KANINA pa pabalik-balik ang tingin ni Xyra sa kanina pa rin parang wala sa sariling si Ralph. Actually, mula pa nang bumalik ito galing sa kung saan ay parang may kakaiba na sa ikinikilos ni Ralph. Maliban sa pagkakatulala nito, hindi na rin makausap ng matino si Ralph.
Pero hindi talaga iyon ang ipinagtataka ni Xyra. Mas nakapagtataka sa kanya ay kung paanong nawala sa focus si Ralph mula sa ginagawa nilang misyon. Minsan kasi talaga ay may oras na parang tinangay ng hangin ang utak ng kaibigan kaya may sandaling makikita nila itong tulala o malalim ang iniisip. Pero sa tuwing nasa bakasyon lang ito at kapag wala sa isang misyon.
Ngayon nga ay parang tuluyan na nitong nakalimutan ang ginagawa nila at kung bakit sila naroon dahil sa pagkakatulala ni Ralph. Kumpara sa kanila nila ni Paulo, ‘di hamak naman na mas seryoso si Ralph pagdating sa paggawa ng kani-kanilang misyon.
Katulad na lang ngayon, heto silang dalawa ni Paulo sa harap ng isa’t isa habang pinag-uusapan ang tungkol sa kanilang susunod na gagawin lalo na nga ngayon na mayroon na silang hawak na lead sa ginagawa nilang imbestigasyon.
Pang-apat na araw na iyon ng pananatili nila sa loob ng cruise at sa wakas nga ay nagkaroon na rin sila ng lead. Ngayon nama’y nagpaplano sila kung papaano nila mapapasok ang lab na iyon kung saan ginagawa ng mga ito ang ilegal na produksyon nila ng mga droga.
Speaking of droga, hindi pa rin magawang sikmurain ni Xyra kung paanong nagagawa ng mga siraulong iyon ang walang habas nilang pagp*tay para lang sa walang-kabuluhan nilang mga kagustuhan. Hindi lubos maisip ni Xyra kung gaano na lang ba kagahaman ang mga tao ngayon at hindi na lang sila makuntento sa kung ano mang mayroon.
At ang hindi niya mapagtanto ay kung bakit iyong mga mayayaman pa talaga ang hindi na magawang makontento sa yaman at kapangyarihang hawak nila. Wala naman sanang masamang maghangad na yumaman pa o kaya naman magkaroon ng kapangyarihan laban sa iba. But aiming for that doesn't mean that you have to do all the means, even if it’s against the morality of being a human.
Isang malaking halimbawa na r’yan ay ang Demetrius Aquinas na binabalak nilang hulihin. For how rich he is, how powerful his name is, for what purpose has he been doing those illegal drugs and k*lling people like they’re some bunch of objects?
This kind of person is the reason why Xyra, Paulo, and most especially Ralph, joined their agency and became secret agents. Gusto nilang burahin sa mundo lahat ng mga halang ang bituka, mga ganid sa pera at yaman, mga oportunistang puro pera at kapangyarihan lang ang alam, at mga kriminal na nagtatago sa katawan ng isang mapagpanggap na mabuting mamamayan.
Matapos ngang ilahad sa kanila ni Ralph ang nangyari sa kanya kahapon dahilan para malaman niya ang tungkol sa ginagawang eksperimento sa loob ng cruise ay halos hindi na makapagpigil si Xyra na lumabas ng kanilang kuwarto para agad na sugurin ang mga hinayupak na iyon.
Mabuti na lang at mabilis siyang napigilan ni Paulo. Pero hindi talaga iyon ang nagpakalma kay Xyra. What made her listen to Paulo was how he pointed his finger at Ralph, who was already sitting on the sofa absentmindedly.
Doon lang naalala ni Xyra kung paanong isang himala na hindi dumiretso si Ralph at mag-isang sumugod. Dahil kung tutuusin talaga ay kumpara sa kanilang tatlo ay mas seryoso si Ralph pagdating sa pagpuksa sa mga kagaya ni Demetrius Aquinas.
Naalala pa nga ni Xyra noong mga naunang misyon nila ng magkakasama. Kung saan ilang beses itong kumilos mag-isa matapos lang nilang marinig ang ginagawang kahangalan ng mga taong kailangan nilang patumbahin sa mga nagdaang misyon nila.
