009: The Danger

2384 Words
SERYOSO ang mukha na tinitigan ni Jianne si Ralph. However good the given condition, and how badly she wanted to take the shot, Jianne couldn’t just jump on it like a prey. Not because she doesn’t trust his words or what. It was because she just couldn’t give in, not at this moment. Pero hindi naman ibig sabihin noon na hindi na niya bibigyan ng chance ang lalaki na pagkatiwalaan. Since she knew she could trust Ralph, she had better share with him at least the things he needed to know. Bilang konsensya na rin niya as a person who knows something dangerous. Since she doesn’t like the feeling of guilt, she would do something to lessen it, kahit hindi niya tuluyang mabura. Kaya naman ang kaninang mukha niya na puno ng kaseryosohan ay nagkaroon ng maliit na ngiti. Her tensioned nerves and body finally eased up. “Then I guess I don’t have a choice but to share everything with you. So, saan ba ako dapat magsisimula?” patanong na sagot ni Jianne. Ang mga kamay niya na tuluyang nabawi mula sa pagkakahawak ni Ralph ay ipinatong niya sa strap ng sling bag na dala-dala at tsaka marahang pinaglaruan iyon. “Start from the very beginning,” walang habas na saad naman ni Ralph. At dahil sa si Ralph na mismo ang may sabi na simulan niya sa pinakasimula, kahit pa nga hindi sigurado si Jianne kung saan nga ba nagsimula ang lahat ay inisip na lang ni Jianne kung ano nga ba ang puno’t dulo ng lahat. Para na rin magawa niyang ibuod ang nangyari. “Then let’s start about the fact that I was mistaken as someone. Or what’s the best thing to call it is that my identity was stolen and now it was I who’s paying for it. Iyang babae na nasa larawan ay ang totoong mukha ko, pero hindi ako ang nagmamay-ari ng mukha ng naka-drawing d’yan. A very skilled con artist used my face and identity to scam the owner of this boat. Mukhang nabighani naman sa mukha ko ang malaking tao na ’yan kaya naman kahit pa nga nanakawan na siya ay gusto niya pa ring mahanap ang babae. And that’s why I was being followed that day, if you remember. Unfortunately, nahuli pa rin nila ako,” kibit-balikat na kuwento ni Jianne na para bang hindi na siya ganoon kagimbal sa mga naranasan niya sa nakalipas na araw ng pananatili niya sa barkong iyon. A visible frown appeared on Ralph’s forehead. Halos magdikit na ang dulo ng mga kilay niya sa sobrang pagkakakunot noon pero hindi naman nabawasan ang kaguwapuhan niyang taglay. Mas lalo nga lang noong nabigyan ng diin ang kakaibang kaguwapuhang taglay ni Ralph. A handsomeness that was visible through those serious eyes, deep frown, and lips in a thin line. Na para bang nasa isa siyang malalim na kontemplasyon. “Did they do anything to you? Did you escape now?” he asked, eyes glistening with a dark glint. Mahinang natawa si Jianne habang maliit na nailing. “Iisipin ko na lang na nag-aalala ka. At para mawala ’yang unnecessary worry mo ay sasabihin kong okay lang ako. Mukha lang akong mahina, pero kaya kong magpatumba sa isang suntok lang,” Jianne said proudly. Hindi naman napansin ni Ralph ang mariin na pagkuyom ng mga kamay ni Jianne na nakahawak pa rin sa strap ng bag niya. S sobrang diin noon ay mabilis na namula ang palad ni Jianne habang bumakat naman ang ilang kuko niya sa kamay. Marahil dahil sa mukha at sa ekspresyon ni Jianne naka-focus ang mga mata ni Ralph. Nang walang napansin si Ralph ay tahimik na napaiwas siya ng tingin. Wala siyang sinabi o kung ano pa mang pahabol na tanong. Naintindihan naman ni Jianne ang ibig sabihin ng katahimikang iyon ni Ralph kaya nagpatuloy siya sa pagkukuwento. “Habang hawak nila ako, hindi sinasadyang marinig kong kausap ni Mr. Aquinas ang tauhan niya na si Simon tungkol nga sa ginagawa nila. Ang narinig ko lang ay tungkol sa isang droga na ginagawa nila. If tama ang pagkakarinig ko, CID10 ang tawag ni Simon doon. Hindi ko nalaman kung ano ang epekto noon pero ang tanging nakuha ko lang ay ang ginagawa nilang forced experiment sa laboratory basement ng cruise na ’to. Sa palagay ko’y iyong mga tao na dinadala ni Simon at ng mga alagad niya ay napupunta sa lab at nagiging experimental objects ng droga. Hindi ko alam kung sa nakalipas na mga araw ba ay narinig kang nawawalang pasahero? For sure, sila na iyon.” Lalong dumilim ang mukha ni Ralph sa narinig. Hindi niya alam kung paanong nangyari iyon pero sa loob lang ng halos tatlong araw mula ng maglayag ang cruise ay ilan na rin pala ang nabiktima nila. Kung totoo ang sinabi ni Jianne, imposibleng walang maghahanap