chapter 1:

1959 Words
"Because pain is addicting..." (c) i love you, thank you 1 Inayos niya ang kanyang buhok saka pinatunog ang busina ng kanyang bike. Ilang sandali , dumungaw doon ang kanyang girlfriend-si Heaven Marie, malawak ang ngiti nito habang sumesenyas sa kanya ng sandali lamang. Nakita niya rin ang pagsilip ng pinsan nito. Sabado ngayon kaya naman ipagpapaalam niya ang kanyang girlfriend sa mga magulang nito para mamasyal, nakakatuwa dahil kailan lamang nanliligaw siya, pero ngayon two months na silang official na mag-on. "Hello po tito, hello tita, mamamasyal lang po kami ni Heaven." Bati niya sa mga ito, ngumiti naman ang mga ito sa kanya, alam kasi nila na mabait siya. Mabait talaga siya lalo na kung kinukumpura siya kay Ravin, kanyang kakambal, lihim lamang kasi ang ultok noon. "Basta mag-ingat kayo, at ang mga bilin ko, huwag masyadong magpapagod?" "Opo mama!" sabi ni Heaven Marie bago humalik sa pisngi ng mga magulang nito. "Tignan mo ang anak mo, sayang- saya dahil hinayaan mo ng mag nobyo?" panunukso ng mama nito. "E, kung bawiin ko kaya?" ang papa nito na may halong biro. "Pa!" nakasimangot na ngayon si Heaven sa mga magulang, siya naman ay natatawa sa ka-cute tan ng kanyang nobya. "Hindi nyo ba isasama ang pinsan mo?" tukoy ng mama nito sa pinsan nitong babae na nagbabakasyon sa kanila. Medyo masungit ito, hindi namana ang kabaitan ng kanyang girlfriend, mabait naman kasi ang pamilya ni Heaven. Hindi na siya nagtataka.Umiling ang pinsan nito. "Robin, ingatan mo ang unica namin ha?" "Opo tita," hinawakan niya na ang kamay ni Heaven, sinakay niya ito sa kanyang bike. "Ready ka na bang mamasyal kasama ang pinaka-gwapo mong boyfriend?" Tukso niya na ikinatawa naman nito. "Yes, kahit saan!" masayang sigaw nito. Kahit ganoon lamang, kahit simple lamang, kahit hindi sila lumalayo ng pinapasyalan alam niyang masaya sila. .... "Hindi sa lahat ng oras, kamao ang sagot mo sa paki-usap ng kapatid mo sa'yo." Pagkasakay ni Caleb sa kanyang sasakyan ay ito ang sinalubong nito sa kanya. Nakaupo siya sa backseat, nawalan siya ng gana ngayong gabi, gusto niya na lamang umuwi. "Hindi na siya dapat pumunta in the first place." "Hanggang kailan mo dadalhin ang sakit ng nakaraan? Nakausad na ang lahat, doctor na si Raven, retired na ang daddy mo, dalaga na ang mga kapatid mo, walo na ang anak ng uncle Ron mo, bago na rin ang presidente ng Pilipinas at America pero yung galit mo nandyan pa rin." "Gusto mo rin ba na mapalitan ang manager ko?" banta niya na nagpasuko rito, paanong hindi, ito at ang manager niya ay iisa. Kung igigiit nito ang mga pagbabago, hindi siya mag-aalangan na sibakin din ito, kahit pa malaki ang naitulong nito kung nasaan man siya ngayon. "Iba ka na talaga? Iba ang nagagawa ng kasikatan ano?" panunuya nito. "Ikaw higit sa lahat ang dapat nakakaintindi ng pinagdaanan ko." Sagot niya, hindi na niya hinayaan na magsalita ito, lumabas siya ng kotse at pinili na maglakad sa kalsada ng Maynila. May suot naman siyang itim na cap kaya may tiwala siya na hindi siya makikilala. Tinalunton niya ang maingay na kalsada na minsan niya ring naging pahingahan noon. Ilang beses nga ba siyang nagpalipas ng gabi sa sulok , hindi ilang beses nanganib ang kanyang buhay dahil sa mga mapang abuso at mapagsamantalang tao sa kanyang paligid, hindi niya na mabilang ang ilang beses na dumugo ang kanyang mukha sa pakikipag-away hanggang sa maging manhid na lamang. Hanggang sa dumating ang araw na akala niya, siya ang pinili pero hindi pala. "Mommy?" tawag niya sa ina na nakatayo ngayon sa kanyang harapan, katatapos lamang ng trabaho niya sa palengke bilang taga-buhat ng kung ano-ano, salamat na rin sa kanyang histura dahil nalilibre siya madalas ng meryenda. Kailangan niya lamang sikmurain ang panghihimas sa kanyang braso at pagnanakaw ng halik sa pisngi. Hindi niya sukat akalain na mararanasan niya ito, pero ganoon nga talaga katayog ang pride niya dahil tinanggihan niya ang tulong ng kanyang mga kamag-anak. "Anak, anong nangyari sa iyo?" niyakap siya ng kanyang mommy saka pinakatitigan sa mukha, nakita niya rin ang paglapit ng kanyang daddy. Susunduin na ba siya? Sasama ba siya? Itatakwil na ba ang hayop na si Ravin. "I'm okay mommy, gwapo pa rin." Biro niya, sa kabila ng hinanakit niya dito ay hindi niya maitatanggi na miss niya ang kanyang ina, niyakap rin naman siya ng kanyang ama. Iginiya siya ng mga ito palapit sa kotse, mahigpit na nakahawak ang kanyang mommy sa kanyang mga kamay. "Miss ka na namin, ano bang ginagawa mo sa sarili mo?" hindi iyon ang gusto niyang marinig, pero pwede na , na mimiss niya rin naman ito. "How did you find me?" nagkatinginan ang dalawa, hanggang ang kanyang daddy ang nagsalita, pinapagitnaan nila ang kanyang mommy sa backseat. "We need to ask you a favor," ang kanyang saya kanina ay biglang napawi sa sinabi ng kanyang ina." Delikado ang pagbubuntis ni Heaven Marie dahil sa kalagayan niya." Naiiyak ang mommy niya, alam niya iyon. Alam na alam niya , kaya nga binuo niya ang pangarap nila noon ni Heaven Marie na kahit walang anak,magiging masaya sila. "Delikado ang kanyang kalagayan because of her emotions, she wants to see you, wala siyang ginawa kung hindi ang umiyak, baka mawala ang pamangkin mo. Please talk to her, para rin ito sa pamilya natin. " ang daddy niya naman ang nakiki-usap, nagmamakaawa na gawin niya ang isang bagay na labag sa kanyang loob. "Your brother Ravin promise that he will take good care of them, nangako siya na hindi niya sila pababayaan, so please Robin, please help your brother and his family. Let's forget all the past and move on." Kung masakit ang naramdaman niya noong naglayas siya ng kanilang bahay, wala ng mas sasakit pa sa paki-usap na ito. Hindi pa naghihilom ang kanyang sugat pero mayroon na namang panibago na isinaksak sa kanya? Bakit siya ang kailangang magbigay? Bakit siya ang kailangang gumawa ng pabor gayong siya ang pinaka nasaktan? At si Ravin na naman? Si Ravin muli. "Sa hospital po tayo." Wala pa man siyang sagot pero nagdesisyon na ang kanyang mga magulang na pumapayag siya. Hindi alam ng mga ito kung ano ang nasa isip niya. Isang oras ang naging byahe, isang oras na dumudurog sa kanyang pagkatao. Isang oras na wala siyang pakialam sa paligid, isang oras na binabalewala niya ang sinasabi ng kanyang ina. Akala niya ito na. Akala niya lamang pala, dahil ang pagkikitang ito ang mas dudurog sa kanyang pagkatao. Nadatnan nila ang mga magulang ni Heaven Marie, nakaupo ang mga ito sa gilid ng ng anak, kapwa natigilan pagkakita sa kanya. "Robin, " mahinang tawag ni Heaven, nagpaalam naman ang mga magulang niya pati ang magulang ni Heaven. Nakatayo lamang siya roon, nakamasid, partikular sa umbok sa tiyan nito. Ilang buwan na rin pala. "Robin." Nakataas ang kamay nito, nag-papaabot, pero nakatitig lamang siya roon. Iniisip niya, kasalanan ito ni Ravin, si Ravin ang kailangan niyang isipin para magandang bagay ang masabi niya sa babaeng kaharap. "Magpagaling ka. Hindi mo bagay ang nasa hospital." "Kumusta ka na? Na miss na kita, kaya gumawa ako ng paraan para makita ka." Hindi niya alam pero nangingiti ito. "Lumapit ka sa akin please, kahit ngayon lamang." Paki-usap nito, hindi niya alam kung bakit kahit nasasaktan ay kumikilos ang mga paa niya palapit. Inabot niya rin ang kamay nito na nasa ere. "Pumayat ka at saka umitim ng kaunti, humaba na rin ang buhok mo, hindi ka na nagwa-wax?" tanong nito, hindi siya sumasagot. "Miss na miss kita pero kailangan kong pigilin ang sarili ko, kasi may kasalanan ako diba?" humihikbi na ito. "Don't cry, it's bad for you," and the baby, pero hindi niya kayang idugtong. "I miss your voice so bad, kung hindi lamang ako tanga, siguro masaya