Pero ayon nga at nakita nilang ligtas na bumalik sa kanila si Ralph para mag-report sa kanila ng mga nalaman nito. It was actually amazing. But what’s more amazing for a bigmouth and gossiper like her was the possible reason why Ralph was out of his usual self after that little incident.
Ang mga ganoong eksena ay minsan lang mangyari sa isang Ralph Russel Salve. At sino ba naman siya para hindi ma-curious?
Kaya naman sa tulong ni Paulo ay inilahad nito sulit sa kanya ang nangyari ayon sa pagkakakuwento sa kanila ni Ralph. This time, she did not focus on the parts about the drugs and the experiment like she did at first, which is why she missed some more important gossip.
And fortunately, she really did grasp it! Nalaman niya kung bakit parang walang naging epekto kay Ralph ang mga nalaman nito. At iyon ay dahil sa isang babae! A woman!
Xyra's stake could be her future love life: Ralph had something unspeakable for that woman, who was said to be the one who helped and told him about the drugs and experiments. Maaaring dahil sa bago pa lang sa ganoong bagay si Ralph ay hindi pa nito alam ang ibig sabihin ng mga bagay-bagay.
And as a friend, Xyra was willing to help Ralph realize them. Hindi nga lang niya maipapangako na magagawa niya iyon ng maayos kung saan kusa at unti-unting ma-realize ni Ralph ang nararamdaman.
Kaya naman hindi na nga nakatiis pa si Xyra at napayo na sa kinauupuan. Napatingin naman sa kanya si Paulo na napabuntonghininga na lang. Hindi na nga niya maasahan si Ralph dahil sa hindi niya malamang kadahilanan, dumagdag pa si Xyra na hindi na nagpagulat sa kanya. Pinagpatuloy na lang niya ang ginagawang pagkalikot sa laptop para ipagpatuloy ang pag-scan sa blueprint ng cruise.
Naglakad naman si Xyra palapit sa sofang kinauupuan ni Ralph. Dahil nakatalikod sa banda ng pinanggalingan niya si Ralph at ang upuan nito ay patalon na napaupo si Xyra sa tabi ni Ralph. As expected, no reaction from the man.
Saglit na napaisip muna si Xyra bago ngumisi. Kung nakikita lang siya ngayon ni Paulo ay tiyak na napailing na ito at agad napatingin kay Ralph ng may simpatya.
“Ah! Anong sabi mo Paulo? Nahanap na iyong babaeng tumulong kay Ralph!” bigla-bigla na lang na sigaw ni Xyra.
Hindi lang si Ralph gulat na napatingin sa kanya dahil maging si Paulo na tutok na tutok sa harap ng laptop ay halos maibato ang hawak sa sobrang gulat.
“F*ck! What was that for, woman?” Paulo asked. He looks so annoyed that if the laptop in his hands wasn’t his own, he probably would have really thrown it towards Xyra.
Hindi na lang pinansin ni Xyra si Paulo at nanatili lang ang tuso niyang mga tingin kay Ralph na agad napakunot ang noo ng ma-realize nito ang ginawa niya. Mahina siyang natawa bago inosenteng nginitian si Ralph.
“Are you with us now, ha?” she asked.
Pinantay muna ni Ralph ang mukha niyang nakakunot bago iniiwas ang tingin sa kaibigan. Isang mababang buntonghininga ang pinakawalan niya habang nakahawak sa kanyang pagitan ng kanyang mga kilay at hinilot-hilot iyon.
“What’s the current situation? May naisip na ba kayong plano?” tanong ni Ralph.
Dahil sa ilang oras din siyang hindi nagsasalita mula kahapong pagbalik niya ay medyo namamaos pa ang malalim niyang boses. Tumayo siya at dumiretso na mini fridge nila para kumuha at uminom ng tubig.
Nakabalik na siya’t lahat sa sofa dala ang isang malamig na bottled water ay wala pa ring sumagot sa tanong niya. Ralph removes the cap of the bottle before drinking a few gulps of water, then returns the cap and tightens it.