sa mga biktima. At sa nakalipas na dalawang araw ay wala pa namang naririnig si Ralph na naghahanap. “By the way, kung hindi lang kita pinigilan sumama doon sa grupo ni Simon, baka kasama ka na sa pangatlong batch ng mga test subjects nila. The first batch, hindi ko alam kung kailan o ano ang nangyari. Pero batay sa pagiging palpak ng pangalawang experiment, mukhang ang ginagawa nilang droga ay tungkol sa muscle contraction. Sabi kasi ni Simon, nawalan daw bigla ng kontrol sa mga muscle ng mga second batch of test subjects after a few minutes of drug intake. Nangyari ito noong araw rin mismo na nakuha nila ako.” “What happened to those people who became their test subjects?” Ralph asked dimly. Napaiwas naman ng tingin si Jianne. “Buried deep under the sea.” Ralph tightly shut his eyes. Napahawak din siya sa gitna ng kanyang mga kilay at marahang hinilot iyon. Ang isang kamay naman niya’y nakapameywang. “Hindi ko alam iyong ginawa nila sa mga naunang batch, o kung may buhay pa ba sa mga iyon. Pero sa narinig ko sa pangalawang batch, lahat sila’y itinapon sa ilalim ng dagat, buhay man o patay,” Jianne added grimly. “B*stards!” Ralph cursed, turning his back on Jianne. Napaangat tuloy ng tingin si Jianne sa lalaki. She ignored how she found the man so handsome and manly when cursing. Mas binigyan niya ng pansin ang imahe ng likod nito. Hindi niya alam pero mukha namang mabait talaga si Ralph. Sa naging reaksyon pa lang nito ay masasabing isang makataong agent si Ralph. Hindi katulad ng mga nabasa, napanood, o narinig niya na mga maprinsipyo pero walang puso naman kung pumasl*ng. “Ano pa’ng mga nalaman mo?” tanong ni Ralph na nakatalikod pa rin kay Jianne. “Iyong tungkol sa bagong sample ng drug na siyang ggamitin ngayon para sa mga bago nilang test subjects. Hindi ko masyadong narinig iyong improvement ng bagong sample pero sa pagkakaintindi ko’y mas tinaasan daw nila ng dosage ang opioids substance para mabawasan ang sakit na dala ng drugs. Pero imposible iyon. Once the opioids substance is greater than the normal dosage prescribed, it would cause abnormal breathing and heartbeat. O kaya naman ay magdala ng addiction sa intaker. I may not graduated from medicine pero tandang-tanda ko pa rin ang tungkol sa opioids,” may pagkaaligagang paliwanag ni Jianne. Dahil sa sobrang focus ni Jianne sa pagpapaliwanag kung gaano kadelikado ang tungkol sa over-prescription ng opioids, hindi na niya napansin ang biglang pagharap sa kanya ni Ralph. Maliban sa pinangunahan na siya ng pagiging isang nursing student niya, nangibabaw na rin ang pag-aalala sa mga kawawang biktima. “You’re a medicine student?” Ralph asked, which made Jianne stop her mumbling. Wala sa sariling napatingin siya kay Ralph. “I am, pero nag-stop ako kalagitnaan ng fourth year.” “Why?” “Financial problem. Pero okay lang, after naman nito ay makababalik na rin ako sa pag-aaral. Hindi pa naman siguro ako masyadong matanda para mag-aral, ano?” medyo pabirong tanong ni Jianne habang nakangiti kay Ralph. Marahang tumango naman si Ralph pero walang nagbago sa ekspresyon niya maliban sa kaunting paglamlam ng mga mata niya habang nakatingin kay Jianne. With the way how Jianne flashes those beautiful and genuine smile, sigurado si Ralph na gusto talaga ni Jianne ang pag-aaral niya bilang nurse. Kung hindi lang siguro dahil sa sinabi nitong problema ay baka imbes na makita niya ang babae ngayon ay nasa loob ito ng isang malaking ospital habang umaalalay sa pasyente o kaya naman sa mga doktor. Ralph had no idea, but he could visualize those scenes in his head. Jianne was in white dress scrubs, with a stethoscope hanging on her neck, a click pen, and a recording pad for taking down notes about the patient’s stats. A blue fob watch was also shown as she would glance at it before listing something down on the recording pad. Pero pasimpleng ipinilid ni Ralph ang ulo para iwaksi ang kung ano mang iniisip. Even though he felt some discomfort and confusion for having those thoughts, Ralph decided to clear his mind. Ngayon lang din niya napansin na sa lahat ng sinabi ni Jianne kanina ay tungkol sa pagiging nursing student ni Jianne pa ang mas binigyan niya ng pansin. “What else?” pag-iibang tanong ni Ralph. Marahang natawa na lang si Jianne ng ma-realize niya rin kung paano siya nalayo sa usapan.. “Sa ngayon ay iyon lang ang mga nalalaman ko. I know I’m not someone who could say something like this, but I advise you to leave this ship as soon as possible. Hindi ko sigurado