CHAPTER XX SA BUHAY ng tao marami kang pangyayari sa buhay mo na ilang beses mong hindi aasahang mangyari. Mga bagay na pwedeng ipagpasalamat natin o minsan maisusumpa mo nalang. O madalas mapapatanong ka nalang kung deserve mo ang lahat ng ‘yon. Alin man doon hindi mo naman maiiwasan ang tangi mo nalang magagawa ay tanggapin ito ng bukas palad at pilitin malagpasan sa tamang paraan. Napangiti ako ng makitang luto na ang hinanda kung meryenda para sa mga barakong kasama ko dito sa malaking bahay. Wala kasi akong magawa at maghapon nang away ng away kahit sa maliit na bagay. Hindi sila nauubosan ng pag-aawayang lahat. “Marunong ka palang magluto?” Nilingon ko ang taong pumasok sa kusina. “Ikaw pala, Theo. Hindi pa ba sila tapos?” umiling lang siya biglang tugon sa t