Pagkatapos niyang gawin ang mga iyon ay tsaka lang niya tiningnan ang mga kaibigan na katulad niya ay naghihintay rin sa kanya.
“I don’t think we can talk about that when you are this inattentive and easy to get distracted. Ang mabuti pa’y tulungan ka muna namin para solusyunan ang kung ano mang bumabagabag sa ‘yo. At para matulungan ka namin, kailangan mo munang i-share sa amin ang tungkol doon. So come on, spill us the tea,” Xyra suggestively said.
Kung hindi lang dahil sa tumataas-baba nitong kilay ay baka akalain talaga ni Ralph na seryoso ang babae.
Pero alam din naman ni Ralph na may punto ang kaibigan. Kahit sarili niya ay alam na wala siya ngayon sa hulog para makapag-pokus sa meeting nila. Maliban sa distracted siya ay hindi niya rin magawang mag-isip ng hindi lumulutang sa kung saan ang utak niya.
Honestly speaking, hindi naman sa kung saan-saan naglalakbay ang isip niya. Dahil ang tanging laman lang talaga ng isip niya sa mga oras na ito ay ang tungkol kay Jianne.
Everything in his mind revolves around Jianne; kung kumusta na ba ang babae, kung ligtas ba ito, o kaya naman kung ano ang ginagawa ng babae. Lahat ng maisip niya ay laging patungkol kay Jianne o sa kalagayan nito. Kaya naman hindi makapasok sa isip niya ang ginagawa nilang pagpaplano o kaya kung ano nga ba ang pinag-uusapan nila.
Nanliliit ang mga matang napatingin si Ralph kay Xyra. He was thinking that once he could at least share all his thoughts with someone, maybe he would feel less burdened by the responsibility of knowing something but being unable to act on it.
“Inlove ka ‘no?” biglang tanong ni Xyra, bago pa man makapagsalita si Ralph.
Napamulagtang napatingin si Ralph kay Xyra na para bang hindi niya naunawaan ang sinabi nito. “Right. I got it right. You really are in love. Is it the woman who told you all that information? Huh?”
“Shut up. Don’t talk nonsense,” Ralph reprimanded.
“What? Am I wrong? Iyong patulala-tulala mo r’yan? Na parang kay lalim ng iniisip mo samantalang puro tungkol naman sa babaeng iyon ang mga iniisip mo. Sign na ‘yon Ralph! So you can’t deny that. Hindi sa ‘kin.”
Malakas na napaingos si Ralph, halatang hindi naniniwala sa mga pakiwari ng kaibigan. Maaaring tama nga ito sa sinabing puro tungkol kay Jianne ang mga iniisip niya. Pero hindi sa ganoong dahilan.
“Kung ako sa ‘yo bro, sasabihin ko na lang ang totoo. Hindi ka naman kasi paniniwalaan niyang si Xyra hangga’t wala kang matinding ebidensya na mali nga ang hinala niya. Dapat talaga sa ‘yo babae, naka-assign sa investigative team eh,” singit naman ni Paulo.
Hindi naman na sumagot pa si Xyra at nakangiting napatingin lang kay Ralph na para bang sinasabi niya na siya ang nagwagi.
“Fine. Make sure to solve this or I will bury you with it,” Ralph warnedly agreed.
Isang ngiting wagi naman ang namutawi sa mga labi ni Xyra habang nakatingin kay Ralph. Doon pa lang ay alam na ni Ralph na mukhang napasubo siya. Bakit nga naman ba kasi siya nagpauto sa kaibigang wala namang ibang inatupag kung ‘di ang mangalap ng chismis tungkol sa kanya?
Maybe he was really just desperate. Hindi kasi nagugustuhan ni Ralph ang kakaibang nangyayari sa katawan niya dahil lang kay Jianne. Ang lakas ng epekto sa kanya ng babae magmula ng makilala niya ito. Kung anu-ano na lang na hindi niya kailan man naisip na mangyayari sa kanya ay isa-isang nangyayari na parang normal lang ang mga iyon.
Kaya naman kahit pa nga alam ni Ralph na isang patibong ang tulong na inaalok sa kanya ni Xyra ay kinagat niya pa rin iyon at nagsimula ngang ikuwento kung ano ba ang mga bumabagabag sa kanya sa nakalipas na mga araw.
“After Jianne told me everything and then left me hanging, I really wanted to look for her. Hindi ako mapakaling isipin na nasa kamay siya ngayon ng halimaw na Demetrius na iyon. Hindi ko rin maatim isipin kung anong mga kahayupan ang maaaring ginagawa ng lalaking ‘yon kay Jianne. When I saw that red mark on her collarbone, there was something in me that wanted to snap. And however Jianne acted brave and not afraid, I knew she was. Her eyes, when she stared at me, already told me everything; her terror, her pain, suffering, everything. Na para bang pinakikiusapan ako ng mga mata niya na tulungan siya. And heck, how badly I want to save her!”
Napahinto si Ralph sa pagkukuwento. And Xyra, who was still smiling a few moments earlier, had a serious and worried face looking at Ralph. At this time, Xyra did not speak playfully. She just watches Ralph with worry since she knows nothing and knows that at this moment, she couldn’t do anything.
Ang alam lang kasi nila ay tungkol sa hindi kagandahang nakaraan ni Ralph. Pero tungkol sa nakaraang iyon, kahit ilang taon pa silang magkakasama at magkakaibigan ay hindi pa nila nalaman ang tungkol sa buhay ni Ralph bago siya napunta sa agency at naging secret agent.
Alam kasi nila na tanging ang mga tao lang na may hindi magandang karanasan sa pagkabata man o hanggang sa kasalukuyan ang tinatanggap ng kanilang agency. Maging silang dalawa ni Paulo ay may hindi kagandahang karanasan bago sila nahanap ng agency at na-recruit.
Matagal ng magkakilala at mag-partner si Paulo at Xyra, samantalang bagong member lang nila si Ralph. Pero kumpara sa kanila, mas matagal ng nagtatrabaho si Ralph sa agency bilang solo agent.
Hindi naman sa hindi pinagkakatiwalaan ni Ralph ang mga kaibigan kaya hindi niya masabi-sabi rito ang nakaraan niya. Parte lang kasi iyon ng kontrata niya bilang old member ng agency kaya naman tagong-tago ang tungkol sa totoong buhay niya. Pero hindi naman siya pinagbabawalan na mag-share ng tungkol sa nakaraan niya. Nasanay lang siyang hindi nagkukuwento sa nakaraan niya.
And ever since he partnered with Xyra and Paulo, the two did not ask him, so he never shared anything with them. Willing naman siyang magkuwento, basta hindi lang siya ang magkukusa. And now that he had a chance to share something, then maybe it was really the time to talk about the past.
“What I hated the most are those animals who wore human bodies. Hindi ko alam kung napansin n’yo sa mga nakalipas na misyon natin. Kapag ang target ay may kinalaman sa kahit anong s*xual assault like r*pe, ped*phile, or any other types of s*xual hara*sment, I would lose my cool or what. Hindi iyon dahil sa prinsipyo ko bilang lalaki o kung ano pang pansariling interest. It’s because both my mother and my only sister is a victim of s*xual abuse.”
Both Xyra and Paulo exclaimed in surprise at what they heard from the man. Hindi nila kailan man inakala na may ganoon palang experience si Ralph. Ang akala lang nila ay kaya ganoon na lang kung ma-trigger ito sa tuwing nakakaharap sila ng ganoong mga kaso ay dahil sa maprinsipyo lang talagang tao si Ralph.
Pero heto nga at may mas malalim palang dahilan kung bakit ganoon na lang ang galit at pagkamuhi ni Ralph sa mga ganoong klaseng tao.
“I was eight years old when I first saw that b*stard hurt my mother. Simpleng pamilya lang kami noon. Isang manager ang tatay ko samantalang teacher naman si mama. Five years old na ako ng ipinanganak ang kapatid ko. Pitong taon ako ng tumigil si mama sa pagtatrabaho dahil sa na-diagnosed siyang may ovarian cyst. Noong una, okay naman kami. Until my b*stard of a father got fired from his work.”