kung ano ba talaga ang natakbo sa utak ni Mr. Aquinas. Pero sigurado ako na hindi maganda ang kalalabasan ng lahat. Habang maaga pa, mas maiging tumakas ka na. I can feel it. The reason why Mr. Aquinas prepared this event, which is also related to the drug and its manufacturing,” biglang pagseseryoso ni Jianne. Bigla rin namang nagseryoso si Ralph. He wanted to agree to the woman, dahil hindi naman mahina ang utak ni Ralph para hindi mapansin ang pagiging delikado ng kasalukuyang sitwasyon nila. As soon as possible, he wanted to share what he learned with his team so they could have a better plan to save everyone while still making their mission a success. And what does he mean by saving everyone, including Jianne? Hindi lang niya gustong mailigtas si Jianne mula sa barkong iyon kung ’di maging sa kamay rin mismo ni Demetrius Aquinas. Katulad ng sinabi niya, gusto niyang tulungang makalaya mula kay Demetrius si Jianne. Not only because of his principles as an agent, but also for another reason. Muling pasimpleng pinasadahan ni Ralph ang bahagyang nakabukas na butones ng suot ni Jianne na dress. Sa tulong ng bahagyang pagkakalihis ng neckline noon dahil siguro sa maya-maya niyang pagpigil sa pag-alis ng babae ay mas naging kapansin-pansin ang pulang marka roon na sadyang itinago ng mataas na neckline ng dress. He silently hissed as his eyes unknowingly darkened. With his type of job, hindi na bago sa ganoong mga marka si Ralph. He might be a rigid man, but he’s no innocent in those regards. Sigurado siyang mga kiss marks ang mga iyon. At mariing naikuyom ni Ralph ang kanyang mga kamao. He could feel his rage escalate while staring at those disturbing marks. Without the need to ask the woman about it, Ralph could tell how it was forced. At wala na ring balak pang itanong ni Ralph kung tama ba ang hinuha niya tungkol doon dahil iyon na ang paniniwalaan niya. Isang hakbang na nilapitan ni Ralph si Jianne at hinawakan sa kamay ang huli. “Then come with me, Jianne. As I said, I will protect and save you. Sumama ka sa ’kin, I can hide you in our room and make sure that no one will know about your whereabouts. I have my team with me. While you’re hiding, me and my teammates will call for some back ups and rescue from the headquarters. While we’re waiting for the rescue, we’ll also make sure to watch out for their movements in order to prevent more victims.” Bahagyang nagulat si Jianne dahil sa ginawang iyon ni Ralph pero mabilis na nagbago ang reaksyon niya ng marinig ang sinabi ni Ralph. Marahang binawi ni Jianne ang pagkakahawak ni Ralph sa kanyang kamay at pasimpleng napaiwas ng tingin. “Parang pareho lang din iyon kapag napunta ako sa puder mo. Mas may freedom pa nga ako kapag nanatili ako sa tabi ni Mr. Aquinas.” “What do you mean?” madilim ang mukhang tanong mi Ralph. Nakangising sinalubong ni Jianne ang tingin ni Ralph. “Mukhang may nakalimutan yata akong sabihin sa ’yo, Mr. Agent Wolf. Hindi lang naman kasi ako simpleng guest lang ng cruise. I am a con artist. Hindi nga lang kasing galing at propesyonal ng doppelganger ko. Since narito lang naman ako para mang snatch.” At para mas ipakita ang pinupunto ay itinaas ni Jianne ang kaliwang kamay at ikinaway sa harapan ni Ralph. Napababa naman sa kamay na ’yon, specifically sa pamilyar na relong nakasabit sa kamay na iyon ni Jianne. “I promised my friends and also companions that I would make sure to earn more than we usually have with our past missions in this mission of mine. Plano kasi naming tumigil na sa panggagantso at pagnanakaw matapos nito para mamuhay ng normal. Dito rin nakasalalay ang kinabukasan ko bilang future nurse, kaya hindi puwedeng makulong ako. Hindi pa kasya ang mga nakukulimbat ko.” Agad na inayos ni Jianne ang sarili. She planned to exit, and maybe this time, hindi na siya magawang pigilan ni Ralph sa pag-alis. Kaya naman mabilis siyang tumalikod at naglakad palayo. Pero nakakalimang hakbang pa lang siya ay kusa siyang huminto. Walang lingon-lingong nagsalita si Jianne, “I hope you heed my advice, Mr. Agent Wolf. Tell your teammates as soon as possible and leave this ship together.” Pagkatapos noon ay tsaka lang niya hinarap ang lalaki habang may mapaglarong mga ngiti. “H’wag mo rin akong ipahuli, Mr. Agent Wolf. Promise, after this, magbabagong buhay na ako. Although, I don’t know if you’ll have a chance to witness that.” And finally, Jianne had successfully left without any hindrance.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD