"Nakahanda na ang kabayo Leandro." sabi ni mang Nestor na sumulpot mula sa gilid nila. He came from the back, pupunas-punas pa ito ng kamay. "Sige po mang Nestor, pupuntahan na namin ni Cielo." bumaling ito sa kanya at hinawakan siya sa siko. "Halika na." sabi nito saka iginiya na siya papunta sa likod na bahagi ng mansyon. Maang siyang napatingin rito ng marating nila ang bahagi kung nasaan ang kwadra ng mga kabayo. And infront, there were two horses, nakatali iyon. Marahil ang mga kabayong iyon ang sinasabi ni mang Nestor. Sinasabi ba nitong kabayo ang kanilang gagamitin sa pag-iikot sa hacienda? Pinuntahan ni Leandro ang isa at ikinalas sa pagkakatali. "Ho..ho.." agad nito iyon tinapik-tapik ng bahagyang umalma. Doon pa lang ay nanlaki na ang kanyang mga mata. "Huwag mong sabih