Ralph had a sarcastic smile on his face. “He looked so devastated that I actually pitied him. But it was only his front. Dahil kasalanan niya naman kung bakit siya natanggal. Nagnanakaw siya ng pera ng kompanya. Mabuti na lang at mabait ang boss at hindi na siya dinemanda. Doon nagsimulang lumabas ang baho niya.”
“Ang akala ni mama, kaya siya ginagabi ay dahil sa kahahanap ng trabaho. Pero isang beses ay umuwing lasing ang g*go, na nasundan pa. Hanggang sa maging araw-araw na ang paglalasing niya. Bumalik si mama si pagtuturo para may panggastos kami. Pero kulang pa iyon dahil sa kinukuha niya ang pera pambili niya ng alak,” he continued like he was just telling some stories he heard.
“Unang beses na nanghingi siya kay mama at walang naibigay si mama ay doon niya agad sinaktan si mama. Naulit iyon sa tuwing walang maibigay sa kanyang pera si mama. Sinabi ko kay mama na umalis na lang kami, pero ayaw ni mama. She thinks the b*stard will change back to the way he is. Unfortunately, namatay na siya dahil hindi nga nakapagpaopera, pero mas lalo lang lumala ang g*go. Hindi na lang niya lang kami pinagmamaltrato, huli ko na nalaman na ginagahasa niya rin ang sampung taon pa lang na kapatid ko.” Ralph subconsciously clenched his fists tightly.
Malakas na napamura si Paulo samantalang napasingap ulit si Xyra. Pero hindi sila makapagsalita o makapagkomento dahil nagpatuloy pa rin si Ralph sa pagkukuwento.
“When I learned about that, my sister was already pregnant at the age of fifteen. Walang pasok noon kaya maaga akong nakauwi. Dahil alam kong walang pasok noon si Ella, balak ko sana siyang dalhin sa labas para isurpresa pero ako ang sinurpresa ng g*go kong ama. F*ck! My body was both trembling in fear and madness when I saw my own father hovering over my emotionless sister, n*ked! My body moved on its own, and k*lled the old b*stard with the only vase from our mother’s collection.”
“I thought I could still save Ella. Dinala ko siya sa malayong lugar. Kahit gusto kong paslangin ang bata sa tiyan niya, I couldn’t do it. Yet others did it for me. But it also caused for her life. Inilayo ko nga si Ella sa hayop na ‘yon pero naidala ko naman siya sa mas matinding trahedya na kumitil sa kanya. Hindi ko alam na may grupo pala ng mga r*pist ang nagtatago sa nilipatan namin at naabutan ko na lang ang kapatid kong duguan at hubad-hubad.”
Hindi na kaya pang makinig ni Xyra sa mga kuwento ni Ralph at umiiyak na niyakap niya si Ralph. Napahinto naman na si Ralph sa pagkukuwento at hindi na nagsalita. He just let Xyra hug him and cry on him.
Dahil siguro sa ilang taon na rin mula ng mangyari ang trahedyang iyon ay hindi na gaanong naapektuhan si Ralph. Tanging matinding galit na lang talaga ang namumutawi sa kanya sa tuwing maaalala niya ang nangyari sa nanay at kapatid niya. Galit sa mga taong katulad ng kanyang walang hiyang ama at ng limang r*pist na iyon.
At ang isipin na isang katulad na naman ng kanyang kapatid ang mabibiktima ng isang katulad ng kanyang ama ay talagang hindi matanggap ni Ralph. Lalo pa nga dahil may alam siya at kaya niya pang iligtas si Jianne.
“So I really wanted to save Jianne from Aquinas. Hindi ko maatim na panoorin na lang ang isa pang Ella na maging biktima ng r*pe. That is why I was always distracted. I was thinking about how I could save Jianne from that dangerous man,” Ralph said with conviction.
Napahiwalay si Xyra sa kanya ng yakap at nagpunas ng luha. “Then let’s save her, Ralph!”
“Count me in!” singit naman ni Paulo.
Tiningnan muna ni Ralph ang dalawang kaibigan na katulad niya ay puno ng kombiksyon ang mga mukha. Sa huli ay napangiti si Ralph sa mga ito bago napayuko. Ang kanina pa niyang nakakuyom na mga kamao ay unti-unting lumuwag.