tayo ngayon? Siguro tayo pa rin, siguro walang nagbago, siguro nasa tabi kita..." siguro, walang katapusang siguro. "Take care." Tumalikod siya dahil hindi niya na kayang magtagal pa. "Robin, in this life and until my next, ikaw lang, alam mo iyon diba?" hindi na siya sumagot. It didn't matter, it will never. Next life? Hindi siya naniniwala, paglabas niya ay nakita niya si Ravin na nakayakap sa kanilang mga magulang, umiiyak ang gago. Sandali siyang napatitig sa masayang pamilya , kasama ang kanilang ulirang anak, nang mapansin ng kanyang mommy ang kanyang presensya ay lumapit ito. "How did it go? Nakausap mo na ba siya ng maayos?" usisa ng kanyang ina, lalapit pa sana ito para yakapin siya, pero humakbang siya paatras. "Robin please don't take her and our baby?" si Ravin iyon na akma ring lalapit sa kanya. "He will not."  putol ng kanyang daddy sa pagmamakaawa ni Ravin. Kung hindi lamang ito hawak ng kanyang daddy ay nasuntok niya na ito, pero ang respeto niya ay nasa pamilya ni Heaven Marie na nasa tabi lang nila,  hindi siya tinuring na iba ng mga ito.  "Aalis na po ako." Paalam niya sa pamilya ng dating kasintahan, bago nilampasan ang sariling pamilya, napatigil siya ng hawakan ng kanyang mommy ang kanyang braso. "Saan ka pupunta? Let's go home, pinalinis ko na ang silid mo saka pinahanda ko rin ang mga paborito mo, matagal kang nawala. It's about time to go home anak." Pilit niyang kumakawala sa kapit nito, winasiwas niya ang braso dahilan para matamaan niya ang mukha ng kanyang ina. Dahilan iyon para sumigaw at magalit ang kanyang daddy. "Robin!" "Matapos ang pinagawa at pinakita ninyo sa akin ngayong araw sa tingin nyo gugustihin ko pang umuwi? Hiningi nyo ba ang opinyon ko kung gusto kong pumunta rito at makita ang gago na yan!" duro niya kay Ravin na nasa gilid. Isang sampal mula sa kanyang ama ang naging salubong noon. "Wala kang galang! Pamilya mo kami! Paano mo kami natitiis ng ganito?" "Pamilya? Bakit hindi mo iyan itanong kay Ravin! Oo nga naman , hindi mo gustong mawala ang tagapagmana mo, wala kang pakialam sa iba." "She's just a girl, marami ka pang makikilalang iba. Hindi ba pwedeng pamilya muna bago ang lahat?" Napatawa siya sa  reasoning ng kanyang ama. Tumawa siya ng mapakla saka tumingin sa kanyang daddy... "Akala ko iba ka? Bilib pa naman ako sa love story nyo ni mommy, sabi ko kapag ako nagmahal tutulad din ako sa'yo, isa lang, kasi idol kita e, bilib ako sa'yo ng sobra, pero ngayon sa sinasabi mo, she's just a girl? May makikilala rin akong iba? Na pamilya muna bago ang lahat, kahit ganito ako, kahit ako ang pinaka worst sa mga anak nyo, marunong din akong magmahal and believe me sobrang sakit dito." turo niya sa kanyang puso. " Sobrang sakit hanggang sa puntong gusto ko ng wakasan ang aking buhay." "Robin!" humahagulgol na ang kanyang ina. "Pero hindi ko gagawin iyon, dahil papatunayan ko na kaya ko kahit wala akong pamilya!" sabay talikod niya sa mga ito, ilang linggo matapos noon, nagpakita sa kanya si Raven, may dalang isang sulat at isang masamang balita. Wala na si Heaven Marie. .... "Bossing, yosi?" alok sa kanya ng isang bata. Kumuha siya ng isang kaha, matapos dumukot siya sa kanyang pitaka. "Bossing naman, barya lamang, wala akong panukli sa isanglibo." Reklamo ng bata, nasa sampung taong gulang na siguro. "Sa'yo na ang sukli." "Wae di nga?" tinalikuran niya nito, ang kulit lamang, pero nakahabol pa ito sa kanya. "Totoo ba talaga? Akin na ang sukli, hindi mo na kukunin?" "Akin na ulit, ayaw mo yata." Sagot niya saka naman iniwas nito ang pera na mabilis nilagay sa bulsa. Nagpatuloy siya sa paglalakad. "Bossing daan ka ulit dito, aabangan kita. Huwag ka ulit manghihingi ng sukli." Tuwang tuwa ang boses nito, napapailing na lamang siya habang hinihithit ang stick ng kanyang sigarilyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD