Tulad ng nakasanayan na niya sa ilang araw niyang pananatili sa mansyon, nagigising siya tuwing umaga na wala na si Leandro sa kwarto. Maaga itong gumigising para pumunta sa koprasan o kaya naman sa plantasyon ng palm trees. Halos hindi na sila nito napagkita dahil paggising niya sa umaga nakaalis na ito at natutulog na siya kung umuwi ito sa gabi at ikinasisiya niya iyon ng labis. Hindi na niya kailangan magtiis sa presensiya nito. Total hindi rin naman sila magkasundo kaya mabuti na iyong hindi sila magkita at magpang-abot dahil hindi naman lumilipas ang isang minuto na hindi sila nito nagbabangayan. They were like water and fire na kahit kailan hindi pwedeng pagsamahin. Tinapunan niya ng tingin ang kamang hinihigaan ni Leandro. Nasa ayos na iyon. Sa lahat ng mga masamang ginawa ni

