ako sinagot. "Parang hindi nyo naman ako boss kung pagsalitaan nyo ako. Makaalis na nga!" bulong ko bago tumayo at iwan silang lahat.
Napapailing nalang ako habang kinukuha ang gamit ko sa opisina ko. Binaba kasi ni Yanna ‘to kanina noong linigpit nila ang VIP na inukopa namin kanina ni Blake. Nasaan na kaya yung lalaking ‘yon? Hindi man lang ako naalalang itext o tanongin kung may masasakyan pa ako pauwi. Samantalang siya ang nagdala sa akin dito kung alam ko lang na iiwan nya ako di sana nagpasundo na ako kay Amber. Tatawagan ko si Alice mamaya para bilinang siya nalang ang umattend sa meeting bukas ayokong makita ‘yong hinayupak na lalaking ‘yon. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at maibato sa kanya ang laptop ko.
"Nakakainis ka talaga! Wala kang kwenta, nakakainis ka." Dabog ko habang nagpapadyak sa labas ng restaurant. Bahala na kung makita ako nila Chef nakakainis talaga sya ei.
"Nakakainiiissss kaaaaa Blakeee! Bangungotin ka sanang hayop ka!" Inis kung sigaw sa harap ng kalsada. Buti nalang wala ng tao kundi mapagkakamalan ako ditong sinasapian. "Ay pakshet ka!" gulat kung sigaw ng biglang may bumosina at umilaw sa kabilang kalsada.
"Hoy wag kang maingay dito may natutulog. Pesting ‘to pati paghihisterya ko papakialaman pa," sigaw ko ng hindi pa rin namamatay ang headlight noong kotse na bumusina sa akin.
Pero parang gusto ko nang kainin ng lupa nang lumabas ang driver ng kotseng iyon. Seryoso itong nakatingin sa akin bago sumandal sa kotse niya at inilagay sa bulsa ang dalawang kamay. Akala mo modelong may inaantay sa postura nya ngayon.
"At sino ang nakakainis? Ako pa talaga ang dapat bangungotin?"
Napakagat labi ako at napahigpit ang kapit sa strap ng bag ko. Habang mataman siyang nakatingin sa akin na para bang inaantay lang akong magkamali para may ipuna ito. Parang nalunok ko ang dila ko at ayaw ko na muling magsalita sa sobrang kahihiyan ko.
"Ang bait mo talaga sa akin Lord!" bulong ko habang nakatayo pa rin sa kabilang kalsada na katapat nang tinatayuan ni Blake.
Parang nanunuya s’yang nakatingin sa akin habang nakatayo doon. Anong gusto nyang gawin ko mag-sorry ako? S’ya kaya ang may kasalanan sa akin at pinagsalitaan nya ako ng masama kanina. Kaya bakit hihingi ako nang pasensya?
"Ano pang tinitingin-tingin mo diyan? Akala ko ba umalis ka na? Bawal ang patambay-tambay dito umuwi kana baka may nag-aantay na sayo." Inis kung singhal dito na parang wala namang balak magsorry.
Gumalaw siya at umalis sa pagkakasandal doon kaya agad akong napaatras ng kaunti at naging alerto dahil baka lumapit siya sa akin. Pero inayos nya lang ang Polo nya at lumayo ng konti sa pinto para buksan ito.
"Akala ko kasi may naiwan ako sa loob wala pala. Sige may nag-aantay nga pala sa akin sa bahay." Iiling-iling nyang tugon sa akin bago binuksan ang kotse nya at sumakay doon.
Ganyan nga umalis ka na. At huwag na huwag ka nang muling lalapit sa akin. Bago pa umandar palayo ang kotse nya tumalikod ako at humarap ulit sa pinaggalingan ko. Magpapatawag nalang ako ng taxi baka biglang umulan at mabasa pa ako. Mahirap na maging basang baboy masyado na akong kota ngayong araw para dagdagan pa. Magiging abusado naman na si Lord sa akin ah! Pero hindi pa ako nakakaisang hakbang ng maramdaman ko ang isang brasong pumulopot sa bewang ko. Haharap sana ako pero isinampa nya na ako sa balikat niya na parang sako at pinagpapalo ang wetpaks.
"Walang hiya ka talagang lalaki ka! Napakawala mong modo nakakainis ka!" Pagpupumiglas ko sa hawak nya habang naglalakad sya. Pero gaya nang dati walang kwenta ang lakas ko sa kanya.
"Pag ikaw hinulog ko dito sa gitna ng kalsada sasabihin mong swerte ka talaga. Baka akalain pa ng mga driver na dadaan nakapatay sila ng hayop. Ahhh. f**k!" Angil niya nang batokan ko siya. Kahit hirap na hirap akong abutin sya talagang gusto ko lang sya batukan ng makabawi ako.
"Bwesit ka! Nakakainis ka! Nakakainis ka talaga alam mo ba yun?" singhal ko dito habang nakabaliktad parin ako sa balikat nya. "Nakakainis ka kasi kinokonsensya mo ako. Pinapasakit mo ‘yong dibdib ko akala ko iniwan muna talaga ako. Akala ko hindi mo kayang pag-tiisan ‘yong bunganga ko. Sabi--sabi mo walang magtyatiyaga sakin dahil matigas ako akala mo lang yun. Nakakainis ka talaga."
Pahina ng pahina kung reklamo dito hindi ko alam kung nakikinig ba sya o kung naapektohan ba sya sa sinabi ko.Naramdaman ko nalang ang pagpatak ng mga luha ko. Kusang lumabas ang mga luhang pinipigilan ko kanina pa dahil akala ko ayos lang hindi pala. Ang mga luha kung para sa pisngi ko sana ngunit mali pala dahil sa buhok kuna ito dumadaloy dahil sa pwesto ko ngayon.
"Shhh… Tahan na baka baka makasuhan ako ng agaisnt animal law,” tukso niya pa sa akin.
"Bwesit ka talaga! Inaaway mo pa din ako." Muli kung hampas sa kanya pano lagi nalang akong binubully.
"Wag kang mag-alala masaktan ka man ng bawat salita ko. Mamahalin ka naman ng puso ko patuloy mo man akong ipagtabuyan babalik at babalik parin ako sayo Basha."
Bwesit talaga ayos na ei! Biglang keme lang pala sa pelikula ang sinasabi nya. Di ko alam kung bakit ko iniiyakan ‘tong lalaking ito samantalang sa ugali nya hinding hindi ko sya magugustohan.
"Ihatid mo na nga ako," utos ko sa kanya nang maibaba niya ako ng kotse. Nauna na akong pumasok nakita ko nalang syang nakangiting iiling iling papasok ng kotse niya din.
"Salamat sa paghatid at sorry pala kanina. Ingat ka!” Paalam ko sa kanya ng makababa ako ng kotse nya.
Hindi ko na sya pinababa kasi baka makita pa sya ni Amber. Siguradong wala na namang tigil ang mga tanong at kung ano-anong senaryo ang pumapasok sa utak ng baklang ‘yon.
"Sorry din kung nasaktan ka sa mga sinabi ko sayo kanina. Pero totoong lahat yun matuto kang buksan ang puso mo para maging masaya. Hindi lahat ng tao sasaktan ka hindi lahat ng tao iiwan at papaasahin ka. Meron ding mga darating para pasayahin at paga-anin lahat ng nararamdaman mong mabigat. Minsan lahat ng seryosong paniniwala nanggagaling sa magagaang mga salita. Goodnight Baba.." bulong nya sa huling linya. At dire-diretsong pinasibad ang kotseng minamaneho nya.
Sana nga matuto akong magpatawad at maging malaya sa lahat ng sakit na naramdaman ko noon. Pero parang ngayon palang nagkakaroon na ako ng false hope about this kind of closeness. I don’t want to keep my hopes high and I wish I could lock up my heart alone.
So that it won’t get hurt anymore.
**********
Loving someone is accompanied by acceptance.